Chapter Two

4.5K 187 6
                                    

Chapter Two

Nakapamewang na nakaabang sya sa pintuan. Hinihintay nya lang naman na dumating ang lalaking dahilan ng pagkasira ng araw nya. Narinig na nya ang tunog ng kotse nito kaya sigurado syang dumating na ito.

“Hoy!” unang apak pa lang ng lalaki sa hagdan ay dinuro na nya ito. Kumunot naman ang noo ng lalaki sabay napailing. Iniisip nya na nasisiraan na ang babaeng nasa harap nya. Hindi na lamang ito pinansin at pumasok na lang sa loob ng bahay.

“Bakit ang baba ng grade ko? Ang daya mo. Tama naman ‘yung ginawa ko, ah.” Pagdadahilan nito.

“Tama nga.” sagot ng lalaki sa kanya. Nilapag nito ang gamit sa center table at nagtanggal ng sapatos. Si Karylle naman ay nakapamewang pa rin sa tabi ng lalaki.

“Ayun naman pala. Eh bakit ang baba ng binigay mo?” naiinis na tanong nya ulit. Hindi pa kasi talaga nya matanggap.

“Hindi mo ba binasa ‘yong note na nilagay ko? You’re always late. At ikaw ang pinakamaingay sa klase ko.”

“Aba! Nalate ako dahil tinapos ko ‘yong project na pinapagawa mo. At isa pa, ang hirap-hirap kaya ng mga pinapagawa mo!” naiinis na sagot nya.

“Mahirap? It was just a basic accounting. Ano pa ang silbi ng pagiging accounting student mo, kung simpleng problems lang hindi mo masagutan?” hindi naman sya nakasagot sa sinabi nito. “Kung hindi mo kaya, magdrop ka.”

May point nga naman sya. Accountancy kasi ang kinuha nyang kurso, kahit hindi sya gaanong magaling sa numero. Bakit? Dahil sa lalaking masungit na kausap nya. Unang kita nya pa lang sa lalaking ito ay tinamaan sya. Kaya nagresearch talaga sya tungkol dito. At ayun nga nalaman nyang professor ito sa karamihan ng accounting subjects. Kaya kahit halos isumpa nya ang mga numero ay kinuha nya pa rin ang Accountancy.

Hanggang isang araw nalaman na lang nya na ikakasal na sya. Dahil ipinagkasundo pala sya ng mga magulang nya. At ng malaman nyang sa lalaking ito sya ikakasal, hindi na sya tumanggi pa. Sabi nga nila, masamang tumanggi sa grasya.

Pero…nagbago ang nararamdaman nya sa lalaki. Hindi nya kasi akalaing sobrang suplado at talo pa ang babaeng menoposal sa pagkasungit. Kung dati gusto nya itong yapusin, ngayon gustong-gusto nya itong hampasin. Lagi syang binabara sa lahat ng ginagawa nya. noong una ay inintindi nya ito pero kalaunan ay nakakahalata na syang na lagi sya nitong pinag-iinitan. Lalo na sa loob ng klase.

Tama kayo ng iniisip. Professor nya ang asawa nya. pero wala ni isang nakakaalam sa eskwelahan nya, maliban kay Anne na matalik nyang kaibigan. Dahil kapag may ibang nakaalam sa sitwasyon nila, siguradong malaking isyu ito.

I Do, Sir! (ViceRylle)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant