The Varsity's Girlfriend: Chapter 5

72 0 0
                                        

"Mom? Mommy!!!!!" Sumigaw agad ako pagpasok ng bahay. Excited na kong ikwento sa kanya na nagkita kami ni James. For sure matutuwa yun. James is the baby boy that mom never had.  Nakita ko siyang tumatakbo pababa ng hagdan. 

"What is it? May nangyari ba sayo? Tell me." Kinuha ni mommy yung kamay ko at tinignan tignan yung braso ko. Ano kaya hinahanap nito? Natatawa tuloy ako. "Oh bakit ka tumatawa dian? Itong batang to talaga. Kinabahan ako nung sumigaw ka kala ko may nangyari na sayo!" 

"Si mommy talaga. I didn't take lessons sa self-defense para sa wala! Before anything else, I have a good news for you! Alam kong sobra kang matutuwa!" Nakangiti kong sabi.

"Ano ba yun? Sabihin mo na. Kinakabahan ako sa mga ganyan mo." 

"Remember James? Nagkita kami! Schoolmates pala kami!" Excited na sabi ko. 

"JAMES? YUNG BOYFRIEND MO? TALAGA? MISS KO NA YUNG BATANG YUN! KAMUSTA NA SI DAW SI CIELO?" Napasimangot ako sa sinabi niya. Boyfriend? Kahit siya hindi makalimutan yun? Grabe! Ang bata bata ko pa nun! Tsaka naglalaro lang kami nun!

"Mommy naman! Parehas na parehas talaga kayong dalawa! Ganyan din sabi niya sa akin! Girlfriend daw niya ako." Nakapout kong sabi. 

"Eh totoo naman! Hahaha. Ang cute cute niyo nga nung bata kayo. Kala ko nga hindi kayo magkakasundo nun, kasi ang taray mo sa kanya yun pala.." Ngayon naman nang-aasar na ngiti yung binigay niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin kasi inalala ko yung time nung nagkakilala kami ni James.

*Flashback

"Mom, I will just go outside. Can I play outside?" I innocently asked my mom.

"Okay, baby. Pero wag kang lalayo okay?" Yes, marunong akong magtagalog kahit nandito na kami sa Australia. Para daw pag umuwi kami sa Pilipinas hindi daw magdudugo ilong ng mga kamag-anak ko dun and I'm still wondering why.

"Okay." I'm just 5 years old turning six in 3 months time. Mom said I was born in Philippines and when I turned three, Dad asked her if she and I could fly to Australia to be with him. She agreed that's why I'm here. I was playing alone outside our house when out of no where a little boy appeared in front of me and snatched my barbie.

"Hey! Give it back to me. That's mine!" Sigaw ko dun sa batang lalaki.

"Your barbie is so ugly! You look like her. You're ugly too! Haha." Pagkatapos binato niya sa lupa yung barbie ko at tinapakan. Hindi agad ako nakagalaw not because he stepped on my barbie but because he called me ugly!

"NOOOOOOOOOOOO!" I shouted and pushed him. "I'm not ugly! My mother told me that I am pretty just like her!" 

He just laughed, "You believed her? Hahaha. She's a liar, you know." 

"How dare you to insult my mommy!" Umiyak na ko kasi ang lakas mang-asar nitong batang to. Who is he? Ngayon ko lang siya nakita.

"So you're a crying baby now? Haha. If you will continue crying your face will become like this." Tapos dinistort niya yung mukha to emphasize kung gaano kapangit yung magiging mukha ko. Umiyak ako lalo kasi ang pangit nung nangyari sa mukha niya. Ayokong mangyari yun sa akin!

"James!" Pareho kaming napatingin dun sa babaeng sumigaw. "James! What did you do this time?" Siguro mother niya because they both have the same eyes. Almond shape and light brown yung color.

"M-mommy, I.. I'm just telling her to stop crying because--" 

"What's happening here? Oh baby! Bakit ka umiiyak?" Sabay yakap sa akin. Hindi ko napansin na lumabas pala siya ng bahay.  "Anong nangyari? Are you hurt?" Nag-aalalang tanong niya.

"PILIPINO KAYO?" Tanong nung nanay nung James. At nung malaman din ni mommy na Pilipino sila nakalimutan na ata niya na umiyak ako! Bagong lipat lang daw sila sa place namin kaya pala hindi sila pamilyar sa akin. Mom and Tita Cielo became best of friends but me and James? We're still enemies.

*End of flashback

"Are you listening?" 

"Ha? Sorry. May naalala lang ako. Ah, mom akyat lang ako ha. Magpapalit lang ako then kain na tayo ng dinner." Tumakbo ako paakyat at papasok ng kwarto ko. Binuksan ko yung drawer ko at kinuha ko yung memory box ko. A soft smile was formed on my lips nung kinuha ko yung isang blue paper sa pinaka ilalim. Binasa ko ulit and I realize ang tagal na pala talaga namin hindi nagkita.

Naputol yung pag-iisip ko nang mag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko. 

Calling... 091514*****

Who the hell? Unregistered number. Sagutin ko na nga, "Hello?" Ang ingay nung background. "Hello?" Ulit ko.

(Bella! It's me!)

"Who?" Hindi ko mabosesan dahil ang ingay talaga ng background parang nasa bar yung taong tumatawag. 

(My God! Bestfriend mo ko tapos hindi mo alam boses ko!) 

Opppps. "Eunice? Eh bakit kasi iba number mo! Arte mo naman. Teka nga, asan ka ba? Bakit ang ingay dian?

(Nadrain kasi yung battery ko so, nakigamit muna ako. Punta ka dito! Bilis. 5th high bar!)

"Nasa bar ka?! Ayoko. May pasok pa tayo bukas."

(Dali na Bella! I'll wait for you. Text me sa number na to if nandito ka na, alright? See you. Bye!) 

Haay. Wala na kong nagawa kung hindi pumasok sa banyo, maligo at magpalit ng damit. Bumaba na ko para magpaalam kay Mommy. 

"Oh? Saan ka pupunta? Kala ko ba kakain na tayo?"

"Si Eunice kasi mom eh. Nagpapasama saglit pero sasabayan ko kayong kumain. Love ko kayo eh." Niyakap ko siya, close lang talaga kaming dalawa.

"Ito talagang baby ko. Oh siya, kumain ka na para makaalis ka na agad." After kumain, umalis na din ako dahil baka naghihintay na sa akin si Eunice. I'm wearing one-shouldered blouse, a skirt and heels. Ginamit ko na yung sasakyan ko para mabilis. Walang traffic kaya mabilis akong nakarating doon. Habang papasok tinext ko si Euni doon sa number na ginamit niyang pantawag sa akin habang wala pa siyang reply umupo muna ako sa counter at nag-order ng margarita. 

"Tagal naman magreply nun." At ininom ko yung inorder ko. Hmmmp. Sarap!

Nagulat ako nang biglang may bumulong sa tenga ko, "Hi babe! Miss me?" Saktong paglingon ko biglang dumilim yung ilaw kaya hindi ko mamukahan. Mas nagulat ako nung unti-unting bumababa yung mukha niya sa mukha ko at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Magiging second kiss ko na ba to?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Eunice' POV)

"Jared! Nandian na daw siya. Hanapin mo nga!" Sigaw ko kay Jared. Actually, sa kanyang number yung gamit ko kanina nung tinawagan ko si Eunice. Nagulat na lang ako kanina nang biglang nagtext si Alex, nagyayayang magbar. Pumayag naman agad ako kasi type ko si Alex, ideal boyfriend!

Hindi ko na din naman sinabi kay Bella kung sino yung mga kasama ko. Ayaw kasi pasabi ni Jared. Gusto niyang masurprise yung best friend ko. Haay. Sana may mamuong romansa sa pagitan nilang dalawa! Botong boto ako kay Jared! 

Jared: "Sige, ako nang bahala sa babaeng yun. Haha!" Loko loko talaga.

"Wag mo namang pikunin! Baka masuntok ka naman. Sayang naman yung mukha mo." At tumalikod na siya. Naiwan ako kasama yung ibang players at yung iba sa kanila dala dala yung mga chicks nila. 

Alex: "Let's dance Eunice. Come!" 

"Sure!" Nang papunta na kami sa dance floor napatigil ako sa nakita ko dun banda malapit sa counter. Si.. si Kurt Lazaro! 

The Varsity's GirlfriendWhere stories live. Discover now