Rpw
Diyan ako unang nagmahal
Diyan din ako unang nasaktan
I was 14 years old nung na inlove ako sa isang lalaki na alam ko na hindi pwede maging akin.
Sa rpw ko nakilala si Jaxson he's my first love, 5 years gap kami ni Jax pero di niya alam yun,nag pretend ako na 18 yrs old ako para ligawan ako ni jax 2 months din siya nanligaw sakin at naging kami nung February 14 2019.
March 5,2019 (8:42 AM)
jax: Good morning love!
:Good morning din love ang aga mo naman mag chat
Jax: hindi a anong oras na kaya haha
:8:42 am ng umaga palang e
Jax: Hindi kasi kumpleto araw ko pag di kita nakakausap love😍
Araw araw kaming ganyan ni Jaxson, walang araw na hindi kami naguusap. Hindi kami nagaaway ni Jaxson lagi kaming sweet sa isa't isa nagtagal kami ng 8 months ni Jax. Gustong gusto ni Jax makita ang totoong pic ko pero lagi ako gumagawa ng dahilan para maiwasan ko yung gusto niya.
Ilang beses ko din sinubukan na sabihin kay Jaxson ang totoo pero di ko talaga kaya, alam ko kasi na pag sinabi ko kay Jax ang totoo iiwan niya ako hindi ko kaya, mahal ko si Jax mahal na mahal ko siya, pero lumipas ang mga araw at dumating yung araw na kinakatakutan ko
August 25 2019 (5:33 pm)
Jax:love?
:Yes love? 🥰
Jax: send ka pic mo please? 🥺 8 months na tayo pero di ko man lang nakita yung mukha mo
:ahh... Love? Ano kasi busy kasi ako ngayon e alam mo na? Busy sa school hehe
Jax:lagi naman e
:love? Please intindihin mo naman ako konting tiis nalang ok?
Jax: Hanggang kailan ako magtitiis?! Alam mo bang ang hirap para sakin ang matulog gabi gabi? Kasi lagi ko iniisip ano kaya yung mukha ng taong mahal ko? Ilang buwan na ako nagtitiis Tricia nakakapagod na
:love naman e sorry na
:love?
:uyy lovee pansinin mo naman ako
:love sorry na please?
:lovee
"Di na siya nagrereply huhu" sabi ko kay Jessie yung best friend ko
"Hanggang kailan mo ba kasi balak itago kay Jax yung totoo? Nakakaawa na yung tao Tric, Si Jessie lang ang nakakaalam ng sekreto ko pinagkakatiwalaan ko si Jessie kaya lahat bg sekreto ko alam niya "Hindi ko alam jess Huhu, alam ko kasi na makikipag hiwalay siya sakin pag nalaman niya yung totoo huhu di ko kaya na pakawalan soya jess" pinapatahan ako ni jessie kasi kanina pa talaga ako iyak ng iyak.
"pero diba dapat alam niya na yung totoo as soon as possible? Nakakaawa naman si Jax bes"
Oo maging ako din naman naaawa na kay Jax e pero di ko lang talaga kaya na sabihin sakanya yung totoo wag ngayon, Di nalang ako sumagot sa sinabi ni Jessie at patuloy lang ako sa pag iyak.
2 weeks na din ako di kinakausap ni Jax Kahit na online siya sa RPW niya di siya nagrereply sa mga chat ko.
September 9,2019 (2:12 am)
:Hi Love... Good morning anong oras na a? Bat gising ka pa? Tulog ka na dapat ganitong oras diba? May pasok ka pa mamaya diba may exam kayo ngayon? Tulog ka na love ok? Masama sayo yung napupuyat,hihintayin ko reply mo love, iloveyou😊
Nanginginig yung kamay ko habang nagttype nun di ko pa masyading makita dahil sunod sunod na pumapatak yung luha ko sa sobrang sakit, at yes sineen niya lang ulit yung message ko sakanya dahilan para mas umiyak ako lalo ang sakit sobrang sakit... Pero nagulat ako nung biglang tumawag si Jaxson sakin
"H-hello? " pigil na pigil yung hikbi ko para di niya mahalata na umiiyak ako
"Bakit gising ka pa? " i miss his voice even tho napaka cold ng boses niya sapat na yun para mapatalon ang puso ko
"hinintay ko kasi y-yung reply m-mo" nanginginig yung boses ko shet di naman siguro niya mahahalata e
"matulog ka na" yun lang yung sinabi niya at in-end niya na ang call
Medyo masakit pero ok lang basta marinig ko ang boses niya sapat na yun para makatulog ako
Hindi muna ako pumasok ngayong monday dahil ang bigat bigat ng mata ko namamaga pa din yung mata ko kakaiyak kaninang alas dos ng umaga nung tinignan ko yung orasan 1 pm na pala ng hapon bumangon na ako at naligo at bumaba na.
"Bakit hindi ka pumasok tricia faith? " sabi ni mama sakin pagka baba ko
"late na ako nagising ma" dahilan ko kay mama buti naman at naniwala siya
"kumain ka na diyan" sabi sakin ni mama at ginawa ko din
Naka pag desisyon ako na wag na muna gamitin yung rpw ko ng mga ilang buwan 3 months din yun akala ko nakapag move on na ako kay Jaxson akala ko lang pala yun December 31 nung bumalik ako sa rpw ko
December 31 (11:20)
Jaxson: Merry Christmas Love
Jaxson:i need to talk to you
Jaxson ilang buwan ka na di nagoonline
Jaxson: Tricia! Magonline ka please!
Jaxson: Tricia Faith Heartily!
Napa tigil ako sa huling chat ni Jaxson naguunahan nanaman yung luha ko a-alam na niya... p-pero k-kailan pa?
:Alam mo na?
Jaxson:nag online ka din sa wakas
:kailan pa?
Jaxson: since September 5
tumulo na ng tuluyan yung mga luha ko
:bakit di mo agad sinabi?
Jaxson:gusto ko ikaw mismo magsabi sakin, pero bakit?
Di na aki makasagot nanghihina ako
Jaxson: pero nagsinungaling ka pa din sakin tricia bakit mo tinago sakin yung totoo? Bakit nagsinungaling ka sakin?
Jaxson:may balak ka ba talagang sabihin sakin?
Jaxson:SUMAGOT KA TRICIA ANO BA! I NEED YOUR GODDAMN ANSWER!
Di ko na kaya sobrang sakit na
:maniwala ka man sa hindi jax... Ilang beses ko gustong sabihin sayo yung totoo pero napapangunahan ako ng takot ko, mahal ma mahal kita jax at alam ko na iiwan mo ako pag nalaman mo yung totoo ayaw kitang mawala jax... Sorry... Sorry jax
Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung sinend ko yun ito na yung katapusan ng relasyon namin i checked my phone kung anong oras na (11:49) malapit na mag bagong taon
Jaxson: I'm sorry din tricia minahal din naman kita e pero di ko kaya magmahal ng mas bata pa sakin sana maintindihan mo ko pero ito na yung huling araw na makakausap kita
:Jax please... Wag mo ko iwan
Jaxson: sorry Tricia... Pero kailangan ko na umamin sayo..
I checked my phone again its already 11:57 ang bilis ng oras...
Jaxson: pero all this time niloloko lang kita dare lang talaga sakin yun na ligawan ka pero di ko naman inaasahan na sasagutin mo ako
Para akong pinatay sa sinabi niya... Hindi totoo yung nararamdaman niya sakin? All this time nagpaka tanga ako sakanya? 11:59 na ng gabi at gumuho ang mundo ko sa last message niya sakin
Jaxson: pero alam mo ba tricia? Ang sarap mo pag laruan haha sorry pero break na tayo
"HAPPY NEW YEAR! " pagka send niya sakin nun saktong 12 am na... Ang sakit sakit sobrang sakit... Ito na ata ang pinaka masakit na New year para sakin...
