Chapter 1: My Life☆

482 12 0
                                        

"EIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! GUMISING KA NA! TANGHALI NA! MALE-LATE KA NA! MAHIYA KA NAMAN SA SCHOOL MO!"

Yan ang buhay ko! Araw-araw na nakakabinging sigaw ang gumigising sa akin sa umaga. Sigaw ng nanay ko mula sa baba. Kakabingi nga eh. Nasanay narin siguro ako. Sa Labing Anim  na taon ba naman na nabubuhay ako sa mundo ay puro sigaw na ang naririnig ko mula sa aking ina. Walang araw na hindi ako ginigising ng lahat ay pasigaw. Palaging late matulog at gumising.

Bumangon na ako at ginawa ko ang morning routines ko. Panigurado pagkatapos kong mag lagay ng clip ko ay sisigaw na naman si mama. Kaya binilisan ko na ang pag aayos at bumaba na ako..... Saktong pagkababa ko ng hagdan ng Sisigaw na naman sana si Mama pero sinalubong ko na siya..

"GoodMorniiiiiiiiiiiiiiiiiing mama! Papa. Kuya." Yan naman ang bungad ko sa kanila. Nakakatawa lang yung mukha ni mama parang nakakita ng multo sa harapan niya. Nakadilat lang siya like this oh. O.O . Aha! Yeah! Like that nga.

"Anong masamang espirito ang sumapi sayo anak at ganyan ang itsura mo?" mama. Huh? Ano ba masama sa itsura ko eh matagal na naman akong ganito manamit? Tinatanong niyo ba kung ano ang itsura ko. Bilog ang mukha ko. Mahaba ang buhok medyo matangkad ako at may pagka mataba. Ang suot ko ngayon ay Naka Pantalon ako at Loss T-Shirt na kulay Pink na naka bull cup. Ganyan lang talaga ako manamit. Medyo may pagka boyish kasi ako.

"Ma. Di ka pa ba nasanay kay Eiah? Matagal ng ganyan yan! Ewan nga eh kung sa lalake siya nagkakagusto. Eh baka sa babae pa!" Kuya. Habang nilalaro ang pagkain niya. Grabe naman to! Oo alam ko matagal na akong ganito. Pero Hindi naman babae ang nagugustuhan ko. Babae din naman ako. At baka sa lalake ako mag kagusto. Oha, tama kayo ng dinig, MAG! Oo. Dahil hindi pa ako nagkakagusto sa kahit sino. Ewan ko ba. Siguro wala akong heart na tumitibok kaya wala akong nararamdamang ganyan. Ay. Ay. Ay. Tanga ! Kung wala bakit buhay pa ako? Shunga din ako eh, noh?

"Kuya naman eh!" Yan lang ang naisagot ko sa kuya ko. Eh, pano wala naman akong masabi eh. Yun na nga tingin sa akin ni kuya. Grabe lang eh. XD.

Ng matapos akong kumain ay gumayak na ako. Pumasok na ako sa school. 1st day of school. 1st year college na ako. Wag niyo nang tanungin ang course ko dahil hindi ko din sasabihin. XD. This is it ang simula ng bago kong buhay. Buhay kolehiyo.

@School

Nandito na ako sa school. Grabe, ang laki ng school na'to. Dito ba talaga nag-aaral si kuya? Wow.

——-—

dito lang po muna.

A Lucky Hopeless Romantic☆(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon