7 years ago,She loved him... Now,she's still loving him..bulong ni Riley sa sarili habang naglalakad papunta sa station na kanyang pinagtatrabahuan.Nakayuko sya habang naglalakad kaya hindi nya napansin ang babaeng kung hindi nagsalita ay malamang nabunggo na nya.
Problema mo???nakangiting tanong nito sa kanya.
Jenny??! akala ko nasa hotel ka na?tila nabiglang sabi nya.
papunta na nga sana ako dun..kaso nakita kitang parang nagsasalita mag-isa eh.. I just check kasi baka may nakikita ka na hindi ko nakikita..natatawang sabi nya..
Saan ka nga pala papunta ngayon?dagdag pa nya.
Papunta ng station.. dun lang naman ang trabaho ko.
ah,station manager ka rin pala anu?? Ice cream muna tayo.. ang init ng panahon eh..sabi ulit nya.
Diba kasama mo si Payne kanina? bakit hindi nalang sya yung ininvite mo para mas matagal pa kayong nagkasama?sabi naman ni Riley.
Teka,you sound like a jealous boyfriend ah...sabi naman nya na nakangiti naman.
Me?? what??okay ka lang??sagot naman ni Riley...Sige na,ikain mo nalang ng ice cream yan. Kung anu-ano iniisip mo. sabi ni Riley na medyo nauna ng maglakad.
Okay..libre mo ha..
Wow..! ikaw tong nagyaya taz ako ang manlilibre...tanging nasabi nalang nya.. Nangiti na rin sya sa kilos ng babae.. Hindi sila ganito dati.. Never din silang nagtutuksuhan.. maybe because there's Payne na boyfriend nito ng mga panahong yun. Ngayon,ibang-iba na ito. kung makatukso sa kanya parang sobrang close nila dati.
Bakit nga kaya hindi si Payne ang niyaya nitong kumain ng ice cream eh sila naman ang magkasama kanina.Tanong ng utak nya.
******
Habang kumakain ng ice cream ay si Jenny na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.
May girlfriend ka na?diretsong tanong nito na ikina-ubo nya.
Exagg ka naman..para nagtatanong lang...dagdag pa nito sa pagitan ng pagkain ng ice cream.
Panu naman kasi,bigla-bigla ka nalang nagtatanong ng mga ganyang bagay..sagot nya.
Syempre magtatanong ako,malay ko kung may girlfriend ka tapos bigla nalang mag sumabunot sa akin dito dahil kasama kita... Im just playing safe okay??sabi naman nya.
K,Fine..! I dont have a girlfriend kaya walang magsasabunot sayo dito... And if that happens,i'll make sure she have to pay for hurting you..sabi naman nito na nakatitig sa kanya.
Dahil inunahan mo ng magtanong ng personal na bagay,pwedeng magtanong rin ako?sabi naman nito sa kanya.
sure..!
Do you still have feelings for him??mahinang tanong nya na halos sya mismo ay hindi na marinig.
Him?? who??tanong rin ni Jenny na hindi alam kung sino ang tinutukoy ng lalaki.
Payne..simpleng sagot nya..
Bakit bigla mong natanong?balik-tanong rin nya.
ah,wala.. i just saw the two of you kanina..sagot ni Riley na yumuko para kumain ng ice cream at hindi makita ng babae ang nararamdaman nya.
Lumapit lang sya kanina habang nagpapahangin ako dun..ayun,nagkumustuhan,kwentuhan kunti..sagot nya.
Did he mention na may girlfriend na sya?tanong ulit ni Riley.
Nope..! hindi rin naman ako interesadong malaman pa ang kung anu-ano tungkol sa kanya.sagot ulit nya. Bago sya pumayag na sumama dito sa Davao para tumugtog ay hindi nya alam kung anung mararamdaman kapag nakita o nakausap nya si Payne.. She knew that deep inside her was still hurting dahil sa nangyari 7 years ago sa kanila. Pero ng lumapit at makausap nya nga matagal-tagal si Payne ay kinakapa nya kung anu ang dapat nyang maramdaman dahil kaharap ulit nya ang taong nagbigay ng bitterness sa kanya.. She was happy to know that she'd really moved on. wala na rin syang nararamdaman na kahit ano pa para dito. hindi na nga sya interesadong malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay nito. Humingi ng tawad si Payne sa kanya dahil sa nagawa nito. Dahil lang din daw sa tuksuhan kung bakit sinabi nito sa kanya na ayaw na nya sa relasyon nila. Tinutukso umano ito at ang co-teacher nito noon kaya sya nadala.
Lahat ng explaination at paghingi ng tawad ni Payne ay hindi na nya maramdaman. Hindi na sya bitter. Masaya na sya ng makita kung gaano ito nagsisi na hinayaang magkahiwalay sila.
I wish pwede ko pang ibalik ang lahat sa dati Jen.. Nakayukong sabi ni Payne habang nasa riverside sila.
Im sorry Payne,pero tapos na lahat ng yun.. past is past ika nga.. Sabi naman nya na hindi nakatingin dito.
I still love you,alam ko..nararamdaman ko..sabi ulit ni Payne.
Akala ko rin may nararamdaman pa ako sayo.. 7 long years that i suffered Payne... Lahat ng bitterness ko dahil sayo nun eh hindi ko na maramdaman ngayon.. sabi din nya.
I thought kapag nakita at nakausap kita babalik lahat ng sakit...,mararamdaman ko ulit maawa sa sarili ko for begging you to be with me again pero wala na yun lahat Payne.. Hindi ko maramdaman lahat ng yun ngayon. I even cant be mad at you right now dahil sa ginawa mo sakin. And i thank you kasi kinausap mo ako ngayon... I can really say now that i've fin'lly over you...
Nakita nyang lumuha si Payne.. pero wala na syang nagawa... sobra pa nga dun yung pinagdaanan nya..hindi nya rin magawang maawa o magalit man sa lalaki. Tumayo nalang sya at nagpaalam dito.
*****
Hey...! pukaw ni Riley sa naglalakbay nyang diwa.
May sinasabi ka??tanong nya.
Wala,..yung ice cream mo natutunaw na...nakangiting sabi nya.. Para syang natanggalan ng tinik sa sinabi ng babae na wala na itong nararamdaman para kay Payne.. Kaya pala iniwan nya nalang si Payne dun sa riverside mag-isa...bulong ng utak nya na ikinangiti nya..
Alam mo,natatakot na ako sayo..sabi naman ni Jenny ng mapansin ang pagngiti nya.
Bakit?? natatakot ka sa gwapo kong to??nagbibirong sabi naman nya.
Gwapo nga,para namang addict... Ngumingiti ka ng mag-isa oy... para kang bangag...sabi naman nya.
At least gwapo sabi mo...sabi naman nya..
Yeah right,kaya nga maraming naghahabol na chicka babes sayo eh... tingnan mo yun..sabi nya na inginuso pa ang nagkumpulang mga chicks sa kabilang bench na nakatingin kay Riley at kilig na kilig pa ng lumingon sya..
well,sabi naman nito na medyo humilig pa...
YOU ARE READING
ROCK my WORLD
RomanceAnong gagawin nyo kung after 7 long years ay nakita nyo ulit ang inyong first love na nang-iwan sa inyo? Masasaktan? Matutuwa? marerefresh and dating feeling? o magagalit beacuse he choosed to dumped you before? Pero anu ang mas mararamdaman nyo whe...
