She gritted her teeth. "Go away, Lex."

Hindi natinag ang magaling. "Aminin mo na kasi. Mahal mo siya, 'no?"

"I. Do. Not."

"You love him. And you're jealous because he's with somebody else, right?"

"Back off, Lex."

"You love him, Nikki. So much that you can't bear to see him because he can never be yours."

Doon nagpanting ang mga tenga niya. Bakit kailangan pa nitong ulit-ulitin iyon?

"I am not in love with Matt, okay?"

Walang balik doon si Lex, sa pagtataka niya. Nakatingin ito nang diretso sa likuran niya. Paglingon ni Nikki ay nakita niya si Matt na nakatayo sa likuran niya. She didn't know if it was hurt that crossed his eyes dahil sandali lang iyon. Bumalik na naman sa pagiging malamig ang mga mata nito.

Narinig ba nito ang sinabi niya? Doon naman mataktikang umalis si Lex at lumapit sa isa sa mga sponsors.

Hindi pa rin mabasa ang mukha ni Matt nang umupo sa stool. Um-order ito ng isang shot ng tequila at tahimik na ininom iyon. Si Nikki naman ay hindi na rin um-imik. Umorder ulit siya ng isa pang inumin. They were just sitting beside each other and drinking to their heart's content.

Si Matt ang bumasag nang katahimikan.

"Are you alright, Niks?"

"Of course. Why wouldn't I be?"

Yes, why wouldn't she be?

Ito at nabibigyan pa siya ng pagkakataon na makasama kahit sandali lang ang taong pinakamamahal niya. Bigla ay nagsikip ang lalamunan niya. She wasn't able to suppress the sob that came out of her. Nag-aalalang nilingon siya ni Matt.

"You don't look okay." Binawi ni Matt ang iniinom niya. "And stop drinking already. You'd get yourself drunk."

Hindi alam ni Nikki kung ano'ng meron sa sinabi ni Matt dahil tuluyan na siyang umiyak. Dali-dali siyang nanakbo sa restroom bago pa siya makita nito sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Pagdating sa pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi naman pwedeng sa lahat ng pagkakataon na makakasama niya si Matt ay iiyak siya. Nang mahimasmasan ng konti ay lumabas siya ng restroom. Nagulat pa siya nang makita si Matt na nakatayo sa may pintuan. Lumingon ito nang maramdaman siguro siyang lumabas. Nag-aalalang hinawakan nito ang mga kamay niya at dinama ang pisngi niya.

"I knew it. Something's wrong with you. Mainit ka!" Dinama nito ang noo niya.

Si Nikki ay dinama rin ang sariling noo. Medyo mainit nga siya. Hindi niya napansin iyon. Lagi naman talagang masama ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw. Inakay siya ni Matt at wala na siyang lakas para mag-protesta pa.

"How do you do that?" she asked him.

"Do what?"

"Know when I'm not alright when I can't even tell the difference myself?"

Matt looked straight into her eyes. "You are my most special girl, Niks. You always were, always will be. Alam ko kung kailan ka okay at kailan hindi." Humigpit ang hawak nito sa balikat niya. "Tara, ihahatid na kita sa inyo."

She shook her head. "Don't worry about me. Sinat lang iyan. Kaya ko na ang sarili ko. And I brought the company's car. You can go find Erica instead."

Hinimas-himas ni Matt ang batok. Mukhang naiinis na naman ito pero hindi siya magawang pagtaasan ng boses dahil sa sakit niya.

"Niks, look here. Kung ayaw mo ako'ng makasama, it's fine with me. Ma-i-tintindihan ko sa ibang pagkakataon at pagbibigyan kita. But you can't dictate me to me now," matigas nitong sabi.

To Find You Once Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن