Classroom Miracles

1 0 0
                                    

"Ayan sa wakas natapos na rin"

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko tsaka niligpit ang lahat ng ginamit kong pintura sa bag na dala ko. Hihintayin ko na lang na matuyo ang canvas tsaka ako uuwi.

Ininat ko muna ang sarili ko saka naglakad sa pinakamalapit na bintana dito sa Arts and Design room kung saan matatanaw ang open gymnasium. Alas kwatro pa lang ng hapon kaya marami pa ring tao ang nakita ko sa labas. May nakikita akong nag pagpractice ng cheerdance. Meron din namang naglalaro ng mga sports kagaya ng basketball at volleyball.

"O nga pala malapit na ang Founder's Day"

Kinuha ko na muna ang mga madudumi kong paintbrush at ang pallet para mahugasan ko ang mga yun sa CR. Mahirap na kapag tumigas pa yun at masira mga brushes ko.

Tahimik na ang hallway ng lumabas ako kaya binilisan ko na lang ang paglalakad para makarating agad sa CR.

"Wala sanang multong magpapakita sakin please" piping dasal ko habang nakapikit ang mga matang pumasok sa banyo. Nakahinga ako ng maluwang ng wala naman nangyari na kakaiba pagkapasok ko.

Hindi naman nagtagal ang ginawa kong panghuhugas kaya mabilis na akong bumalik sa room para sana kunin ang canvas at ang bag ko para umuwi na rin kasi marami pa akong mga assignments na gagawin.

Bigla akong napatigil sa akmang pagpasok ko sa room ng may marinig akong kakaiba mula sa loob.

'Tangena may multo ata' nanlalaki ang mga mata ko dahil sa naisip.

'Bobo walang multong lalabas ng may araw pa' pangungumbinsi ko sa sarili ko para di matakot.

Natigil ang takbo ng isip ko ng makarinig ako ng malakas na ungol mula sa loob dahilan para walang pag dadalawang isip na pumasok ako sa pagaakalang baka may nangangailangan ng tulong pero parang tangang naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa di ko inaasahang bumungad sa akin sa loob.

'POTANGENA!' Agad silang napatigil sa ginagawa nila ng marinig nila ako. Nanlalaki rin ang mga matang napatingin sila sa akin dahil mukhang nagulat din sila sa pagdating ko.

May nakita akong dalawang tao sa loob. Babae at lalaki. Ang isa ay nakaupo sa lamesa ng teacher habang ang isa naman ay nakaluhod sa harapan ng nasa lamesa. Pareho silang walang saplot na pang itaas. Gagawa pa ata ng milagro ang mga animal!

"R-Red?" nilingon ko ang lalaking tumawag sa pangalan ko na bakas ang gulat sa mukha.

Di ko sila pinansin saka mabilis na pinuntahan ang canvas na naiwan ko pero nanlumo lang ako ng di ko ito makita sa pinaglagyan ko dahil nasa sahig na ito sa sulok ng room habang may bakas ng sapatos na animoy natapakan bago sinipa palayo.

Pinulot ko na lang iyon tsaka kinuha ang bag ko at isinukbit yon sa balikat ko. Di ko pinansin ang dalawa saka mabilis na naglakad paalis ng walang lingon.

'Mukhang uulit na naman ako' walang kaso sakin ang umulit pero ang problema ang ang mga gagamitin ko. Sa canvas pa lang maluluha ka na sa presyo pano pa kaya ang sa mga pintura. Kelangan ko na itong maipasa bukas ng umaga dahil yun na ang deadliest deadline na sabi ng teacher ko. Tangina babagsak pa ata ako dahil sa kababoyan ng dalawang yun. Mga assignments ko pa pota!

Di ko na mabilang kung ilang mura na ang nasabi ko sa isip ko ng bigla ko na namang narinig na may tumawag sa pangalan ko. Di ko yun pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad. Habang pinipigilan ang sarili ko na maluha dahil sa mga masasamang nangyayari sa buhay ko.

"Red sandali lang"

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla na lang may humarang sa harap ko. Nung tignan ko kung sino yun nawalan ng emosyon ang mukha ko saka ko siya tinulak tama lang para makadaan ako ulit. Si Loki yun classmate ko at yung lalaki kanina sa Arts and Design room.

Short StoriesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu