"Huwaggggg!Maawa ka , lubayan mo ako !!!!" -Ysa
"Anak?!!!anak gumising ka,anong napanaginipan mo? Binabangungot ka na naman ? !" .Nag aalalang tanong ni mama.
Sumisigaw na naman ako ,salamat naman at nagising ako ni mama baka patay nako sa mga oras na ito.
Palagi ko na lang napapanaginipan na may gustong pumatay sakin,na may gustong sumanib na masamang espirito sa aking katawan. May nagsasalitang hindi ko naman maintindihan kung ano ito.
Nagsimula akong nanaginip ng mga ganito noong aksidente kong nahulog ang picture frame na nakalagay sa isang aparador doon sa kwarto ng aking lolo.
Nasabi kong aksidenteng nahulog dahil kukunin ko sana yung mga damit ni papa na inilagay niya doon dahil pupunta daw kami sa probinsiya this week dahil vacation na namin tapos ayun nga,nahulog ko at nabasag yung picture frame.Luma na ito at may pagka-vintage ang kuha ngunit hindi parin kumukupas ang larawan.
Nakakasiguro ako na family picture ito dahil nandito ang lolo ko ,kahit na binata pa siya dito alam kong siya na 'yan dahil may pagkahawig sila ng mukha ng kaisa-isang tita ko which is kapatid ni Mama.
Nakatayo ang mag-asawa sa gitna na magkaholding-hands ,siguro ito ang mga ninuno ko . Uso pala ang kulot noon?o sadyang kulot lang talaga ang great great grandmother ko?Ang mga anak naman nila ay nakaupo. From left to right , isang lalaking mga nasa 40s ang edad,tapos lalake ulit,babae ang pangatlo,pang apat ay babae tapos kambal sila ng panglima, tapos si lolo ang pang anim,pang pito babae din pero mas bata kay lolo,at ang panghuli ay babae din.Ito siguro ang bunso nila . Bale siyam sila , napakalakas naman ng ninuno ko .
Namumukhaan ko naman yung iba kaso hindi ko pa sila nakikita.Tinignan ko kung anong date ng pagkakuha nito. July 21,1999. Ibig sabihin? Birthday ni lolo noon? At meron na si Lola sa buhay niya.
Tulala akong napahawak sa dibdib.
"Anak?Tinatanong kita,okay ka lang ba?"?-mama
"O-opo ma. Okay lang ako,medyo masikip lang po ang pakiramdam ko".Bumalik ako sa katinuan.
"Oh heto anak tubig ,uminom ka muna at matulog,malayo pa ang biyahe papuntang Ilocos". -mama
"S-sige po mama", tugon ko.
______________________________
Author's Note:
Hello guys , Thankyou for selecting this story to read. Thankyou for your time. First time ko pong magsulat. Nakakahawa kase 'tong kapatid ko kaya ayun.Sana wag niyo po munang ibash tong story ko hehehez See you sa next chapter guys. Agyamanak, Ay-ayaten kayo.
YOU ARE READING
Vengeance Through Me(On-going)
RandomAko si Chloe Ysabelle Del Pilar Reyes. Nagmula ang aking ninuno sa bayan ng Ilocos Sur.Namatay ang aking lolo ngunit muli siyang nabuhay gamit ako. KAYAMANAN isa sa napakaraming dahilan upang ikaw ay mamatay. Oo , totoo ang iyong nabasa , marahil n...
