"Tayo"

10 0 0
                                        

"Tayo"
Heto na naman ako Magsisimula na naman sa pagbibilang . Isa Isang tao lang naman ang nakapagbigay ng saya . Saya na babaunin ko hanggang sa aking pagtanda . Pero hindi ko na inakalang sa isang tao lang pala papatak ang luha sa isang
taong ikaw pala dalawa tayong dalawa lang naman ang nasa istorya . Kung saan palagi tayong magkasama magkasama sa lungkot at saya. Magkasama kahit alam kong meron ng iba . Tatlo Ikaw,ako at siya Sa ating istorya may pumagitnang isa Ang masakit pa doon best friend ko pa Napansin ko palagi kayong magkasama Magkasamang nag tatawanan Magkasamang nag kukwentuhan Nag kukwentuhan sa mga bagay na kayo lang ang nagkakaintindihan Apat Apat na salita ang bintawan ko Ang mga salitang "mahal ako parin ba?" Sa apat na salitang yun, apat na salita din ang inaasahan kongsasabihin mo Ang mga salitang "mahal ikaw lang talaga" pero... Lima Limang salita ang binitawan mo Na nagpaguho sa mundo ko Ang mga salitang "Pasensya hindi na kita mahal" Mga salitang parang libo libong karayom na tumusok sa aking puso Anim Anim na beses kong pinikit ang aking mga mata Nagbabakasakaling ako lang ay namamalikmata Nagbabakasakaling akoy binabangungot lang pala Nagbabakasakaling mali ang mga narinig kong salita Pito Pitong beses kitang tinanong kung nagbibiro ka lang ba Pero pitong beses mo ding sinabi ang mga katagang "Pasensya na may mahal na akong iba" Mga katagang mula sayo aking sinta Mga katagang hindi ko pinaniwalaan kasi nga... kasi nga mahal kita Walo Walong araw kitang hinabol kahit nagmumukha na akong tanga Tangang naghahabol sa taong nakakita lang ng iba bigla na lang nawala Nawala ng biglaan Nawala ng di man lang nagpaalam Siyam Sa pang siyam na araw ay nabalitaan kong kayong dalawa na nga Mahal ang bilis mo namang makahanap ng iba Parang kailan lang nung tayo pang dalawa Tayong dalawa na wala pang pumapagitnang isa Sampu Sampung araw akong nagkulong sa aking kwarto Upang takasan ang mundo Ang mundo kung saan wala ng "tayo" Kaya sa huling numero ng aking pagbibilang Ay sana matanggap ko na ang katotohanan Na meron na lang ikaw at ako Wala ng "TAYO"
=Yshe💗

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Tayo"Where stories live. Discover now