"Wag mo kaming echosin. May scientific, psychological, physical at geographical basis yon," Limien said.

"Eh di isama nyo na rin ang astrological, numerical at eklavulogical para masaya. Sayang ang oras. Wag kayong praning. Darating ako sa kasal. Ang ganda kaya ng make up ko!" She rolled her eyes and laughed.

Mukhang di naniniwala ang mga ito sa mga pinagsasabi niya pero wala na rin ang mga itong nagawa. The photo and video shoot continued hanggang sa makasakay na siya sa bridal car. Siya at ang driver lamang ang sakay ng limousine. The travel from the hotel to the Church supposed to be taken in just fifteen to twenty minutes. Kung di lang biglang huminto sa gitna na skyway ang bridal car.

"Ano pong problema, manong?" tanong niya sa driver.

"Saglit lang, Ma'am. parang may problema po ang gulong."

"Ha?" Kailangan bang mangyari ito sa araw ng kasal?

Lumabas ang driver at sinilip ang gulong ng limo. Maya-maya pa'y binuksan nito ang pinto ng limo. "Ma'am, flat tire po tayo. Magpapalit lang po ako ng gulong."

She exaggerately reacted,"Sabihin mong joke lang yan!"

Napakamot sa uli ang driver. "Seryoso po ako, Ma'am. Aaayusin ko po agad."

She looked at her wristwatch. It's fifteen minutes before the wedding mass. Kung magtatagal pa sila, male-late siya sa kasal. An idea popped her mind. Nakangiting binalingan niya ang driver. "Sige, manong. Take your time. Tagalan nyo pa."

"Po?"

"Ah, ang ibig kong sabihin, okay lang po kung matagalan. Inform ko na lang po sa simbahan. Sige manong! Go, go, go!"

Nang makaalis sa harap niya si manong ay kinuha niya ang cellphone niya. She shifted the phone into airplane mode. In that way, dead signal siya. Wala ni isa sa simbahan ang makaka-contact sa kanya. Pasimpleng hinanap din nya ang cellphone ng driver. Nakita niya yon sa upuan. She tried her best to get the cell phone and turned it off. Then she devilishly grinned.

HALOS MABLANGKO ang isipan ni Cielo. Napakaraming bagay ang gumugulo sa isip niya. Isang oras ng late sa kasal si Danica. Kinakabahan na siya, mukhang hindi na ito darating sa kasal nila. Tensyunado na siya pati ang magulang nila ni Danica. Naghihintay na ang lahat sa simbahan, maging ang pari ay nagtatanong na rin kung matutuloy pa ba ang kasal o hindi.

"Na-contact mo na ba iyong driver?" tanong niya kay Kisses, ang kanilang wedding coordinator.

Umiling ito in her apologetic expression. "Sorry, Cielo. Hindi ko ma-contact ang driver ng bridal car. I can't even reach Danica on her phone. Tumawag na rin ako sa hotel, wala sila doon."

"I can't reach her all by myself either." Nag-aalala siya. Baka kung ano ng nangyari kay Danica habang nasa daan ang mga ito papunta sa kasal nila.

"Naku, sabi na eh. May nararamdaman na akong ganitong eksena na mangyayari kanina pa," Ciella uttered.

Nilingon niya ang kapatid. "Did she say something?"

"Pakiramdam lang namin na di siya pupunta. Pero ang sabi niya, hindi daw siya tatakas," Limien answered.

Cielo sighed. Wala na siyang pakialam kung dumating pa ito o hindi na. Ang gusto lang niya ay masigurong nasa ligtas itong kalagayan.

His phone rang. Danica was calling. Agad niyang sinagot ang tawag. "Danica, are you alright? Are you safe? Where are you?"

"Don't worry I'm safe," tipid nitong sagot.

"Thank God." He was relieved. Hindi man matuloy ang kasal nila ngayon, magiging panatag siya dahil ligtas ito kung saan man ito naroon.

Bukas Na Lang Kita Babastedin (Published Under Psicom Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now