Chapter 30: Family Dinner

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mas malapit ang edad ko kay Zephyr."

"So? Boyfriend mo na ako."

"Sinabi ko lang na mas malapit iyong edad ko kay Zephyr pero wala naman akong sinabi na gusto ko siya." Nakasimangot na sabi ko.

"Sinabi ko lang din na boyfriend mo ako. Masama ba?"

Tiningnan ko naman siya ng masama at napailing na lamang dahil namiss ko din iyong kakulitan niya.

"Bakit ba bigla kang nag-propose?"

"Well, I just have to make sure na may babalikan ako after a month. Tiyaka para may rason ako na bakuran ka kahit nasa malayo ako."

Natahimik ako sa sinabi niya.

"A-Ano?"

"Anya, mawawala ako ng one month. Aayusin namin ni Sharee iyong problema ng kumpanya nila sa branch nila sa ibang bansa."

Kasama niya si Sharee?

"Si Sharee lang kasama mo?"

Bumuntong-hininga siya.

"So siya nga lang? Isama mo si Zephyr." Inis na sabi ko.

"Hindi ata siya pwede."

"Hindi pwede."

"Woah, it's been a while simula nang may bumabawal sa akin. It feels so good, Anya."

"Isama mo si Zephyr."

"Okay po."

Napailing na lamang ako.

End of flashback.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang muling tumunog ang cellphone ko. May notification sa facebook na nagpapakita ng post ni Kiah na nagpalit na siya ng cover photo niya.

Binuksan ko naman iyon at napangiti dahil larawan ng pamilya niya. Magkatabi sila ni Kuya Damon at hawak nila si Zephaniah. Nanganak na si Kiah noong August. September naman nanganak si Sam. Kambal ang anak ni Vius at Sam. Isang babae at lalake. Ang swerte nga nila. Luxury at Savi ang pangalan nung dalawang anak nila.

Naalala ko iyong sinabi ni Vius na hanggang dalawa lang iyong anak nila ni Sam kasi ayaw niyang mahirapan si Sam. Hindi na siya makakaulit kay Sam kasi dalawa na anak nila.

Nagcomment ako sa post ni Kiah.

Anya Natividad : Happy family :)

Namilog ang mata ko nang i-heart ni Kiah ang comment ko at nagreply pa ito.

Zaharah Hezekiah Hamilton : Come on, dalian niyo ni Kuya. Baka makadalawa na kami ni Damon pero hindi pa rin kayo kasal.

Napailing na lamang ako. Ang dalawang kapatid ni Zohar ay laging minamadali ang kasal namin ni Zohar. Si Zohar ay tahimik lang naman sa bagay na iyon dahil sabi niya hahayaan niya daw ako na magdecide kung kailan pwede at ready na ako.

Hindi ako prine-pressure ni Zohar pero iyong mga kapatid niya at ang kaibigan kong si MJ, lagi nila akong prine-pressure.

Sa susunod na buwan ay twenty-one na ako. Napangiti ako at nagtipa ng reply kay Kiah.

Anya Natividad : We'll see.

Naka-wow na agad ang comment ko pagkapost ko pa lang. Nagulat ako dahil pati pala sila Sam at iyong iba pa naming kasama dati sa beach ay nag-wow at heart rin sa comment ko.

Napatampal na lamang ako ng noo ko at napangiti.

Pagdating ng hapon ay nagsimula na akong mag-ayos ng sarili ko dahil 6 o'clock daw kami susunduin ni Zohar.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon