Simula

27 1 0
                                    


Kung may isang bagay man na gusto kong gawin ngayon, iyon ay ang magawa ang mga bagay na gusto ko. Yes, at some point ay natutuwa ako sa mga bagay na kailangang sundin pero hindi talaga mawawala sa akin na gustuhing gawin ang mga bagay na gustung-gusto ko. Lalo pa ngayon na nasa tamang pag-iisip na ako, naiisip ko na ang mga bagay na makakabuti sa akin ngunit taliwas naman sa gusto nila.

"Ms. Lili, masyado pong mainit sa kinatatayuan nyo," sabi ni Kuya Manuel habang ako ay nagtatanim ng bulaklak sa hardin. Ito na ang nakasanayan kong gawin ngayong bakasyon at may isang buwan pa ang gagawin kong pakikipagbuno rito.

Nilingon ko si Kuya Manuel bago sinagot. Tirik na tirik nga ang araw! 'Di ko man lang napansin.

"Ano ka ba,  Kuya Manuel? Natural lang na mainit dito, 'no. Walang masisilungan kaya tagos na tagos sa akin ang sikat ng araw," pagbibiro ko sa kaniya.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin," sabi pa niya at napakamot sa batok. "Mapapagalitan ka ng iyong Papa kapag nakita ka riyan," pormal niyang sabi.

Napangiti ako sa kaniya. Alam ko namang payag ako ni Papa na gawin ang bagay na ito. Aniya pa ay mas mabuting mainitan kesa manatili sa loob ng bahay, na siyang ginagawa ko naman ngayon.

I know he cares for me. Just like what I do to him and his family.

Matagal na naming kasa-kasama si Kuya Manuel. May ilang taong tanda lamang siya kay Papa kaya itinuturing ko na rin siyang ama. Nga lang at hindi ako payagan na tawagin siyang Tatay, gaya ng mga anak niya, dahil ayaw ni Tita, ang bagong asawa ni Papa.

A year after my mom died, Papa brought Tita Fina to our house. Aniya ay si Tita raw ang aking magiging ina because they are already engaged. I am not that happy but somewhat I felt happiness for Papa. He won't drown himself in liquor anymore which I am thankful of.

Tita Fina has two daughters. One of my age, si Chandria, at si Ate Cindy which is a year older than us. Tita is widowed too just like Papa.

"Hay naku, Kuya Manuel! Ginawa mo pang sangkalan si Papa. Oo na at mauna ka na roon," turo ko pa sa may terrace. Doon ay nakahanda ang meryenda na marahil ay pinaprepare ni Ate Gina. "Tatapusin ko lamang itong tatlong bulaklak."

Muli akong nagdukal ng lupa bago marinig ang tunog ng sasakyan sa katapat na bahay sa kabilang kalsada. Kanina ko pa hinihintay iyon at ngangayon lamang dumating! Kung kailan patapos na ako sa ginagawa ay saka pa lamang dumating ang hinihintay ko.

Napatawa ako sa sarili. Ginawa ko pang sangkalan ang pagtatanim para lamang masilip ang lalaking iyon. Swerte na rin ng araw na ito sapagkat ngayon ko lang natyempuhan ang pagdating nila. Minsan ay kapag nakakatapos lang ako magtanim saka sila dumarating. Minsan naman ay kapag matutulog na. Mabait ata ang tadhana ngayon.

Sumilip ako sa siwang na ginawa ng mga halaman. Nauna nang maglakad ang parents at kapatid niya. Siya naman ay tumulong pa sa driver nila sa pagbubuhat ng mga kahon. Napakabait talaga!

Kung magiging asawa ko siya, marahil ako na ang pinakaswerte. Matipuno, guwapo... basta lahat na!

"Lili!"

Napaigtad ako sa tumawag sa akin. Naantala tuloy ang pagsilip ko!

"Ate Gina, ba't ka sumisigaw? Nakakita ka ba ng ipis?" sabi ko sabay tawa. Ipis kasi ang kinatatakutan niya.

"Ikaw na bata ka talaga," gigil niyang sabi. Napatawa ako. "Mawawala na ang lamig ng juice mo. Tawag ka na rin ng iyong Papa at may pag-uusapan daw kayo."

Nilingon ko ang terrace at naroon na nga si Papa. Hindi ko man lang napansin ang kaniyang pagdating. Agaw atensyon kasi itong katapat bahay namin, e!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remnants Of Our PastWhere stories live. Discover now