INTRODUCTION

3 0 0
                                        

Alam niyo yung feeling na kahit bata ka pa alam mo na talaga yung gusto mong gawin sa buhay mo? Like, gusto ko maging teacher, nurse, etc. I dream of those things, pero nung tumuntong ako ng high school at sumali sa school publication, ang tayog ng pangarap kong maging isang manunulat. Oh diba? Hanep! I graduated na dala-dala ang pangarap na iyon. Kaya lang, I failed miserably, I was stripped off my passion to write. Nawala lahat, kahit during sa free time ko di nako nakakapagsulat. Wala eh. Nawalan ng gana, na-insecure, nawala sa sarili HAHA , at ang pinakamatindi, naduwag ako. Hindi ko kayang aminin sa sarili ko na natakot ako sa sasabihin nila sa mga isinulat ko. Ayaw kong pagtawanan ako, etc. etc. Kaya yun, nakontento nalang ako sa pagbabasa, at di na muling sinubukang magsulat pa. Wala na eh.
So anong kagagahan na naman itong pinagsasabi ko rito? Nadala siguro ako sa home quarantine eh. Walang magawa, kaya imbes na mag-Tiktok gaya nung ginagawa ng iba, mas pinili ko nalang ilabas ang nararamdaman ko dito. O, baka swertehin, ma inspired uli ako na magsulat. HAHAHAHA
For now, random things lang muna yung isi-share ko dito. 💙

...

Wala LangStories to obsess over. Discover now