Chapter 28: Maybe this time

Magsimula sa umpisa
                                    

"Grabe 'di ka pa rin nagbabago. Ang galing mo pa rin magbuhat ng sariling bangko." Sabi ni Maureen kay Alyssa.

"Iyong ganda ko hindi kumukupas, ugali ko pa ba?"

Natawa na lamang kami na nakikinig sa mga palitan ng pang-aasar ng magkakaibigan.

"Eat this." Naglagay si Zohar sa plato ko ng hipon na nabalatan na niya.

Tanging inihaw na tilapia lang kasi iyong kinakain ko. Hindi ko inaasahan na lalagyan niya ako ng hipon.

"Salamat."

Nginitian niya lamang ako at nagpatuloy na siya sa pagkain niya.

Nang sumapit ang dilim, maagang pinatulog ng mga mag-asawa ang mga anak nila ngunit may activity daw kami pagbalik nila. Dahil doon ay naiwan kami nila Zohar at ng kapatid niyang si Zephyr. Si Kleng ay pinatulog ko rin. Ang mga buntis ay hindi na din kasali sa laro kaya naman si Kiah at Sam ay hindi na kasali rito.

Magkakaroon daw ng TRUTH or DARE. Ngayon lang daw nakumpleto ulit ang barkadahan nila kaya naman maganda daw kung kahit papaano ay maging masaya ang bakasiyon na ito lalo na hindi naman daw namin alam kung kailan ulit ito mangyayari,

Si Zohar at Zephyr and gumawa ng bonfire. Inutusan na lamang nila ako na kunin ang mga marshmallows na binili ni Mehunny sa kuwarto nila.

Pagbalik ko doon ay nakaupo na ang dalawa sa bunganinan at mukhang nagkwekwentuhan. Inilapag ko naman ang isang basket ng mallows roon. Sobrang dami nilang binili para lang kainin sa Truth or Dare session namin ngayong gabi.

Maya-maya pa ay dumating na sila Allen at Vius na may dala-dala namang beer. Andun na rin ang iba pa naming kasama.

"Yay, sayang hindi nakasama iyong dalawang buntis pero hayaan na dahil may next time pa naman para sa kanila." Sabi ni Zyra.

"Well, sa susunod iba naman iyong hindi makakasali dito." Ani naman ni Maureen.

"Bakit naman?" Takang tanong ni Alyssa.

"Malay niyo buntis na rin ulit ganon." Natatawang sabat ni Mehunny sa kanila. Napatingin ako sa suot nitong kulay puti na dress. Napakadisente niyang tingnan kumpara sa mga kwinento sa akin ni Sam na mga ginawa niyang kalokohan noon para sirain ang relasiyon ni Allen at Zyra.

Ang weird nilang magkakaibigan dahil halos lahat sila ay may past at koneksiyon sa isa't isang relasiyon pero hanggang ngayon magkakaibigan pa rin sila.

Ilang minuto pang kwentuhan at kulitan bago tuluyan na nagsimula ang truth or dare game kung saan ang hindi gagawa ng dare ay papainumin ng alak na binili ni JP, ang asawa ni Maureen.

Umupo na kami. Tumabi ako kay Zephyr pero nagulat ako nang pausugin ako ni Zohar at umupo siya sa pagitan namin ni Zephyr.

"Kuya naman, nahahalata na." Rinig kong sabi ni Zephyr na iningusan naman ni Zohar.

"ALRIGHT! Magsimula na tayo." Pinaikot ni Zyra ang bote at huminto naman ito kay Vius.

"Truth."

"Grabe ang advance, wala pang tanong kung truth or dare." Sabi ni Alyssa habang nakataas ang kilay niya pero natatawang napailing lang si Vius ganon din kami.

"Ganon talaga dapat sigurado ka laging sumagot."

"Okay, so ito iyong tanong. Ilang anak ang gusto mo kay Sam?'

Napatingin ang lahat kay Zyra dahil sa tanong niya.

"Love, ang awkward ng tanong mo." Natatawang sabi ni Allen sa kaniya.

"Dalawa siguro. I heard mahirap daw manganak so I'm really worried about Sam. Ayokong mahirapan siya. Maybe two kids would be enough for me." Nakangiting sagot ni Vius. Hindi ko mapigilan na humanga sa sagot niya. Nandoon talaga iyong pagmamahal at pag-aalala niya kay Sam.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon