Introduction

5 0 0
                                        

Matagal tagal na rin pala.  Halos pitong taon nang huli akong nakapag sulat dito.  Napabayaan ko na ito dahil na rin sa mga bagay o mga panibagong teknolohiya natin na nagbigay din ng mga aliw sa atin, nahumaling ako sa mga kakaibang laro, at nagkaroon don ako ng mga iba't ibang pinasukan na trabaho para matustusan ko o masuklian ko 'yong mga araw na tumambay lang ako. Lol.

Sa pitong taon na yon,  maraming nangyari kaya nawala na rin ako ng pagkakataong makagawa ulit ng kwento. Tulad nga ng nabanggit ko sa itaas, nagkaroon ako ng mga responsibilid.

May pagkakataong paulit ulit ko rin naman itong binubuksan para malaman ko kung may nagbabasa pa ba sa nga nagawa ko. At nakakatuwa dahil. hindi ko akaling aabot sa ganoong bilang ang mga reads ng mga likha ko.  Minsan,  sumagi rin sa isip ko na gumawa ulit o ipagpatuloy ko 'yong mga hindi ko natapos,  ngunit masyadong maingay ang paligid ko noon.  Hindi ako makapag-isip ng maayos at baka mauwi lang sa wala.

At narito na naman ako,  dahil sa lockdown na nangyayari at pandemic,  at sobrang tahimik ng paligid,  halos pumuputok na 'yong utak ko sa mga imahinasyon na namumuo dito.

Siguro naman may idea ka na kung anong kwento ang nabuo,  may kinalaman ito sa nangyayari ngayon.  Ikaw?  Naisip mo rin ano? hehe!

Pero ang pangalan at kung ano pa man ang laman ng kwentong ito,  ay walang kinalaman sa totong buhay.  Hawig lang.  Haha!

Maraming salamat sa'yo,  sa pagbasa mo sa mga istoryang nagawa ko, na kahit kailan,  hindi ko na-iayos sa tamang pagsulat o pagtype nito.  At salamat po sa pagtangkilik nitong susunod kong likha kung sakali lang magka interes ka rin.  Hehe! 

Ingat po sa ating lahat. Stay at home. Watch  read,  play, eat and pray.

The Ultimo RespiracionStories to obsess over. Discover now