Naglalakad na siya papunta sa classroom niya nang mapasadahan niya ng tingin ang lalaking pasalubong sa kanila sa hallway. Lanky and nerdy-looking. He was wearing glasses and braces. Ang buhok nito ay nakahati sa gitna. Nakatingin ito nang diretso sa kanya at nang mapatapat sa kanya ay kinindatan siya nito.

Nakakunot ang noo na sinundan ito ni Nikki ng tingin. Hindi ilang beses na nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya sa canteen, sa school grounds, at sa iba't ibang sulok ng eskwelahan. Sa pagkakatanda niya, nitong pasukan lang niya nakita ito. For more than five months now, wala itong ginawa kundi tingnan siya sa malayo man o malapit. He wasn't even trying to hide it.

"Aww! Can't you watch where you're walking?!"

Nagulat pa si Nikki nang may mabunggo siya kakasunod ng tingin sa lalaki. Tumama kasi ang kaliwang kamay niya sa kasalubong at nalaglag lahat ng mga libro nito sa sahig.

Yuyuko sana siya para tulungan ito nang may boses na nagsalita sa likuran niya. It was a very masculine and sultry voice that Nikki instantly thought of dark rooms and ocean waves.

"Let me."

Lumapit sa kanila ang lalaking hinabol niya ng tingin. Saglit siya nitong pinasadahan ng tingin at nginitian bago yumuko upang pumulot ng mga libro.

"Tara na, Nikki. Male-late na ako."

Naiiritang boses ni Ryan ang nagsalita sa tabi niya, pagkatapos ay hinila siya nito. Wala na siyang nagawa kundi sumunod.

Nilingon ni Nikki sa huling pagkakataon ang lalaki ngunit naglalakad na ito palayo.

"Do you know that guy?"

Nagtatakang tumingin si Nikki kay Ryan. "Ha?"

"I'm asking you if you know him," Ryan said impatiently. "I saw him smile at you. Sa hitsura niyang iyon, nangangarap siya na mapansin mo? C'mon!"

Hindi alam ni Nikki kung bakit bigla ang pagbangon ng inis sa dibdib niya gayong hindi naman niya kilala ang lalaki.

"Baka naman mabait lang," she said non-chalantly.

"That was Matthew Francisco we're talking about. The delinquent."

So, that was his name. "Kilala mo siya?"

"Not intimately. Ka-ka-transfer niya lang ngayong sem. Ka-batch ko siya, and we're supposed to attend the same classes together pero hindi siya pumapasok sa mga classes siya. If he's not a delinquent, what does that make him then?" Hindi na nito hinintay na makapag-react siya dahil umakyat na ito ng hagdan papunta sa classes nito.

Isa pa iyon sa mga ikinaiinis niya kay Ryan. Hindi talaga ito gentleman, at ewan ba niya kung bakit madaming nag-ka-kagusto dito. She winced inwardly. Kung hindi lang dahil maraming kaibigan si Ryan, nunca siyang sasama dito. Aminado siya that she needed Ryan's company. Kaya hangga't kaya niya ay magtitiis siya.

Pumasok siya sa classroom at umupo sa isang sulok. She took out her notebook at nag-umpisang magsulat. Lingid sa kaalaman ng lahat, she wanted to be a writer. She already submitted a non-fiction essay sa isang sikat na publishing house, at na-feature ang essay niya under the Young Writer's section. It was a secret she wasn't about to tell anyone else simply because they wouldn't care. People at school only look at one's physical appearance and nothing more.

"What are you doing?"

Agad na ipinasok ni Nikki sa bag niya ang notebook at nginitian ang nagsalita. It was Bea, one of her friends and classmates.

"Wala naman. So, how was your weekend?"

"Boring. My mom cut my allowance because I overspent it last month. Duh? I was preparing for the Christmas ball so natural lang na mapagastos ako. Stranded tuloy ako sa bahay."

To Find You Once AgainWhere stories live. Discover now