CHAPTER 11: CAMPING

Začít od začátku
                                    

Nang naramdaman kong nakalayo na sila agad kaming lumabas ng tent ni Kenzo at pumunta kay na Lianna.

"Lianna?" Pagtawag ko sa pangalan n'ya.

Agad n'yang binuksan ang tent at nakita ko ang maamo n'yang mukha at pawis na pawis.

"Are you ok?" Pagtatanong ko sa kan'ya sabay hawak sa pisngi n'ya.

"Okay lang ako Clyde." Sagot naman n'ya sa'kin.

"Doon ka na matulog sa tent namin." Sabi ko sa kan'ya.

"Paano si Kenzo?" Tanong n'ya sa akin.

"Edi tabi sila ni Mikka." Napangiti naman si Lianna sa sinabi ko.

"Okay lang ba sa'yo Kenzo?" Pagtatanong ko kay Kenzo at tumingin ako sa kan'ya at tumango naman s'ya.

"Tara na Lianna." Hinawakan ko s'ya sa kamay at pumunta na kami sa tent.

Hinintay ko muna s'ya makatulog at nung makatulog na s'ya ay natulog na rin ako.

MIKKA

Pakinig ko ang mga huni ng ibon galing sa labas pero nakapikit pa rin ang mga mata ko.

Naka dantay ang mga hita ko sa hita ni Lianna, at nakayakap ako sa kan'ya, ramdam ko rin na nakayakap s'ya sakin.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang gwapo n'yang mukha-si Kenzo? KENZO?!!!!

Hindi agad ako nakapag react, sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa at magkayakap.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ko at sinipa ko si Kenzo kaya napalabas s'ya sa tent.

"Aray ko." Pagdaing ni Kenzo.

"Anong nangyari?" Pagtatanong naman ni Lianna at kasama n'ya si Clyde.

Agad akong lumabas ng tent.

"Sorry Kenzo." Paghingi ko ng tawad, napa lakas yata ang sipa ko

"Ok lang." Sagot naman ni Kenzo. Nag usap muna kami ni Lianna ng kami lang dalawa lang.

LIANNA

"Anong nangyari bakit hindi na ikaw yung katabi ko?" Pagtatanong sa akin ni Mikka.

Kinuwento ko sa kan'ya lahat nang nangyari kagabi.

"Sino naman kaya ang dalawang lalaki na yun?"  Pagtatanong ulit ni Mikka.

"Malay ko dun." Sagot ko naman sa kanya.

"Lianna alam mo ba nung isang gabi may nakita din akong dalawang lalaki pero may kasama silang isang babae at nag uusap sila." Dag dag pa ni Lianna, nakapagtataka na ang mga nangyayari.

"Mukang seryoso ang pinag uusapan nyo." May biglang sumingit sa pag uusap namin ni Mikka.

"Oh ikaw pala Dave." Ani Mikka.

Ang gwapo parin ni Dave hanggang ngayon, ang tangos ng ilong  n'ya,maputi at matangkad, pero mas gwapo si Clyde, mas matangos ang ilong, mas maputi at mas matangkad ng unti kay Dave at dag dag pa cute si Clyde.

Si Dave ang unang naging crush ko at nalaman n'ya yun dahil kay Mikka ang dal dal kasi. Pero hindi tumagal yun, dahil na fall nako kay Clyde. HAHAHA

"Lianna???" Pag tawag ni Dave sa pangalan ko at nung tumingin ako sa kanya binigyan nya ko ng matamis na ngiti, dun sa ngiting yun unang nahulog ang loob ko sa kanya pero di na yun tatalab kasi nandyan na si Clyde.

Naalala ko si Clyde, tumingin ako sa kanya at nahuli kong nakatingin din s'ya kanina pa siguro agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya.

Baka akalain ni Clyde nakikipag flirt ako kay Dave. Kaya nag excuse muna ako sa kanila maglalakad na dapat ako palayo sa kanila ng biglang hawakan ni Dave yung kamay ko at hinila ako kaya napalapit ako sa kanya, sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.

"Anong ginagawa mo Dave?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Gusto kita Lianna." Mahinahong pag kasabi n'ya sa'kin. Si Mikka naman ay nakatayo lang.

CLYDE

Anong ginagawa n'ya kay Lianna. Agad akong lumapit sa kanila, nang makalapit ako sa kanila ay hinila ko kaagad si Lianna.

"Anong ginagawa mo!!"Malakas na sigaw ko kay Dave.

"Bakit? Gusto ko si Lianna, may problema ka ba?"

Nagyayabang na sabi sa akin ni Dave.

"Oo may problema ako dahil boyfriend n'ya ko!!" Malakas na sigaw ko kay Dave at hinawakan ko ang kamay ni Lianna at pinagsiklop ito.

"Guyyysss nawawala si Princess!!!" Malakas na sigaw ni Lhance kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya.

ITUTULOY......

Bloody Vacation (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat