POEM #1

9 0 0
                                        

BIDA SA KWENTO

May istorya akong bubuksan, handa mo naba itong malaman? Isang kwentong ngayon lang ilalahad pero tangkilikin ay hindi naman hinahangad. Isang libro na sa unang tingin ay di magkakainteresado dahil sa itsura nito na di naman bago. Iilan lamang ang nais buksan ito pero ito pa rin ay sinubukan ko.

Sa unang pahina ay tila ramdam ko ang saya dahil nakita ko ang galak sa kanyang mga mata, kaligayahan na hangad ng karamihan sa pagkabata unang naramdaman at nasilayan. Ang bawat pagkurba ng kanyang labi na nagreresulta ng ngiti ay para bang kasiyahan ay sa akin namayani. Ngunit ang buhay ay hindi laging ngiti at saya may pagsubok at pighati ding dala-dala. Bawat pagsubok ay may kalakip na kalungkutan dito mo rin mararanasan ang masaktan pero marami namang moral na aral ang matututunan. Pagsubok na sa una ay hindi kaya pero di mo napansin ito ay tapos na. Pagsubok na nagbibigay ng kakaibang karanasan pero huwag tayong makalimot magpasalamat dahil ito ay nalagpasan. Sa paglalalakbay ng bida meron siyang mga nakilala at ito ay tinatawag niyang Ikalawang Pamilya. Ipinaramdam sakanya ang galak at pag-iyak pero di nagreresulta ng pighati ngunit pagbubunyi na habangbuhay ito sa puso niya magmamayani. Minsan man pinaghiwalay ang kani-kanilang landas pero alam nila sa kanilang puso ay di ito magwawakas. Ating bida sa kwento ay hinubog ng iba't ibang karanasan pero ito ay kanyang nalagpasan sa tulong ng kaniyang mga kaibigan na nagbibigay ng tatag at kalakasan. Ating bida ay natutong magtiwala, di lang sa kanyang sarili pati rin sa kanyang kapwa. Natutong magbukas ng saloobin kahit pa sa iilan lang ito sasabihin. Ating bida ay unti-unti ko ng nakikilala para tuloy gusto ko siyang makita. Sa bawat paglipat ng pahina ng libro, unti-unti akong nagka-interest dito. Ngunit ako'y napahinto dahil sa mga sumunod na pahina wala ng nakasulat sa libro at nanatili lamang itong blanko. Dun ko napagtanto at lahat ay nagpatagpi-tagpi ang kwento, na habang pinagpapatuloy ang pagsubaybay ko sa kwento nalaman ko na di lang babae ang bida sa kwento, ngunit ito pala talaga ay ako.

Libro na ako ang may akda para akong di makapaniwala. Libro na ako mismo ang may gawa, ako'y handa na muling lumikha.


Random PoemsWhere stories live. Discover now