prologue

20 3 0
                                        

"WHAT THE!? Ano bang ginawa ko sakanila?" hindi ko maiwasang mainis dahil sa mga nakita at nabasa ko.

"Ano ba problema nila satin? Wala akong matandaan na may nagawa tayong mali sakanila." sabi ni Reisha habang nagscroll parin sa cellphone ni Zhia at binabasa ang conversation.

"And it turns out na matagal na rin pala" singit ko naman.

"Jazlyn..." biglang banggit ni Kaye at tumingin sa direksyon ni Jaz.

"Oh, bakit?" tanong naman ng kumakain na si Jaz.

Wala ng ibang sinabi si Kaye kundi inabot na lamang niya ang cellphone ni Zhia kay Jazlyn

"OH MY GHAD THAT B*TCHES!" nagulat kami sa biglaang pag sigaw at pagtayo ni Jaz, pero natauhan din siya na nasa public place kami at napaupo na ulit.

"Chill. Ang daming nakatingin satin, nakakahiya ka talaga." pagsuway sakanya ni Shanah.

"Pake ko sakanila, hindi naman nila ako kilala." pagtataray ni Jaz kay Shanah

"Aba, magtigil kayo! Mag-aaway na naman kayong dalawa pag-untugin ko kayo e." pagsingit ko sakanila at nag tawanan kami.

"Pero, hindi ko talaga maisip bakit pati mga ootd ko iniissue nila? Inggit much lang 'te?" saad ni Jaz.

"Omsim lang! Palibhasa ikaw sexy, sila payat na nga wala pang hinaharap, ni wala ngang pwet HAHAHAHAHA!" sabat ni Shanah at nag-appear pa silang dalawa ni Jaz at nagtawanan na rin kaming lahat.

"Hays. Hindi ko na alam bakit ganito nangyayari satin." ako rin hindi ko na alam.

"Hayaan niyo na yung mga yun, inggit lang satin yun kasi tayong tatlo lagi nagtutulungan." sagot naman ni Kaye.

"Wala, hindi mo rin naman maalis samin na maisip yun kasi nga tayo nag-aaral lang, nagsasaya kasama tropa, without knowing na may mga tao pala na sisiraan tayo at kung ano ano sinasabi satin behind our back." may point naman si Reisha.

"It only proves na kahit anong kabaitan ang ipakita mo sa ibang tao may masamang masasabi parin sila sa'yo." singit ko naman sakanila.

"Hays, tama na nga yan dedma na lang sa basher may karma din sila!" sabi naman ni Jazlyn habang kumukuha ng potato chips.

"Yah! Agree ako d'yan!" pagsang-ayon ko. "Hayaan na lang natin hanggang walang ginagawa satin na makakasakit satin physically, hayaan na lang muna, tamang parinigan lang AHAHAHA chos, pero ito tayo ang mas nakakaintindi at may mas maayos na utak kaya intindihin na lang natin sila."  dagdag ko pa.

Napatingin naman kami kay Zhia na tulala na nakatingin lang kung saan na tipong parang kinakabahan.

"Hoy, Zhia!" pagtawag sakanya ni Kaye at agad siyang napatingin samin.

"Please, wag niyo sasabihin na sakin niyo nakuha yan." pagmamakaawa niya samin.

Naiintindihan ko naman siya dahil saming lahat siya ang pinakanaiipit dahil hindi na niya alam kung ano na nga ba ang dapat niyang gawin.

"Promise, hindi namin sasabihin as of now ike-keep muna namin 'tong mga 'to as evidence just incase na magkalaglagan, may alas tayo laban sakanila." itatago namin 'tong mga na screenshot namin sa group chat nila at saka na lamang ilalabas kapag kinakailangan na.

"Oh, siya tara na! Laro muna tayo sa World of Fun para matanggal stress HAHAHA!" suhesyon ni Shanah.

Inayos na namin ang aming mga gamit at sabay-sabay na tumayo para pumunta sa 3rd floor ng mall kung saan matatagpuan ang W.O.F.

Pero hindi pa man kami nakakailang hakbang mula sa kinauupuan namin ay nagsalita si Zhia.

"'Wag niyo muna akong pagkakatiwalaan kasi kahit ako sa sarili ko naguguluhan." at saka siya dire-diretsong naglakad kasabay nila Jazlyn.

Kaming tatlo nina Kaye at Reisha ay bahagyang napatigil at nagkatinginan dahil sa gulat sa huling katagang sinabi ni Zhia sa amin. Mukhang pare-pareho kami ng nasa isip.

Ano 'yun? Bakit niya sinabi 'yun? Does it mean na pwede rin niya kaming ilaglag?

Sina-walang bahala na lang namin ang sinabi ni Zhia at sumunod na sakanila.

Bahagya akong napatigil sa paglalakad ng biglang may sumagi sa isip ko

Is it possible that all of this is just

a trap?!

Trusting is a SINOù les histoires vivent. Découvrez maintenant