Chapter 1

54 2 0
                                        

This work is full of fiction. The names, places, and events are pure art of imagination. This story would have a lot of law terms, articles and such things that are related to law school. The universities that are being mentioned are not affliated to my story.

Unrelated comments will be automatically remove. So with due respect, please abide my rule. Thank you.

sns accounts :

Fb : Winona Bacani
IG : @Winoneyyy





--------

" I told you, law school is no fun at all. " sabay paghawak niya sa mga requirements namin na kailangan for PhilSat.

" Atleast we are going to take risk diba? Isa pa, law school na talaga bagsak natin kahit gustuhin mong mag Med school. " Tumayo kami hudyat na papasok na kami sa function room para makapagtake ng exam.

Kinakabahan ako dahil sobra akong naiintimidate sa mga nakakasama namin dito. Umupo nalang kami ng makatabi at two meters ang pagitan ng upuan. Feeling ko magtatake na ako ng BAR exam.

Plano ni Brie na sa Med school siya since andoon sina Migs (Yung boyfriend niya). Second option lang yung law school, kaso napilit pa rin siya ng dad niya na dito magtake.

" Pag hindi ako pumasa dito, magtatake ako ng NMAT. Iiwan kita dito, tutal andyan naman si Aki. " Napatingin siya sa akin kaya napayuko nalang ako sa papel ko na ipinasa. Magsisimula na ang exam.

It's been 3 months ago simula noong umalis si Aki, at hindi ko pa rin makalimutan ang mga huling pangyayari before kami maggraduate.

Kaya pinagsawalang bahala ko muna at nagfocus sa exam.

" Nasira utak ko don. Mag med ka nalang din kasi para magkakasama tayo nina Miggy. " As she continues to rant about the exam earlier. Nagpasya kami na kumain sa isang samgyupsal resto malapit din dito sa school.

" Ang sabihin mo, binabantayan mo si Miggy. Let him be. Andoon sina Kuya Anton para bantayan yon. " She rolled her eyes as she entered the resto.

" Wala akong tiwala kay Anton. Palibhasa kasi wala kang boyfriend eh. " Inirapan ko nalang siya sa kawalan at nagsimulang kumain.

We talked about the things that happened during summer. Nasa Hawaii kasi sina Brie kasama ang family niya, while me, I'm with the gang, puro local tourist lang pinuntahan namin dahil nagfocus lahat kami sa pagrereview dahil nalalapit na naman ang pasok after a month.

" By the way, pauwi na pala si Aki. Dito daw siya magtatake ng law school. " Tumango nalang ako at ngumuya ng kimchi.

Tinapik ni Brie ang kamay ko. " Girl, makakasama natin si Aki sa law school. Di porke mag ex kayo, ganyan na kayo umasta. "

" Its been 3 months-- "

" Oo 3 months na pero di ka pa rin nakakapagmove on. "

Hindi na ako muling nagsalita. Naging tahimik nalang ang lahat hangga't sa nakalabas kami ng resto.

Nakita namin sa malayo si Miggy. Kaya naman, nagpasya na akong magpaalam sakanila.

" Girl, move on na. Gawin mo yon for the sake of friendship. I can't stand you being with Aki then ang awkward. Hindi na kayo bata, please lang. " At tinapik ako sa braso, habang papalapit si Miggy.

Napatingin nalang ako kay Brie at ngumiti. Brie, if you just knew the whole story, you will be damned. Pero dahil hindi ako nagparamdam ng isang buwan, wala kayong alam. Aki doesn't even tell a word din.

Siya ang puno't dulo. Siya din ang tumapos.

Ngumiti nalang si Miggy at nagpaalam. Nag book ako ng Grab at naghintay.

Pero sa hindi inaasahan, may isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harapan ko.

" Sakay kana. " Bakit siya andito? Akala ko ba pauwi palang siya?

" I just booked a car. Just go. " Hindi pa rin ako tumitingin sakanya dahil naiirita ako sa pagmumukha niya ngayon.

He sighed. " Sige. Ingat ka. Nice to see you again, Annie. " At umalis.

Sinundan ko ng tingin ang audi niya. Ngayon na pala siya nakauwi. Sa sobrang pagod ko sa araw na 'to, mas lalo akong nadrain ng makita ko ulit siya.

Ang kapal ng mukha niya na magpakita sa akin! He even left us wondering reasons why he ditched us. Nakakaramdam ako ng galit at sakit sa kadulo-duluhan ng puso ko. He left without hesitations. He just broke up to me like nothing happened. Then after 3 months, babalik siya? Sue him!

Kaya naman napagdesisyunan ko na maglakad lakad at maghanap ng convenience store. Nagtext sa'kin yung driver na baka ma-late siya ng 15 minutes kasi traffic sa Edsa.

Pumasok ako at naamoy ko na ang kape. Coffee makes me relieve from stress. Bumili ako ng espresso at dinala sa counter.

Nakangisi naman na tinanggap ng cashier iyong binili ko at nagpunch sa kanyang system.

Naalala ko na naman si Aki. Pambihira naman, sa lahat ng lugar, sa lahat ng araw, ngayon pa siya nagpakita. Tsk.

" Ma'am, 45 pesos po. " Sa sobrang tulala ko, nakalimutan kong magbayad.

Inabot ko yung pera. Nakatitig pa rin si Kuya na nasa cashier. Problema niya?

Nakangiti na siya ngayon na para bang wala ng bukas. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman tumawa siya.

" Ang ganda mo talaga, Ms. Lauchengco. " Nanlaki mata ko sa pagbanggit niya sa surname ko. Paano niya nalaman!?

Tinuro niya ang right side ng damit ko. " Ma'am, yung name plate niyo po. " Tinanggal ko agad at poker face na nakatingin sakanya.

Dumadagdag ka pa ha. Bahala ka dyan!

Kinuha ko yung kape ko at umalis. Gago na talaga mga lalake ngayon.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at hinintay yung cab. Pero sa di inaasahan...

Papalit na naman yung lalakeng cashier kanina. Naninira talaga ng araw 'to.

Lumapit siya sa akin pero hindi ko pinansin. Ang swerte naman niya para bigyan ko ng pansin.

" Ma'am, naiwan niyo po sa store kanina. Mukhang mahalaga eh. Buti naabutan pa kita. "

Inabot niya iyong codal. Pero di pa rin ako nagpasalamat. Dapat lang na ibalik niya! Obligasyon niya yon.

" Welcome. Ang sungit mo. "

Wow ha. Ayoko sa lahat feeling close.

Inirapan ko siya at nanahimik ako. Umalis na siya sa tabi ko at mukhang bumalik na doon sa store. Mabuti naman, ayoko talaga ng kausap ngayon.

Now Akihiro's back, I would surely feel the hell. Damn it.



-----

NMAT
A kind of entrance exam for a degree holder who wants to proceed medicine school.

Behind The SecretsWhere stories live. Discover now