"Bime" Malakas na pagkasabi ni DOYP
"Bime"
"ui Bime, napapano ka?"
"sabi nang!! kung may problema ka sabihin mo sakin di ung ganyan di ka makausap" malambing na sabi ni Doyp
"Bime?! may kausap ba ako dito?! Hello?!
bahala kana nga.
Pinapasabi pala ni Gray na kitain mo daw sya sa canteen, hindi na muna din ako sasabay kumain"
"ha? bakit san ka pupunta? paano ung pagkain mo? dinagdagan pa naman ni mudra" biglang sagot ko kay DOYP
Wala ako sa sarili ko di ko alam bakit. Mag mula kasi nung nag-away kami ni Gray tungkol sa boyfriend nya e bigla nalang akong tumamlay, nawalan na ako ng ganang pumasok at mag-aral, paano naman kasi sa buong taon ko e sya lang naman kasama ko.
Pero ang hindi ko matanggap e nung pinagtanggol nya pa ang nobyo nya at sinabihan nya pa ko ng "hindi mo alam paano masaktan, hindi mo alam paano ang mag mahal ng ganito! kasi hindi mo pa naranasan! kaya wag mo akong pag sabihan dahil wala kang alam!".
Gumunaw ang mundo ko nung bigkasin nya ang mga salitang iyon at hindi ko na napigilan ang mga luha ko at sinagot sya ng "hindi naman kailangan ng nobyo para matuto paano mag mahal at higit sa lahat hindi mo kailangan maiwan ng kasintahan para maramdaman ang sakit ng iniiwanan!"
Mag-dadalawang linggo na hindi kami naguusap ni Gray, kapag nakakasalubong ko sya e magkakatitigan lang kami at sabay ibabaling ang tingin sa iba. nahihirapan ako sa sitwasyon namin, gusto ko syang kalabitin kapag katabi ko sya sa Physics at sabihan ng "Gray, ilong mo namamawis na" pero hindi e! ramdam ko ang pader ng sakit ng loob na naghihiwalay sa aming dalawa.
Dali-dali akong pumunta sa canteen upang makausap si Gray. Pag ka pasok ko ay nandoon sya sa may dulo nakatalikod at nakayuko.
"Gray" biglang hawak ko sa balikat nya humarap sya sa akin at hindi nya na kinaya at niyakap nya nalang ako ng mahigpit sa aking bewang.
Wala ng salitang umalingsaw sa aming dalawa, siguro pareho na naming naiintindihan ang bawat isa. Hindi na ako nagtanong, itinaas ko nalang ang mukha nya at sinabing "o ang ilong mo namamawis na" at nakita kong sumilip na ang ngiti sa kanyang labi.
YOU ARE READING
NDINOKUDA
RomanceCan we say that the END DOESN'T ALWAYS JUSTIFY THE MEAN?! If loving the person less can we say that we will not get hurt that much?! This is a story about a girl named BIME who pushes people away just to protect herself from getting hurt.
