Naka tingala ako sa langit habang dinadamdam ang bawat patak ng ulan sa aking balat. Malamig ang bawat patak na sinabayan ng simoy ng hangin, gusto kong mag patuloy sa pag takbo sa pag iisip na baka nandyan pa sila sa likod at hinahabol ako ngunit masyado nang pagod ang katawan ko para tumakbo pa palayo.
Napalingon ako sa aking likuran ng maka rinig ng kaluskos, masakit man ang paa pero kailangan kong mag tago. Tumakbo ako at nag hanap ng matataguan at agad na napatigil ng may makitang isang talon at wala pag aalinlangang tumalon.
Ramdam ko ang lamig ng tubig na lumamon sa aking katawan, kasabay ng sakit ng katawan dala ng pag hampas ng tubig sa aking katawan.
Nagising ako ng may marinig na mga taong nag bubulungan. Dahan-dahan kong iminulat ang mata at nakita ang mga taong nakapaligid sa akin na may halong pag tataka at pagka biglaang pag kakaruon ng malay.
"Ineng, ayos ka lang ba?" Tanong ng babaeng nasa tabi ko.
"Ayos lang po ako." Mabilis na sagot ko tsaka lumingon sa paligid.
"Ano bang pangalan mo?" Tanong ulit ng Ale.
Napatigil ako at nag isip bago tuluyang sumagot.
"H-hindi ko po matandaan." Pag sisinungaling ko.
"Ganon ba? Halika at sa amin ka muna makitira." Agad akong tumingin sakanya at ngumiti.
"Maraming salamat po."
Inalalayan nila akong tumayo at inihatid sa bahay ng Aleng tumulong sa akin.
"Pag pasensyahan mo na at medyo luma ang bahay ko." Sabi ng matanda habang inaalalayan akong maupo sa kama.
"A-ayos lang po, maganda nga po ang bahay n'yo." Totoo namang maganda ang bahay nila, lahat ng parte ng bahay ay gawa sa kahoy. May mga bagay na sa tingin ko ay mamahalin na kagamitan.
"Sa tingin mo rin ba? Gusto ko kasi itong bahay ko at madaming ala-ala dito kasama ang asawa at anak ko." Sabi nito habang may kung anong hinahanap sa kabinet ng kwarto.
"Nasaan na po ang pamilya mo?" Hindi ko napigilan ang sariling tanungin ito.
Malungkot siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"Wala na sila, walang sinuman ang may alam ng totoong nangyare. Ang sabi ng iba ay nabangga raw ng malaking barko, samantalang ang iba ay ang sabi ay natabunan ng malakas na alon." Sabi nito na ikinagulat ko.
"Pasensya na po sa pag tatanong." Sabi ko dito.
Ngumiti naman ito at umiling.
"Wala iyon, ito nga pala ang damit ng anak ko, sa tingin ko naman ay kasya iyan saiyo." Sabi nito at iniabot ang isang dress.
"Mag palit ka na at baka magkasakit ka pa, pag katapos ay lalagyan ko ng benda iyang ulo mo."
Napahawak ako sa ulo ko at agad na naramdaman ang sakit nito.
"Salamat po." Sabi ko habang nag hihintay ng itatawag ko sakanya.
"Nanay Imelya nalang" Pag pappakilpapla nito.
"Salamat po nanay Imelya" Sabi ko tsaka matamis na ngumiti sa kanya. Ngumiti ito pabalik sa akin bago umalis ng kwarto.
Isinuot ko ang damit na ibinigay ni Nanay Imelya at nag kasya naman ito sa akin, medyo maikli nga lang ng koonti marahil ay mas matangkad ako sa anak niya.
Kinagabihan ay nag-aya ang matanda na kumain ng hapunan.
Nag usap kami ng kung ano-ano tungkol sa isa't isa. Nalaman ko na matagal nang mag isa si nanay Imelya sa bahay na ito dahil kaya nya pa naman daw ang kanyang sarili. Medyo nahihirapan lamang daw ito dahil wala man lamang katuwang sa kaniyang bahay. Nalaman ko rin na nag ta-trabaho pala siya sa isang bukid kung saan ay taga alaga siya ng hardin na pag mamay ari ng isang marangyang pamilya sa syudad. Sinabi rin niya sa akin na susubukan niya rin akong ipasok doon upang hindi ako mainip dito at habang iniintay na bumalik ang ala-ala ko.
Nang matapos kumain ay nag pahinga na si nanay Imelya. Habang ako ay pinipilit matulog sa kama, ngunit ng mabigo sa pag tulog ay lumabas ako sa kwarto at pumunta sa biranda ng bahay. Duon ko tinanaw ang bituwin sa langit, higit sa lahat ay ang mga bituwin ang nakakapag pakalma sa akin ng husto, pero sa lagay ngayon ay para bang hindi ko mapigil ang sarili sa pag aalala dahil sa mga bagay na gumugulo sa utak ko.
Gusto kong bumalik sa bahay namin pero natatakot ako. Iniisip ko ang mga taong gustong tapusin ako para lamang makuha ang perang ibinigay sa akin na kahit kailan ay hindi ko naman pinangarap na makuha.
Matagal akong tumingin sa langit bago ko ibinaba ang tingin sa lupa, gulat kong napansin ang isang taong sa tingin ko ay kanina pa nag mamasid saakin. Hindi ko man masyadong makita ang kanyang mukha ay alam kong naka tingin siya mismo sa akin.
Dahil sa kakaibang pakiramdam ay nag desisyon akong pumasok sa bahay at piliting patulugin ang sarili. Habang iniisip na magiging maayos ang lahat ng ito kinabukasan kahit na alam kong niloloko ko lamang ang sarili ko.
