001

34 14 1
                                    

"You Gave Me Hopes"
By @Hazierrry🍀





Dianarra Mortez

Hindi ko mawari ang kahulugan ng iyong kinikilos. Palagi kitang nahuhuling nakatingin sa akin. At sa tuwing magkakasalubong ang ating mga mata, ay siya namang pag-iwas mo saka tumingin sa ibang direksyon.

Magkaklase tayo, at dahil do'n, hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin.

Hanggang sa lumipas ang ilang buwan, limang buwan. Katulad ng dati, nahuhuli pa rin kitang nakatingin sa akin, at kung magkakasalubong na naman ang mga mata natin ay siyang pag-iwas mo.

Ano nga ba ang kahulugan no'n? Hindi kita maintindihan.

Dati, no'ng grade 7 hanggang grade 9, nakakausap mo ako, nagtatanong, humihingi ng papel, nakikipagkuwento, nakikipagtawanan. Pero bakit no'ng tumunton tayo sa grade 10, bigla mo na akong iniwasan? May nagawa ba akong mali?

Bilang isang babae, hindi ko maiwasan isipin kung ano nga ba ang kahulugan ng iyong mga tingin? Kung bakit mo ako iniiwasan? Hindi ko maiwasang isipin na baka may... gusto ka sa akin?

HAHAHAHA nakakatawa, pero 'yon talaga ang sunod na ideyang naisip ko.

Umasa ako, hanggang sa dumating ang panahon, hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako sa 'yo.

Dumating ang isang araw, ang araw kung kailan napagtanto kong mahal na nga talaga kita. Ang rupok ko ba? HAHAHA!

Hanggang sa dumating ang isang araw, araw kung kailan, nasaktan ako ng lubusan.

Pinaasa mo lang pala ako. Pinagpustahan niyo ako at ng mga kaibigan mo mula sa kabilang section. Masakit! Sobra! 'Yong para bang ang daming bato sa puso mo na sobrang bigat at sobrang sikip. Ikaw kasi ang kauna-unahang lalaking inibig ko.

Pero malaking pagpapasalamat ko na kahit kailan, hindi ko pinahalata ang narardaman ko para sa 'yo. Dala siguro 'yon ng takot, na baka umaasa lang ako. At hindi nga ako nagkamali. Umaasa lang pala ako sa wala!

Ang araw na lubos mo akong sinaktan nang hindi mo namamalayan, ay ang araw na umamin ka ng nararamdaman mo sa kaklase natin. Niligawan mo pa siya sa mismong harapan ko.

Pinigilan ko ang mga luhang gusto lumabas sa mga mata ko. Dahan-dahan akong naglakad patungong pintuan ng room saka naman ako tumakbo patungong CR at do'n umiyak.

Kasalukuyan, pumasok ako sa school na late pa. Ikaw agad ang una kong nakita at malaking ipinagtataka ko na wala kang katabi sa unahan, likod, kaliwa at kanan. Nakasuot ka pa ng mask at panay ang ubo. Kinabahan ako dahil do'n, pero hindi ko pinahalata. Pumasok ako sa classroom saka umupo sa puwesto ko.

Isa akong leader sa naka-assign na group ang maglilinis sa classroom pagkatapos ng klase. Nauna na ang mga kasama ko, pero malaking ipinagtataka ko kung bakit nandito ka pa sa classroom at nakapikit habang umuupo.

Nilapitan kita para sanang gisingin ka dahil ilo-lock ko na ang classroom natin at uuwi na tayo.

Bigla akong kinabahan sa mga oras na nahawakan kita at sobrang init ng katawan mo, nilalagnat ka. Inalog kita para gisingin ka, ngunit napahinto ako ng umubo ka lang nang umubo.

Kinabahan ako lalo, sana hindi tama ang nasa isip ko. Sana, hindi ka infected ng corona virus.

"Lumayo ka sa akin." bulong mo pero malinaw naman sa pandinig ko.

"Uwian na Vhal, umuwi ka na sa bahay niyo." Umiling ka lang sa sinabi ko. Iminulat mo ang mga mata mo saka mo ako tiningnan ng diretso sa mga mata ko.

"Patawarin mo sana ako sa kasalanang nagawa ko sa 'yo. Oo pinagpustahan ka namin... pero gusto kong malaman mo na... wala pa ang pustahan, may pagtingin na ako sa 'yo... "

"Niligawan ko si Jilliana, dahil halata namang talo ako sa pustahan dahil kahit kailan hindi ko naramdaman na nahulog ang loob mo sa akin. Balewala lang ako sa 'yo... Mahal na Mahal kita Dianarra. Paalam."

Hindi ko inakalang sasabihin mo ang mga katagang iyon Vhal. Ilang araw na ang lumipas, pero hanggang ngayon, parang mga musikang paulit-ulit na tumutugtug sa isip ko.

Sayang...

Sayang dahil hindi ko man lang nasabi sa 'yo ang tunay kong nararamdaman. Ngayon na naka-quarantine ka na sa loob ng labing apat na araw, sana malampasan mo ang pagsubok mo Vhal. Sana magiging maayos rin ang lahat...

Ngayon na may 307 na bilang ang nagpositibo sa sakit na 2019 Novel corona virus, sana magiging maayos rin ang lahat. Sana mawawala rin ang Virus na 'to sa ibabaw ng mundo tulad ng dati kung kailan ay wala pang ganitong sakit ang karamihan.

Unidentified StoriesWhere stories live. Discover now