This is a work of fiction. The events, characters, and entities depicted in this story are purely fictional. Any semblance or similarity to any actual events, entities or person, whether living or dead, is entirely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this anyway. Please acquire authorization from the writer.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Prologue
"Ladies and gentleman, please help me welcome, one of our new shareholder of the Echo Company,"
Ito ang isa sa mga pagkakataong kinakakatakutang kong mangyari. Ang muli ko siyang masilayan.
"Please help me welcome,"
Ang muli ko siyang makita.
"The Owner, President, and CEO of the JPG Company."
Ang muli kong matignan ang buong presensya niya.
"Mr. Joselito Prietos-Galvez, Jr."
At dahil doon, dahil sa isang pagtitipong ito, muli na namang kinabahan ang puso kong pilit ko nang pinapagaling sa mga sugat na dulot ng kahapon.
Binalot ng nakakabinging palakpakan nang dumating siya at nakatayo sa entablado, hawak ang isang mikropono.
"Thank you very much for inviting me here to the party. Such a generous act makes me more bonded by the starting relationship of JPG Company and Echo Company," Pagsasalita niya.
Hindi ko na siya pinakinggan sa kanyang mga sinasabi dahil okupado ako sa kakatitig sa kanyang mga mata.
Everything about him once again came into life as the flashback starts. At kahit binabaon ko na siya sa limot, minumulto niya ako sa aming mga ala-ala.
His eyes were of sea colors and glistened with beauty. Two of the fairest stars having some business do entreat his eyes to glow in their spheres until they return. And the afterglow of his gaze is the only sweater that I need.
Isang titig na nagpapahiwatig... kung gaano ka niya kamahal at alam mong ligtas ka sa kanyang mga piling at kung gaano ka niya pinahahalagahan ng husto.
But his gaze became the genesis and also the end of our relationship. Nasira lamang ang lahat dahil sa isang kasalanan. Kasalanang ni minsa'y di ko ginawa.
Ang nag-iisang ala-ala ko nalang sa kanya ay ang produkto ng aming pagmamahalan. Ngunit ang ala-alang iyon ang sanhi ng lahat ng pagdurusa ko.
Nakakaiyak. Nakakalungkot. Nakakasakit ng damdamin. At dahil wala na siya sa buhay ko, namatay na rin ang katawang lupa ko.
As much as I want him back, my confidence and pride swallowed me down. I need his loving arms, his kisses, his touch, his gazes—everything about him.
Ngunit habang tinitignan ko siya, nararamdaman kong may mangyayari na namang masama ngayon. Nararamdaman kong baka sa gabing ito, ay masasaktan na naman ako. Lalong lalo nang nakita kong may suot siyang relo.
"I would like to thank and recognize Mr. Montevista and Mr. Echo for the trust and for the warm support for the sodality of our company." Pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi.Dahil alam ko sa sarili ko...
"As I can see, I can recognize some of familiar faces in the party,"