Sa kagubatan na papunta sa Adamya...

"Ybarro paunahan tayo tignan natin sino mas mabilis" paghahamon ni Ybrahim na nakangiti.

"Sige ba kung sino matalo may parusa" natatawa silang dalawa.

"Kahit kelan isip bata parin ang aking mga hadia mana sayo Armeo" tumingin si Raquim kay Armeo.

"Baka sa atin" nag tawanan silang lahat. Nag umipisa nadin ang paligsahan nung dalawa. Hindi namalayan ni Ybarro ang nasa harapan nya ng Encantada.

"Ybarro may mababangga ka!" Sigaw ni Amihan ngunit huli na ng makita nya ang Encantada ngunit bago man ito mahulog sa ilog ay nasalo nya ito at sinakay sa kanyang kabayo na paharap sa kanya.

"Poltre Encantada di kita nakita" tumingin si Ybarro sa Encantada at nagulat sya. "Aliyah ikaw pala yan masaya akong muli kang makita"

"R-rehav Ybarro ikaw pala" napangiti si Ybarro sapagkat nauutal at naiilang si Aliyah. Nandito na sila sa Adamya nag si babaan nadin sila sa kanilang kabayo.

"Sino ang iyong nabangga apwe?" Lumapit sila kay Ybarro at kay Aliyah.

"Sya" tinuro ni Ybarro si Aliyah.

"Napakagandang dilag" sabi ni Pinunong Imaw.

"Sino ang iyong nabangga?" Tanong ni Pirena na lumapit sa kanila ng pagtingim nya sa Encantada ay nagulat sya.

"A-aliyah ikaw na ba iyan?" Nauutal na tanong ni Pirena.

"Oo Pirena ako na nga ito" niyakap sya ng mahigpit ni Pirena.

"Masaya akong nagbalik ka na Aliyah... kailan ka pa bumalik? Bakit di mo ako pinuntahan agad?" Sunod sunod na tanong ni Pirena nag tala naman ang iba sapagkat mag kakilala pala sila at si Aliyah naman ay natatawa kay Pirena.

"Hinay hinay lang naman agape avi kung di kita napuntahan agad inuna ko muna kasi si Ado Vish'ka alam kong nananabik na akong makita" napalungkot naman si Pirena.

"Kahit na! Di mo ba alam tagal kotang hinahanap? Tinatanong ko lahat para lang makita kita tapos ako pala mahuhuling makakaalam na nag balik ka na... na saan ang
katarungan?!" Niyakap muli ni Aliyah si Pirena.

"Ayos lang iyan ang mahalaga andito na ulit ako diba?" Niyakap sya pabalik ni Pirena.

"Tama ka dyan di ka na aalis diba?" Timango naman si Aliyah kaya mad lalong natuwa si Pirena.

"Aliyah! Kahit kelan napakatagal mo" sabi ni Memfes na kasama si Azulan.

"Nahiya naman sayo si Aliyah Memfes" nag tawanan si Aliyah at Azulan.

"Kahit kailan hilig nyong pag tulungan ako" napamewang si Memfes na lalong kinatawa ni Azulan at Aliyah.

"Mukha kang babae sa posisyon mo na iyan" natatawang sabi ni Aliyah.

"Ahh... talaga ba?" Tumango naman si Aliyah sabay takbo. "Hoy bumalim ka dito! Lagot ka sa akin pag na abutan kita!"

"Kung maabutan mo nga talaga sya" natatawang sabi ni Azulan ng makita nyang napipikon si Memfes ay bigla syang tumakbo alam nya na iba magalit ito.

"Hoy! Patay talaga kayong dalawa sa akin!" Nagtawanan ang iba sa kanila pagkat mga isip bata.

"Raquim nakita mo ba ang kanyang mata?" Lumapit si Mine-a kay Raquim.

"Oo kakaiba ang kulay nito" tumingin si Raquim kay Mine-a.

"Inay bakit mo natanong iyan kay Itay?" Tanong ni Amihan.

"Ganoon kasi ang kulay ng mata ng iyong apwe" seryosong sabi ni Mine-a.

"Kakaiba din Ada ang kanyang buhok naiiba ang kulay nito" sabi ni Danaya.

"Hara alam ko ang nasa isip mo" sabi ni Ades.

"Hara agape avi ngunit kung ano man ang iniisip mo ay malaki ang tyansa na mali sapagkat nakita nin ang lampi ni Diwani Celestia may bahid ito ng dugo kaya siguradong pinaslang na ito" sabi ni Mashna Aquil.

"Ngunit wala ang burda ng pangalan nito" sabi ni Mine-a.

"Ada kung sakaling sya man ang aming apwe ay siguradong malalaman natin sa takdang panahon" sabi ni Pirena.

"Halika na kayo hinahanap na tayo sa loob" sabi ni Armeo.

Lumapit si Amanda kay Mine-a.

"Malalaman din natin ang totoo"

Encatadia:Our DestinyWhere stories live. Discover now