Chapter 25: Little Things

Start from the beginning
                                    

Tinignan ko yung sarili ko. 

Nakadress ako. 

Hindi na kasi kasya sakin ung mga jeans ko. 

"Baby.. Open the door." 

"Ayoko *sniff* Ang panget ko." sagot ko sakanya. "Pagtatawanan mo lang ako."

"Boss Bave. Buksan mo na. Hindi kita pagtatawanan, promise." 

"Hmp." sagot ko bago ko buksan ung pinto.

"Oh? Asan ung panget?" tanong niya.

"Gino naman eh. Tignan mo nga ako. Ang panget-panget ko. Umitim ako lalo tapos ang taba-taba ko." sabi ko at sinimangutan siya.

"Mrs. Dela Rosa." hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papasok ng kwarto. 

Sinara niya ung pinto, umupo siya sa kama saka ako pinaupo sa lap niya.

"Wag na. Baka mabigatan ka lang." tatayo na sana ako ng niyakap niya ko.

"Misis ko. Ano ba yang pinagsasasabi mo?" tanong niya.

"Panget ako." tumawa siya.

"Panget ka jan. Ang ganda-ganda mo kaya." 

"Ang taba ko na at ang bigat." 

"Taba? Bigat? Ang sexy sexy mo nga at ang gaan eh." 

"Ang itim ko. LALO."

"Itim? Morena ka."

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now