Chapter 1

262 5 0
                                    

"12.3 Million?" Halos mapasigaw si Nicole sa kanyang ina habang nakahiga ito sa kama. Kita sa anyo ng mukha nito ang malubha niyang karamdaman. "Ma, you're asking me to produce 12.3 Million?"

"Hija, it's too late when I realized na nakasanla pala ang rancho natin kina Don Lorenzo." Malumanay na sagot ni Donya Arietta. "It's been a year. Ngayon ko lang nakita ang mga papers sa office ng papa mo since he died... And the due date is in two months."

Tumahimik na lamang siya habang hinahaplos ang buhok Mrs. Del Prado. Bihira na nga lamang siya umuwi ng San Carlos. Kung bakit ba puro na lamang problema ang palaging sumasalubong sa kanya. Una niyang naisip ang kanilang mga maliliit na negosyo sa bayan. Kahit na ibenta nila lahat iyon ay hindi makakabuo ng labing dalawang milyon. Ang mga napagbentahan naman nila sa kopra at buko ay halos ibinabayad din nila sa mga trabahador na nandoon.

"Anak, ipangako mo sa akin na hindi mo pababayaang mawala sa atin ang rancho. Ito na lamang ang tanging maipamamana ko sa'yo." Marahil ito ang dahilan kung bakit nakaratay ang kanyang ina. Ang sabi ng doktor ay mataas ang kanyang blood pressure. Lubha din nitong dinamdam kung saan kukuha ng ganoong kalaking halaga para matubos ang kanilang lupain. "Kakausapin ko iyong don na iyon, Ma. Huwag po kayo mag-alala kung kailangan kong magmakaawa ay gagawin ko."

Hindi na nagsayang pa ng oras si Nicole kagyat siyang pumunta sa mansion ng kanilang pinagkakautangan.

"Nicole del Prado." Nakangiti ang matanda habang sinisimpat ang dalaga sa kanyang pagkakaupo mula ulo hanggang paa. "I must say, totoo palang napakaganda ng anak ng mga Del Prado. "

She smiled genuinely. Alam niyang totoo ang sinasabi ng matanda.Hindi siya magiging isang advertising model for nothing.

"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Nakasanla daw po ang rancho namin sa inyo. We cannot pay in two months kaya po humihingi ako ng extension." Halatang kabado siya habang nakikiusap kay Don Lorenzo. Hindi din niya napigilan ang bahagyang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata dahil sa pagmamakaawa.

"Nicole, tatapatin kita.Natalo ang ama mo sa sugal at iyang lupa ninyo sa rancho ang ipinangbayad niya." Paliwanag ng matanda. "Bago mamatay si Gaston ay nakiusap siya sa akin na sa halip na kabayaran ay gawing collateral na lamang ang lupa." Matiim siya nitong pinagmasdan. "Lumapit na din ang iyong ina sa akin. Kung tutuusin ay lugi na ako."

"Don Lorenzo, nagkasakit na ang mama ko kakaisip kung paano tutustusan ang pagkakautang namin sa inyo. Maging ako man ang nasa katayuan niya ngayon pakiramdam ko ay magkakasakit din ako dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga sa loob ng isang linggo. I'll do anything pagbigyan niyo lamang po ako dahil talagang we can't produce that much given the time constraint." Tuluyan nang tumulo ang luha ni Nicole sa harap ng pinagkakautangan. Hindi na niya alam kung tama ba ang binitawan niyang salita dito. Naghahalong kaba at awa sa sarili ang kanyang nararamdaman. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya naranasan ang magmakaawa ng ganito.

"Anything?" Nanlagkit bigla ang tingin ni Don Lorenzo sa kanya na ikinabahala niya.

"Bueno, I've really thought about this. Alam kong one of these days ang nag-iisang anak naman ng mga Del Prado ang lalapit sa akin." Tumayo ang matanda at lumipat sa sofa na kanyang inuupuan. Saka nito dinampot and maliit na photo album sa ilalim ng lamesita.

Inisa-isa ni Nicole ang mga pahina ng album at doon niya nakita ang pictures ng isang binata na nakangiti sa kanya. There was something about him that made her heart throbs twice as its normal rate. His face is very enchanting. Nakararamdam siya ng kiliti sa kanyang tadyang habang pinagmamasdan ang ngiti ng lalaking nakikipagtitigan sa kanya sa larawan. Moreno ito at sa tantya niya ay matangkad lamang ng kaunti sa height niyang 5'5".

"That's my unico, si Mateo." Bungad ni Don Lorenzo. "He's such a brat. Simula nang nasermonan ko siya ay hindi na siya umuwi dito." Nagsindi ito ng kanyang tobacco at saka ipinagpatuloy ang kwento. "Ang huling sabi niya'y wala na siyang balak bumalik dito."

"Ano ho ang magagawa ko para sa inyo?" Mabilis na sagot ni Nicole. May mga bagay na naglalaro na agad sa isipan niya at gusto niyang marinig na hindi iyon ang gustong mangyari ng kausap niya.

"Please bring my son home. I'm getting old. Nahihirapan na akong mag-asikaso ng kabuhayan namin dito." Nagbuga ng usok si Don Lorenzo sa hangin habang pinag-aaralan ang magiging reaksyon ni Nicole. "Uuwi lamang ang batang iyan kapag gusto na niyang lumagay sa tahimik."

"Ang ibig niyong sabihin ay kailangan niyang makahanap ng mapapangasawa para lamang umuwi dito?"

"Kapag nagsettle na sila dito ng kanyang magiging kabiyak ay bibigyan kita ng extension na dalawang taon. Babawasan ko pa ang interes."

Iyon lang? Ang maging isang matchmaker? Naisip ni Nicole. Napakadali naman pala ng gusto ng Don Lorenzo na ito. Madami siyang kilalang magagandang models na pwedeng ireto sa kanyang unico hijo.

"Madami po akong kakilala na babagay sa anak ninyo. Kung iyon lamang po ay magagawan natin iyan ng paraan."

"I take that as a good deal?" Inilahad nito ang kanyang palad sa harap ng dalaga.

Ilang minuto ding napatitig si Nicole sa kanyang kausap. Sa tingin niya ay hindi nagbibiro si Don Lorenzo. Kung tutuusin ay napaka-weird ng pinapagawa sa kanya ng matanda. Subalit ano ang magagawa niya kundi sumunod sa kagustuhan nito dahil sila ang may atraso. Hindi din ganoon kadali ang nais nitong mangyari at kahit pilitin niyang magtrabaho maghapon at magdamag sa loob ng dalawang buwan ay hindi siya makakalikom ng ganoong kalaking halaga para makabayad dito.

"It's a Deal." Iniabot niya ang kanyang kamay kay Don Lorenzo at pikit-mata siyang kumapit sa patalim.

•••••••••••••••••••••••••••••••••
Complete ebook copy can be bought here:
http://www.ebookware.ph/product/charmed-in-vietnam/

Charmed in Vietnam (Published via Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon