Nilingon ko si Kairo at unti unting binawi ang kamay niya. He smirked but with cold eyes. Tumayo siya nang maayos at nanatiling nakatingin sa amin.





"April!" Dad went to me. Ngumiti ako sakaniya.




"I'm fine, Dad! I promise!" Ngumiti ako lalo. Nang makita akong ayos ay niyakap niya ako at bumalik na sa upuan. Nagpatuloy ang salo salo at kwentuhan sa lugar.





"Thanks, Oliver.. sorry lasing lang ako." I thanked him for what he did. Kanina pa pala nakatayo si Paige sa tabi namin! Shoot! Nakita ko ang inis at pagaalala sakaniya. I said I was fine.





Umupo na kami sa kaniya kaniyang upuan. Kairo went back on his seat which is in front of me. Seryoso pa rin siyang nakatulala sa akin. Kumunot ang noo ko. Anong problema niya? Nagkatitigan kami nang biglaan. Nagtagal iyon nang ilang minuto pero binaba ko na ang tingin ko. I was still scared. Takot pa rin pala ako.





Napatingin ako sa sugat ko sa kamay. Mayroong mga maliliit na bubog roon. May mga dugong tumutulo. Oliver failed to see my wound. Dad also failed to see it. Lahat nang nasa paligid ko ay bigong nakita ang aking sugat. Sabagay. Hindi naman na dapat malaman ng lahat na mayroon akong sugat. Kapag nasugatan ka, sayo na yon. Kasi kagagawan mo rin naman yon eh.






Nagpalakpakan ang lahat nang sinabi ng aking ama na bukas ang bar ng hotel na ito. Hindi na ako nakisali sa palakpakan dahil sa sugat sa aking kamay. Maybe I will clean this later. Lumabas na ako kasunod sila Paige papunta sa bar. Tumawid kami dahil sa kabila ang exclusive bar ng hotel. Hindi ko maiwasan ang mapapikit habang naglalakad. Wake up, April!






Dumiretso kaagad ako ng dance floor para sumayaw. Inaalintana ang mga tao sa paligid. Gusto ko nalang maging hangin sa mundo para hindi na ako naghihirap ng ganito! Tears went down my cheeks while jumping with the music. I thought after several years I'm finally over of what happened. But damn. I just had a break down!





Tatalon pa sana ako nang biglang may bumangga sa akin. The hell? Marahas akong lumingon kung sino iyon. It's Kairo and the girl he's with. Kumulo ang dugo sa loob looban ko.





"The hell? Can you guys just move a bit?!" Hindi ko inaasahan na malakas pala ang pag sabi ko ng mga salitang iyon. Kahit malakas na ang music ay rinig pa rin ang sinabi ko! Damn!





I heard some chuckles from the girl. Napahinto ako at tinitigan siya. The girl has short hair. May naalala ako! Wow I never expect na hanggang ngayon ay mahilig pa rin siya sa maikli ang buhok, really? Sinuri ko ang sarili ko. Ang buhok ko ay hindi gaanong maiksi pero hanggang dibdib ko ang mga ito. Why am I checking it though?





"Sorry, miss.." mas nairita ako sa sinabi niya. Don't call me that! Umirap ako. Hinarang ko ang waiter at kumuha ako ng dalawang lagok na beer. I felt the shaking of my head. Fuck!




Hinanap ko sila Paige sa mga tables don. Pero hindi ko sila mahanap! Even Oliver ay wala roon! Wala ba sila o sadyang hindi ko na talaga kayang maghanap sa sobrang hilo?





Lumabas ako ng bar at naglakad. Mas nahilo ako sa mga tumatamang vehicle lights sa mata ko. Damn! Ano ba to! I started walking but I felt my feet shaking! Mukha na akong tanga!






I stopped para makatawid ako. Pumikit muna ako at kinusot ang mata para luminaw kahit papaano. Nag umpisa na akong lumakad dahan dahan. Naririnig ko ang mga andar at busina ng mga sasakyan. Nang malapit na ako sa gitna ay may narinig akong pasalubong na kotse at malakas na bumusina! What the! Napapikit ako at naramdaman ang pagkakahila sa akin! Sino ba yon!






"What the fck are you doing? Nahihibang ka na ba?" I heard a familiar voice.





Nilingon ko kung sino iyon. Lasing ako pero kilala ko to! Si Kairo! He saved me! Again?





"Anong ginagawa mo rito? I will go back to the hotel bakit mo ako pinigilan!" My heart ache. Hindi ko alam kung bakit at paano. Basta ang alam ko ay kumikirot ito.





"You almost died! Dapat ay hindi ka naglalakad ng lasing!" I saw him very serious and worried. Hm. Nag aalala ka. Wow! Should I be amazed?




Nakita ko siya na napatingin sa kamay ko na may bubog ay sugat. Napansin niya pala. Hinawi ko ang kamay ko at umupo nalang sa di ko alam na bahagi ng lugar. Lasing na lasing na ako! I want to go home!




"I'm driving you home.." Sabay ang pagpikit ko sa pagkakaupo.






|Next|

Nothing has changedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ