SUSUBUKAN KO (PUBLISHED)

6 1 0
                                        

Susubukan ko;
Susubukan kong huwag lingonin ka,
Susubukan kong tanggapin na wala kana,
Susubukan kong isipin na patay kana kesa tanggapin ang katotohanang pinagpalit mo lang ako sa iba.

Susubukan ko;
Susubukan kong limutin ka,
Susubukan kong magmahal ng iba,
Susubukan kong isipin na limot na kita kahit alam kong ikaw parin ang aking sinisinta.

Ah, hindi...
Oo, tama,
Hindi dapat kita sukoan,
Kaya kahit anong mangyari...

Susubukan ko;
Susubukan ko paring pilitin ka,
Susubukan kong lumuhod at magmakaawa,
Susubukan ko lahat maging akin ka, kahit masakit na ipagtaboyan mo ako palagi, sinta.

Pero...
Hanggang kailan ko ba susubukan?
Hanggang kailan ba ako masasaktan?
Hanggang kailan ba ako kakapit sa taong wala nang nararamdaman?

Kaya, Tama na!
Masakit na!
Huwag mo nang ipagdikdikan sa'kin na wala na akong puwang diyan sa puso mo,
Na ako'y isa mo na lamang nakalipas.

Huwag kang mag-alala,
Naiintindihan ko na,
Na hindi mo na talaga ako kayang mahalin at imposible kanang maging akin.
Kaya kahit masakit...

Susubukan ko;
Susubukan kong sumuko na,
Susubukan kong sayo'y maging masaya,
Susubukan kong sabihin sa sarili ko na tayo'y hindi na pwede talaga.

Kaya...

Susubukan ko;
Susubukan kong magpakalayo layo na,
Susubukan kong palayain ka,
Susubukan kong lumigaya kana sa iba kahit ako'y durog na durog na.

Susubukan ko...
Susubukan kong gawin...
Susubukan ko talaga...
Susubukan ko para sayo...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation of Spoken PoetryStories to obsess over. Discover now