Bago nasimulan ang pagpapatayo ng bahay, kinailangang putulin muna ang puno ng kaimito na nakatayo ilang hakbang lang mula sa gate.
Dahil mas maluwag daw kung sasakupin din ang lugar kung saan ito nakatubo.
Apat na kasi ang bahay na nakatayo sa loob ng compound eh. Kumbaga, crowded na. Unlike sa ibang bahay, ang lalawak at ang lalaki ng bakuran. Yung sa amin, maliit lang.
………………
Ang punong ito ay napaka-tanda na. Hindi lang ako sigurado kung ilang taon na itong nakatayo.
Ang naaalala ko lang 8 years old pa lang ata ako noon, madalas akong magpakuha ng kaimito kila Kuya at Papa.
Dati kasi... marami ito kung mamunga. Pero ngayon hindi na. Wala ng gaanong tumutubong bunga. Kung meron man, hindi naman pwedeng kainin dahil inu-uod ito sa loob.
Kaya siguro naisipan na lang nila itong putulin dahil para sa kanila wala na itong pakinabang.
………………
Hindi naging madali ang pagputol sa puno. Bukod kasi sa matitigas ang mga sanga, napakalaki pa ng katawan nito.
Siguro mga lima hanggang anim na kalalakihan ang kayang yumakap dito ng pabilog.
. . .
At hindi kaya ng ordinaryong itak lang o palakol ang pagputol sa katawan nito.
Ginamitan pa nila ito ng chain saw upang mapadali ang pagputol. Yung ginamit sa movie na Chain Saw Massacre.
. . .
Ang ugat naman nito ay halos umabot na sa limang talampakan ang lalim.
………………
Ilang kalalakihan ang nagtulong-tulong para maputol ang puno.
Kasama syempre si Papa. At siya ang unang nasampolan sa kwentong ito.
………………
Ang pagpuputol sa puno...
Tatlong kalalakihan ang kasalukuyang nasa itaas ng puno. Tinatagpas nila ang mga sanga gamit ang matatalas nilang itak.
Sila Papa naman, katulong ang dalawang Uncle ko at apat na pinsan kong pulos binatilyo ay nagbubuhat ng mga sako ng buhangin at semento... Mga bakal at hallow blocks na galing sa truck.
. . .
Nang matapos maikamada ng maayos ang lahat ng mga binili sa hardware ay naisipan ni Papa na linisin ang mga sanga na nalaglag mula sa itaas ng puno. Tambak na kasi ito at nagkalat na sa daanan.
. . .
Pinigilan siya ni Mama.
"Pang... mamaya na lang sana yan ah... kapag natapos na silang magputol." Sabi ni Mama.
Ngunit hindi nakinig si Papa.
"Hmpt! Sayang ang oras. Wala naman akong ginagawa. At saka para mabawasan ang trabaho." Dahilan nito.
Walang nagawa si Mama. Pagdating kay Papa... never siyang nanalo.
………………
Bago hilahin ni Papa ang mga nagkalat na sanga, tumitingala muna siya sa itaas ng puno upang masigurado niya na ligtas siya, na walang kahit anong babagsak sa kanya if ever na pumuwesto siya sa ilalim ng puno.
………………
Pawisan at hingal na hingal na si Papa ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa paglilinis ng mga naputol na sanga.
YOU ARE READING
TRUE GHOST EXPERIENCE
HorrorAUTHOR'S NOTE: Bago ko po simulan ang kwentong ito, nais ko muna sanang magpasintabi sa lahat ng mga nilalang na hindi nakikita ng ating mga ordinaryong mata. Wala po akong balak na gambalain ang inyong katahimikan. Gusto ko lang po sanang ipamulat...
