At last... pwede ng tirahan ang bahay. Although hindi pa ito totally finished... not fully-furnished... but at least may matatawag na kaming SARILI.
Hindi na kami makikitulog... Ang saya saya!!!
..................
Ilang gabi na rin silang natutulog sa bahay. At sa bawat araw na inilalagi nila doon ay hindi pa rin nawawala ang mga kaluskos sa hatinggabi.
Nakasanayan na lang nila ito. Ang dahilan ni Mama, hindi naman daw ITO nananakit. Kaya huwag na lamang daw pansinin.
..................
Alam naman natin ang buhay sa probinsya. Maagang natutulog ang mga tao. Alas otso pa lang ata ng gabi nasa higaan na sila.
Unlike dito sa Manila, sanay sa puyatan ang mga tao. Yung alas otso ay simula pa lang ng night life.
..................
At dahil laking Manila si Ate, sanay itong magpuyat. Para na siyang insomniac.
Mabuti na lang talaga at may laptop na pwedeng paglibangan lalo na kapag ini-insomnia si Ate.
..................
Sa kwarto natutulog si Ate.
Samantalang ang sala naman napili nila Mama at Papa.
..................
11:45 PM
"Neng... Matulog na." Mahinang sigaw ni Mama.
Naalimpungatan ata ito at napansin ang munting liwanag na nagmumula sa kwarto kaya sinita niya si Ate.
"Opo." Sagot naman ni Ate.
. . .
Ngunit hindi naman sumunod si Ate. Nag-laptop pa rin ito.
Maya-maya nga lang ay sinita na naman siya ni Mama.
"Neng ano ba? Anong oras na ah? Patayin mo na yan!" Sigaw ni Mama.
"Eh Mama hindi pa ako inaantok eh." Dahilan ni Ate.
"Hmpt! Bahala ka kapag may tumabi sayo dyan ha." Panakot ni Mama.
Ngunit hindi pa rin natinag si Ate.
Kasi naman hindi pa siya talaga inaantok. Mahirap nga namang magtulug-tulugan. Masakit iyon sa mata.
..................
Makalipas ang ilang oras...
Kasalukuyang nag-e-fb si Ate nang makarinig siya ng mahinang iyak ng isang bata.
UHAA... UHAAAA... UHAAAAAA...
Ang iyak ay nanggagaling sa labas ng bahay, sa bandang bintana.
. . .
Ngunit binale-wala niya ito sa pag-aakalang ang anak ng pinsan naming si Cath ang umiiyak.
UHAA... UHAAAA... UHAAAAAA...
Patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata.
Ano ba naman si Cath? Hindi man lang mapatahan ang anak niya. Hindi napigilang sambit ni Ate.
. . .
. . .
Hanggang sa palakas na ng palakas ang iyak.
UHAA... UHAAAA... UHAAAAAA...
Peste naman o! Anong oras na? Ngayon pa nag-i-iiyak!
YOU ARE READING
TRUE GHOST EXPERIENCE
HorrorAUTHOR'S NOTE: Bago ko po simulan ang kwentong ito, nais ko muna sanang magpasintabi sa lahat ng mga nilalang na hindi nakikita ng ating mga ordinaryong mata. Wala po akong balak na gambalain ang inyong katahimikan. Gusto ko lang po sanang ipamulat...
