Chapter 1

595 46 0
                                    

Sela's POV

Andito parin siya, nakatingin sakin hanggang sa matapos nakong umihi. Kahit nung naghuhugas nako ng kamay nakabantay parin siya sakin.

Tapos nang palabas na kami she wrapped her arms around my arm as if super close friends kami para makasigurong di ako tatakas.

Unfortunately, di kami nakita ng friends ko. Kanina pa niya siguro akong minamanmanan kaya alam niyang may mga kasama ako. Alam niya kasi ang blind spot kaya dun kami dumaan.

"Subukan mo lang tumakas malilintikan ka talaga sakin." Sabi niya habang naglalakad kami papunta sa entrance. Malayo layo pa naman. Isip Sela isip. Hindi ka pwedeng makulong. I'm sure idedeny ni Celine tong ginawa niya. Magaling siya in terms of constructing a perfect alibi.

Kailangan kong makatakas.

Lingon lang ako nang lingon sa paligid.

"M-may gagamba sa buhok mo!." Arte ko. Effective naman kasi bigla siyang nataranta at sinubukang tanggalin ang gagambang sinasabi ko eh di naman totoo. Pero dahil dun nabitawan niya ako at nakatakbo ako agad palayo sa kanya. Pero hinahabol niya ko. Galit na galit gustong manakit. Nakakatakot. Pumasok ako sa stores na may maraming tao hanggang sa tuluyan na nga akong nakatakas sa kanya.

Napagod ako dun ah.

Nauna nalang ako sa kotse since nasakin naman ang wallet at susi. Nasa sasakyan lang ang phone ko kaya tinawagan ko na ang dalawa kong friends para magmadaling lumabas.

Nang makasakay na silang dalawa, tingin parin ako nang tingin. Baka mamaya niyan sinusundan pala kami nung baliw na babaeng iniscam ni Celine.

Pagdating ko sa bahay, ready na sana akong sabunutan ang magaling kong kambal nang maabutan kong walang tao sa kwarto namin at may iniwang letter sa bed niya at ang sabi ay:

Dear Sela,
        I'll be out of town with the band for two weeks since sem break naman at ayoko lang mabagot dito sa bahay. Please take care of Miggy for me. Mwah. See you in two weeks. Don't worry, nagpaalam ako kina mommy. BTW, happy trip sa inyo sa probinsiya lol.

Love, your beautiful twin,
Marceline.

"Bwisit bwisit bwisit!." Punit ko sa letter.

Ano nang gagawin ko? Malamang nirereport nako nung baliw na babae sa police ngayon at makukulong ako kahit wala akong kasalanan.

Pero she said na she wants me to take care of Miggy. What if agawin ko na talaga yung boyfriend niya para man lang makaganti ako sa lahat ng pang-aagrabyado niya sakin? Hmm.

Tok tok tok

Pagbukas ko, it's my mom.

"Yes po?."

"Oh? Ba't di ka pa nag-iimpake? Aalis na tayo ngayong gabi."

"Ah Ma. Pwede po bang wa nalang po akong sumama?."

"Huh? Bakit naman?."

"Eh kasi po maraming iniwang assignments and projects yung teachers namin. Siguro ma, next year nalang po ako sasama sa inyong magbakasyon kina Lola. Alam nyo naman po, last year of high school napo to. Bawal bumagsak. Baka po mamaya nyan, di po ako maka graduate." Syempre charot charot lang yun. Gusto ko lang talagang makasama si Miggy at makaganti kay Celine.

"Sus. Ikaw pa. Kayang kaya mo yan. Pero sige na nga. Responsible ka na naman. May sariling savings ka narin. We're gonna miss you nak." Yakap ni Mommy sakin.

"Miss you more ma."

"O sige na. Bago pa magkaiyakan, tutulungan ko muna si Kuya mo mag-impake."

"Okay ma."

KINABUKASAN

Nagising ako na ako nalang mag-isa sa bahay. Naligo nako at nagluto. Kumakain nako nang may nag doorbell. Nagulat ako nang makitang andito yung baliw na babae kahapon.

Isasara ko na sana ang gate pero nakapasok parin siya.

"May kaya pala kayo. Bakit mo pa ko kinailangang e scam?." Sabi niya habang dirediretsong pumasok sa bahay.

"Alam mo idedemanda talaga kita ng trespassing. At saka pano mo nalamang dito ako nakatira?."

Umupo siya sa couch at tiningnan ako.

"I asked your friends." Sht.

"Ano ba talagang kailangan mo sakin ha?."

"My money syempre. 100k to be exact."

"Ano?!."

"Ang galing, kunwari gulat. Alam mo, ayoko nang umabot pa to sa police. At sa kung saan mang hukuman. Ang gusto ko lang ibalik mo sakin yung perang ninakaw mo."

"Ilang beses ko ba dapat sabihin yun sayo ha? Hindi nga ako ang scammer na hinahanap mo. Kundi ang kakambal ko."

"Oh sige nga, kung may kakambal ka talaga--asan siya ngayon?."

"O-out of town."

"Maniwala. Pwede ba umamin ka nalang?. Ayoko naman ng gulo eh. Gusto ko lang bayaran mo ko."

"100 thousand pesos? San ko naman kukunin yun aber?."

"Problema mo na yun girl." Higa niya.

"Ano ba kasing binili mo? Ba't ganun kalaking halaga?."

"A collector's item. A 300 year-old violin of a legend. Pero ang binigay niya sakin ay isang ukulele na gawa sa bao ng coconut."

"Nabudol ka ng kapatid ko ng ganun ganun lang? Hahaha."

"Oops. I'm still not convinced na may kambal ka. Malay ko, baka nagpalit ka lang ng style sa pananamit at make up. Alam kong ikaw parin yan. Yang mukhang yan hinding hindi ko talaga makakalimutan."

"Ah so kasalanan ko pa pala ngayon dahil masyado akong maganda na hindi mo na ako kayang kalimutan?."

"Ha ha. Nakakatawa. Pwede ba? Seryoso ako. Isauli mo na ang pera ko."

"Paulit ulit lang naman tayo dito eh."

"Then let's find your sister together."

"What? No. Ayoko. Dito lang ako." Kaya nga ako di sumama kina mommy para makasama si Miggy tapos ganito yung mangyayari?.

"Then pumili ka. Kulong o tutulungan mo kong hanapin ang kapatid mo?." May magagawa pa ba ako? Tsk. Ano ba namang buhay to oh. I swear pag nakita ko yung gaga kong kambal, papatayin ko talaga siya. Nakakainis.

"By the way. I'm Abby. Babalik ako mamayang gabi. Mag-impake ka na ng gamit. Magroroadtrip tayo." She smiled at umalis na. Gosh, that girl's crazy.

Seryoso ba talaga siya?

8pm. Sinundo niya ako sa bahay. Nilagay ko lahat ng mga gamit ko sa likod.

"So, may lead ka ba kung san natin siya posibleng mahanap?." Tanong niya.

"Well, she left me a letter and she said she's going out of town with the band."

"Hmm that means andun sa mga lugar kung saan may gigs. I heard may gig two hours away from here. Ano bang bandname nila?."

"Cupid's Psychos."

"Never heard of it."

"Kasi di naman talaga sila sikat duh." I rolled my eyes. I don't get why some people even like rock music. Sakit kaya nun sa tenga.

Scam This Be Love (Seby)Where stories live. Discover now