Chapter 70: "I'm Sorry"

Start from the beginning
                                    

“Okay bye.” – sagot ni Tita at pintaya na ang tawag. Agad namang gumayak ako at iginayak ko na si Ethan, hindi ko na dalhin yung stroller at baka mahirapan ako ikabit ko na lang siya sa katawan ko.

 

“Ma, alis na po kami. Imimeet ko po ang mother ni Nyx, nandito daw po siya sa Manila eh. Pinapasama niya din si Ethan.” – paalam ko kila mama.

“Sige lang anak, kahit anong mangyari wag mong kakalimutang igalang siya huh.” – bilin ni mama sakin. Tumango ako at ngumiti.

“Sige na lakad na kayo. Mag’ingat kayo Gab.” – sabi ni papa. Tumango lang ako at lumabas na ng bahay.

Papunta na ko sa café na sinabi ni Tita Amy, nagtaxi na ko para mabilis. Habang nasa byahe kinakabahan ako, ano kayang pag uusapan namin? Palalayuin niya na ba ko ng tuluyan kay Nyx? Wag naman sana.

Ng makarating ako dito sa café, nag’inhale exhale muna ako bago pumasok sa loob. Kinakabahan talaga ko eh. Ng medjo lumuwag na paghinga ko, pumasok na din ako. Nakita ko naman siya agad kaya lumapit agad ako sa table niya. Bumeso ako sakanya bago umupo, hindi siya umiwas? Hmmm.

“Good afternoon po Tita.” – bati ko sakanya at ngumiti bago ako tuluyang umupo sa harap niya.

“Umorder na muna tayo, what do you want?” – tanong ni Tita Amy sakin, lalo akong kinakabahan.

“Frappuccino na lang po Tita.” – sabi ko.

“Waiter.. Dalawang Frappuccino and isang carrot cake.” – si Tita Amy ng may lumapit na waiter samin. Walang kumikibo sa amin habang hinihintay namin ang order. Pero maya maya sinerve na din. Buti na lang tulog tong si Ethan.

“Uhmm..” – uumpisahan ko na sana pero nagsalita na din siya na hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

“I’m sorry hija. Alam ko nahusgahan kita, at alam kong hindi tama ang nagawa ko.” – panimula ni Tita Amy. Hindi ko inakalang mag’sosorry siya sa akin.

“Okay lang po Tita. Naiintindihan ko po kayo.” – sagot ko sakanya

“No. Alam ko nasaktan kita, patawarin mo ko hija. Nabigla lang ako ng ipakilala ka sa akin ni Nyx. Ang totoo niyan, umaasa talaga akong magkakabalikan pa si Trina at Nyx kaya ako naging ganun sayo. Hindi kita agad natanggap.” – sabi ni Tita Amy.

“Matagal na pong tapos sila Trina at Nyx, Tita. Kahit ako po noon nagulat ng malamang nagkaroon ng relasyon si Nyx at ang bestfriend ko.” – sagot ko na ikinagulat niya kaya napatingin siya sakin.

“Bestfriend mo si Trina?” – tanong niya.

“Opo. Naging classmate ko po siya noong college at kasamahan ko po siya sa trabaho ngayon. Naiintindihan ko po kung bakit ganun na lang ang pagkagusto niyo sakanya para kay Nyx.” – sagot ko saknya.

“Oo, dahil nung mga panahong sila pa nakikita ko na ang future nila. Akala ko sila na hanggang huli, pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil may makikilala pa pala silang iba. Patawarin mo ko hija, ngayon natanggap ko ng wala na talagang pag’asa yung sakanilang dalawa. Sana magkaayos na kayo ng anak ko, dahil nahihirapan at nasasaktan ako sa araw araw na nakikita ko siyang miserable dahil wala kayo ng anak mo sa tabi niya. Alam kong ako din ang may kasalanan, kaya nga bumyahe ako papunta dito para kausapin ka. I’m sorry hija, patawarin mo sana ako.” – sabi ni Tita Amy at hinawakan ang kamay ko. Nakikita ko namang sincere siya, wala naman na din akong galit pa sakanya.

“Hindi pa po kayo humihingi ng tawad, napatawad ko na kayo Tita. Naiintindihan ko po kug bakit ganun ang naging trato niyo sa akin noon. Ano pong nangyari kay Nyx? Kamusta na po siya? Namimiss na siya ni Ethan.” – sabi ko sakanya.

“Salamat hija, napakabuti mo. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal ka ni Nyx. Ayun miserable siya sa bahay, tumatawa nga siya pero alam ko namang pilit lang yun. Hindi niya na nga nagawang linisin ang mukha niyang tinutubuan na nga bigote at balbas kahit ilang linggo pa lang kayong nagkakahiwalay. Hindi na din siya lumalabas ng bahay, laging nakakulong sa kwarto. Puntahan mo na siya anak, alam kong ikaw lang ang kailangan niya.” – sabi ni Tita. Bigla ko namang naisip si Nyx, hindi siya ganun. Kailangan na talaga naming magkita.

“Opo Tita, pupuntahan ko nap o siya this weekend. Dahil birthday ni Ethan next week. Tita, ayos lang po ba kung dito na natin icelebrate ang first birthday niya?” – tanong ko.

“Oo naman, sige kami na lang ang luluwas. Hindi ko akalaing dadating ang araw na makikita ko ang anak ko na ganun kalungkot. Anong pinakain mo sakanya hija? At mukhang baliw na baliw siya sayo.” – sabi ni Tita na may halong pabiro.

“Eh haha! Pareho lang po kami ng nararamdaman Tita.” – sagot ko.

“Drop the ‘Tita’, Mama ang itawag mo sa akin. At patingin nga ng anak mo.” – sabi niya at tumayo siya para lumapit samin, inalis ko siya sa katawan ko at ibinigay inabot sakanya. Sakto namang nagising si Ethan, pero buti na lang at hindi umiyak.

“Ang cute cute mo naman apo. Ako ang grandma mo. Ang maganda mong granda. Bakit parang kamukhang kamukha ni Nyx itong anak mo hija? Ganitong ganito si Nyx nung baby pa siya eh, para silang totoong mag’ama.” – sabi ni Tita habang karga si Ethan, napansin niya din pala.

“Oo nga po eh. Siguro po nahawaan na lang kami ng genes ni Nyx, lagi kasi siya sa tabi ko nung ipinagbubuntis ko pa lang si Ethan.” – sagot ko sakanya.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos ang order namin, magaan na ang turingan namin sa isa’t isa. Nakakatuwa lang at natanggap niya din ako. Na’eexcite tuloy akong mag’weekend para makapunta na ko sa Davao at magkita na kami ni Nyx. Ng maubos namin inorder namin, nagpaalam na din si Tita. Bukas pa daw ng umaga flight niya pabalik ng Davao, pero gusto niya ng magpahinga. Pauwi na din kami sa bahay ni Ethan ngayon. Ang gaan na ng pakiramdam ko..

Destined With Stranger (Completed)Where stories live. Discover now