Chapter 19: Covering the Pain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong gagawin ko, Sam?"

Bumuntong-hininga siya sa akin. "Base sa mga kuwento mo, nag-adjust naman si Zohar para sa'yo pero hindi siguro niya matanggap na nasa pagpipilian mo siya. Gaya ng sinabi niya, sinasagip niya lang ang sarili niya kung sakaling hindi na naman siya ang piliin sa huli."

Isinalang na ni Sam ang niluluto niya at inaya niya ako na dumeretso na muna sa sala. Pinabantayan niya muna ito sa katiwala nila.

" Anya, sinabi kona ito noon. Never hurt a man with love scars. Ilang beses ng nasaktan si Zohar. Naiintindihan ko iyong mga biglaang desisyon niya. Mahirap pawiin iyong mga sakit at tiwala na ibinuhos niya at napunta sa wala."

"Alam nating para kay Zohar ay hindi iyon napunta sa wala, Sam."

Tumango siya.

"Alam naman kasi natin na masaya siya na masaya na kayo ni Zyra ngayon kahit na sa proseso ng paghahanap niyo ng kasiyahan ay nasaktan niyo siya."

"We will be forever grateful on that, Anya. Kaya nga lagi kong hinihiling na sana matagpuan na rin ni Zohar ang babaeng karapat-dapat sa kaniya. I've been praying that it should be you. Ikaw dapat iyong babae na iyon kasi gusto mo rin naman kasi si Zohar and I thought hindi mo siya masasaktan."

"Sorry."

"Bata ka pa naman. Explore things about love, malay mo matutunan ka. Malay natin kayo pa rin pala sa huli."

Natigilan ako sa sinabi niya at kahit papaano ay nagkaroon bigla nang pag-asa.

"Pero paano kung hindi?"

Natawa siya sa tanong ko. "Edi dead end sa inyong dalawa kasi hindi talaga kayo para sa isa't isa."

"Paano si Harvard?" Bigla kong tanong.

"Ewan ko sa'yo. Ikaw may hawak niyan eh pero kung ako ang nasa posisyon mo, maybe I'll give it a shot? Wala naman na si Zohar kasi may girlfriend na siya. Siguro hindi naman siya magagalit kung magiging kayo ni Harvard."

Napatango ako.

"Just make sure na bago mo sagutin si Harvard ay masaya ka talaga sa kaniya. Don't force yourself to fall inlove. Mahirap iyang magulo iyong nararamdaman mo."

"Thank you for the Advice, Sam."

"Don't mention it, Anya. Hindi talaga ako love guru kaya huwag kang mag-relay sa mga advice ko." Aniya at tumawa pa. Naiiling na napangiti na lamang ako sa kaniya.

Sinunod ko iyong sinabi ni Sam. Pinayagan ko na si Harvard na manligaw sa akin. Tama rin naman. Siguro nga dapat kong tanggapin na si Zohar ay pag-aari na ng iba. Hindi na kami katulad ng dati. Wala rin namang masama kung sakaling subukan ko na pumasok sa relasiyon.

Nasa bahay ako ngayon at nagpapahangin. Inilublob ko ang mga paa ko sa pool. Muling nanumbalik sa alaala ko ang gabing umamin ako kay Zohar na gusto ko siya. Naalala ko rin iyong mga gabi na nandito kaming dalawa at nagkwekwentuhan tungkol sa pagmomove-on niya kay Sam at ang mga gabi na pinapangaralan niya ako sa kung anong dapat kong gawin.

Totoo na nakakamiss iyong taong lagi kang pinupuna at pinapansin noon tapos bigla na lamang naging malamig sa'yo.

Nagulat ako nang matanaw ko sa labas ang paparating na sasakyan ni Zohar. Agad kong inahon ang mga paa ko mula sa pagkakalublob sa tubig at agad na nagsuot ng tsinelas.

Tumakbo ako papuntang gate at ako na mismo nagbukas niyon para kay Zohar. Ipinarada niya ang sasakyan niya sa garahe at nang makita niya ako ay agad ko siyang nginitian.

Ganiyan nga, Anya. Kung hindi na kayo pwede, subukan mong ibalik ang pagiging magkaibigan niyo ni Zohar. Baka mas magtagal kayo bilang magkaibigan.

"Zohar, busy ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple nito. Seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Why?"

Gusto ko ng panghinaan dahil malamig pa rin pati ang pakikipag-usap niya sa akin.

"Gusto kitang makausap. Katulad ng dati."

Natigilan siya sa sinabi ko. Habang nakatingin siya sa akin ay unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.

"S-Sorry. Iyon lang iyong kaya kong sabihin." Puno nang lungkot na sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya at ngumiti.

"Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan 'di ba?"

Bumuntong-hininga si Zohar. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan na bumalot ang sakit sa dibdib ko. Iyong buntong-hininga ni Zohar pakiramdam ko ay sinasabi niya na ayaw na talaga niya akong maging kaibigan.

"Zohar.." Tawag ko sa pangalan niya.

"I'm disappointed, Anya."

Tumango ako. "Alam ko. Sorry na nga eh. Sorry na. Hindi ko kayang tiisin iyong pagiging malamig mo sa akin. Nalulungkot ako kasi hindi naman tayo ganito dati."

"You are a sister to me. The moment you said you like me, I disregard that thought that you're my sister to consider your feelings. You know what I hate about it?"

Tiningnan niya ako at tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"I hate that I thought of giving you a chance in a heartbeat but then nakahanap ka pa rin ng iba. I realize, I won't be really enough for a girl. Kasi kahit anong gawin ko, nagbabago iyong nararamdaman niyo. Ayoko ng maging option lang, Anya. Gusto ko ako naman iyong priority, Pagod na pagod na akong makipagkumpetensiya sa mga lalake."

Huminga siya nang malalim. "Gusto ko iyong babaeng sigurado na sa akin. Anya, deserve ko naman iyon 'di ba?"

Nanatiling nakababa ang tingin ko at tumango sa kaniya.

"Now tell me, Is it wrong if I will distance myself to a girl like you? You're like an angel to me, Anya. Akala mo ba madali din sa akin iyong ginagawa ko sa'yo? Hindi. Kasi hindi lang kaibigan ang pilit kong iniiwasan kundi isang kapatid na rin."

"Maaayos pa naman natin ito 'di ba?"

Ngumiti siya nang mapait sa akin.

"Of course. Time will heal the wounds and we'll be alright. I'm still a brother to you, Anya. Tama lang itong ginagawa ko. Iintindihin na lang kita sa mga bagay na gusto mo. Now, do what you want but when you get hurt you can come running towards me but don't also expects that you will be my priority. I have Sharee as my girlfriend."

Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko nang iwan ako ni Zohar. Pinilit ko ang sarili ko na pumasok muli ng bahay. Agad kong hinanap si Kleng sa kuwarto niya at niyakap siya.

"A-Ate? Bakit ka umiiyak?"

Napahagulgol na lamang ako sa tanong niya habang hinihimas ang likuran ko.

"Ate, sinong nang-away sa'yo? Isusumbong ko kay Kuya Zohar."

Umiling ako. "P-pagod lang si Ate. Hayaan mo muna ako please. Dito ka lang." Nagsusumamong sabi ko kay Kleng at tumango siya.

Doon ko iniyak ang sakit na kanina ko pa nararamdaman kasama ng panghihinayang sa lahat ng pinagsamahan naming dalawa ni Zohar.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon