Chapter One

13.2K 213 7
                                    

CHAPTER 1

Four months ago. Burbank, California.

MAGHAHATING-GABI na pero nasa working station pa rin niya si Lemuel. May trabaho kasi siyang kailangang tapusin kaya kahit Sabado ay naroroon siya, imbes na nakikipag-date sa girlfriend o nagba-bar hopping kasama ang mga kaibigan.

“Dude, here’s your coffee.” Inilapag ni Ridley ang isang Starbucks coffee sa table niya. Kasamahan niya ang lalake na may nilalamay ding trabaho kagaya niya.

“Hey, thanks man!” Nakita niyang may paper bag ding iniabot sa kanya si Ridley kaya sinilip niya kung ano iyun.

“Chicken sandwich. I thought you’d like one too,” nakangising wika ni Ridley bago bumalik sa sariling working station.

“Cool! Thanks! I owe you one,” sagot niya.

“You owe me five dollars.”

Natawa siya sa sinabi ni Ridley kaya mabilis siyang dumukot sa kanyang wallet. “I’m giving you ten dollars man. Now you owe me!”

Napahalakhak ang kasama niya at bahagya muna silang nagkulitan habang kumakain. Mayamaya ay bumalik na siya sa ginagawa, gayun din si Ridley. May presentation ang bago nilang project at sa Lunes na ang deadline kaya nagdo-double time sila sa opisina.

Graduate ng Fine Arts sa UP Diliman si Lemuel. Bata palang ay mahilig na siya sa cartoons kaya hindi kataka-takang sa mundo ng animation siya ngayon nagtatrabaho. After his college graduation ay kinuha siya ng isang post-production company sa Makati na kalimitang gumagawa ng mga special effects ng mga sikat na TV commercials at mga pelikula. Three years ago ay nabigyan siya ng scholarship sa San Francisco, California para magpakadalubhasa sa multi-media arts at ngayon ay nagtatrabaho siya sa Walt Disney na nasa Burbank, California. Three years na rin siyang hindi nakakauwi sa Pilipinas.

NAALIMPUNGATAN si Lemuel sa tunog ng telepono. Kahit medyo madilim sa kuwarto niya ay nakita niya sa alarm clock na nasa side table niya na alas-kuwatro ng madaling araw palang. Alas-tres na siya nakauwi at pakiramdam niya ay kakaidlip pa lang niya kaya medyo groggy pa siya.

“Hello?” napilitan siyang sagutin yun dahil alam niyang iisa lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng ganoong oras. “Ma, kumusta?”

“Lem! Diyos ko, Lem!” nagpapanic ang boses ng mommy niya kaya napabangon si Lemuel.

“Ma, anong nangyari?” Kumabog ang dibdib niya. Huwag naman sanang masamang balita, nausal niya.

“Ang kapatid mo! Si Mariella!”

“Anong nangyari kay Ella?”

Dalawa lang silang magkapatid- si Ella ang bunso. Kasama ito ng mommy niya sa Pilipinas. Bata pa sila nang mamatay ang daddy nila. Five years ang tanda niya sa kapatid pero dahil na-accelerate siya sa school ng dalawang beses- mas maaga siyang nakatapos ng pag-aaral. Kahit may agwat ang mga edad nila- close silang magkapatid kaya naman biglang tinambol ang dibdib niya ngayon dahil sa tawag ng mommy niya.

Little Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon