Lockdown
By: RRGoddess
Ilang buwan pa kaya ang titiisin?
Itong epidemyang dinaranas namin.
Napakahirap pala ang naka-HomeQuarantine
Kelan kaya matatapos itong Lockdown kung tatawagin.
Ilang tao pa kaya ang maaapektuhan.
Diyos nalang talaga ang nakakaalam.
Huwag naman sanang matigas ang ulo kababayan.
Nang itong virus na to'y dina kumalat kung saan-saan.
Yung ibang nilalang gustong magtrabaho.
Paano naman daw ang pagkain naming mga tao.
No work- No pay ay mahirap ito.
Umaasa nalang kami sa ibibigay ng gobyerno.
O aking kababayan, tigilan natin ang kapasawayan.
Sarili lang natin ang makakatulong papunta sa tamang daan.
Kapag sinabing manatiling kalmado ay sumunod naman.
Dahil hindi nagkulang sa pagpapaalala ang namumuno sa ating pamahalaan
Maraming reklamo ang ibang mga tao.
Kung bakit kulang ang reliefgoods na ipinapaabot ng mga tanod.
Kaming walang-wala paano po?
May bigas nga walang delata, uulamin ay kanin din ba po?
Hiling ko sana'y hindi kumalat.
NCOV o COVID19 kinatatakutan ng lahat.
Sana'y mabigyan ng lunas ang mga unang biktima't sana lahat.
Nang masugpo na ang sakit na kumakalat.
Naisip kong isulat ang tulang ito.
Kahit ano pang mga naiisip ko.
Mahirap magtanga-tangahan sa nangyayari sa mundo.
Sapagkat sinusubok tayo ng Panginoong Diyos sa ating paniniwala'y tatagan.
Imbes na magdayaan sana'y laging magmahalan.
#SHARE
#SPREADLOVE
#PRAY
#GODBLESS
YOU ARE READING
Poems
PoetryKung ano po naisip kong tula yun sinusulat ko. Malayang taludturan po gamit ko. Sana magistuhan niyo :-)
