Chapter 21: confirmed

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ahm lucia pwede ba akong makigamit ng Comport room?"

Oo naman, sa may kusina andon si nanay..

---Makalipas ang ilang minuto, parang ang tagal naman ni Pat, bumalik kaya nagpaalam muna ako para silipin si Pat, nag-uusap sila ni nanay, nakita kong nagmano si Pat sa kanya at Bigla ay niyakap siya ni nanay na mejo mangiyak-ngiyak pa, anong meron..?? Lumapit ako ..

"Iho, masaya talaga akong makita ka, napakalaki muna, ng huli kitang makita ay sanggol ka pa lamang, mukhang kulang ang araw na ito para magkwentuhan tayo hindi ba??

--nagsalita na ako..

M-magkakilala kayo??

--at nagulat sila ..

"A-anak kanina ka pa ba jan?"

"Lucia ?!"

Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko nanay? At Pat?

"Lucia, let me..

"Iho, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya :) ,.. anak pag usapan natin to, mamaya pagkaalis ng mga bisita mo, pwede ba?"

Hmm..
--at tinalikuran ko na lamang sila..

--ilang oras lang ay nagpaalam na din silang umalis, kanina parang gusto ko na mag-stay sila ng matagal, pero ngayon masaya ako na aalis na sila..

--matapos kong ligpitin ang mga naging kalat namin ay umakyat muna ako sa taas, kinakalma ko ang sarili ko sa mga pwedeng marinig mula kay nanay.. at maya maya pa ay kumatok ito at pumasok at naupo sa kama ko..

"Anak,..

Nay, pano nangyari na magkakilala kayo ni Prince Patrick, at isa pa mukhang kilala nyo rin si Carl, magsabi na kayo sakin kasi naguguluhan napo ako..

--tumayo si nanay at naupo sa mini sofa sa kwarto ko na nakaharap sakin.. ayoko ng katahimikan ni nanay kasi nakakatakot yun..

..
"Yung lalaking nakita mong sinamahan ko nung nakaraan pang linggo, yung may kotseng itim.. sya ang tinutukoy kong long time friend ko na nakita ko, kasamahan ko sya sa trabaho dati, at si Patrick, pamangkin sya ng taong yun, hindi ko akalaing masyado pa lang maliit ang mundo at magkatagpo-tagpo tayo ng ganito"

S-si carl po? Anong alam nyo sa kanya, bakit kailangan kong lumayo sa kanya? Mabuti po syang tao, ..

"Sana nga anak, sana nga !"

Ano pong ibig nyong sabihin??

"Hindi ito ang tamang panahon para pagusapan yan lucia, tama na ang nalaman mo, .."

Nay! May tinatago kayo sakin, sabihin nyo na hindi nako bata maiintindihan ko na kung anong sasabihin nyo, please, wag nyong hayaan na ako pa ang gumawa ng paraan para malaman ay ayaw nyong sabihin sakin !!

"Lucia! Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, maaring nabibigla ka lamang.. sige na magpahinga kana !"

--at iniwan lang ako ni nanay .. nakakainis na may alam sya , .. at kailangan ko yung malaman.. kung ayaw nyang sabihin ako ang gagawa ng paraan para malaman yun..

~~~~~~
Patrick's point of view..

Hindi ko akalain na sa tagal ng panahon ay magkikita kami ni Tita Imelda, oo hindi ako lumaki na nakikita sya, pero base sa mga kwento at larawan namin ni uncle na kasama sya talagang naging parte sya ng pamilya..

Iniisip ko ngayon kung ano ang paliwanag na ginawa ni tita kay Lucia, at pano pag nagkita kame, anong isasagot ko sa kanya .. alam ko na isang tao lang ang pwede kong kausapin tungkol dito... Si Uncle Chester..

"Three Prince and I" (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon