Unang Kabanata

12 3 0
                                    

*una*

Taong 1901

March 15 1901

Melisa pov

Ako na naman ang naatasan ni ama upang magpunta sa bayan at mamili ng aming makakain ako ang kanilang panganay na anak kaya't lagi akong naatasan maging sa gawaing bahay.

"Magkano ho ito?" Magalang na tanong ko sa tindera ngumiti lamang ito

"Dalawang piso" napasimangot ako ng kaunti dahil napakamahal naman ng gulay na iyon

"Maari po bang babaan ninyo ng kaunti?" Umiling ito saakin ngunit nakangiti parin

"Paumanhin ija hindi na maari" sumimangot nalamang ako at tinignan ang baryang hawak ko limang piso marami pa akong dapat bilhin

"Ganon pu ba, sige po maraming salamat" tinitipid ko ang baryang ibinigay saakin ni ama pagkat balak ko pang bumili ng tinapay para sa akin iisahan ko na naman si ama nito.

Napahinto ako sa pagalis dahil may isang maginoong binata sa harapan ko

"Paumanhin binibini nasaktan kaba?" Nanlaki ang aking mga mata dahil hinawakan niya ako

Oo hinawakan nyaa akoo

"Lapastangan!" Malakas na sambit ko

Pinahinto niya ako sa pagsigaw sa pamamagitan ng pagyakap saakin

Lalo akong napako sa aking kinatatayuan

"A-anong"

"Mahal kong asawa batid kong nais mo nang umuwi halika at ihahatid na kita" nakangiti ito habang inaalalayan ako ako naman ay nababalisa na sa nangyayari, ano bang ginagawa ng binatang ito

"Paumanhin binibini ngunit kinailangan ko iyong gawin may mga dayo rito na kanina pa tumititig sa iyong katawan, paumanhin kung kinailangan kitang hawakan at yakapin ng walang pahintulot mula sa iyo" namilog ang aking mga mata at luminga linga bigla akong nakaramdam sa pagkahiya sa binatang ito dapat pala ay pinasalamatan ko pa sya.

"K-kung totoo man ang sinasabi mo ginoo maraming salamat ngunit kaylangan ko nang mauna" wala pa akong nabibili dahil lagi akong tumitingin tingin sa kung saan.

"Sasamahan na kita sa iyong pamimili binibini" nakangiti ang mapupulang labi nito saakin, kay kisig ng ginoong ito

Teka...

Ano bang iniisip koo

"Baka bumalik muli ang mga dayong iyon" tumango nalamang ako dahil maging akoy natatakot

Dahil ngayon ay mayroon akong kasama naging naayos ang aking pamimili lalo pa at hindi ako komportable sa binatang ito dahil sa nangyare kanina.

"Binibini ihahatid na kita sa inyo" sumang ayon na lamang ako sakanya gayong nakuha na nito ang aking tiwala

"Basta ikaw ang bahalang mag paliwanag kay ama" ngumiti ito saakin ng nagagalak

Pagdating namin naghihintay na si ama sa tapat ng pintuan

"A-ama" tila nagiba ang ekspresyon ni ama nang makita ang lalaking kasama ko

"Magandang umaga po ako po si Estucio" napakurap ako, at napatingin sa kaniya

Nakalimutan naming magpakilala sa bawat isa

Ipinaliwanag ni Estucio ang nangyare sa pamilihan kanina dahil doon hindi na ako uutusan pa ni ama na mamili lalo na kung nagiisa

Naging malapit na ang aking ama kay Estucio dahil lagi itong dumadalaw sa amin

Nagkamabutihan narin kaming dalawa dahil doon

Reincarnated for each otherOù les histoires vivent. Découvrez maintenant