April 11, 2020
Sa pitong bilyon na katao sa mundo, mayroong isang daan at walong milyon ang nasa Pilipinas, at dalawang milyon naman dito ay nasa siyudad.
Sa dalawang milyon na 'yon, malamang halos lahat may trabaho, ginagawa, o pinagkaka abalahan.
Pero ako?
Kabilang na ako sa tumataas na unemployed college graduate na dumadaragdag sa unemployment rate ng Pilipinas kada taon.
Tatlong linggo palang naman nakakalipas.
Tatlong linggo.
Parang tatlong dekada na para sa akin.
"Dana! Lumabas ka naman dyan sa kwarto mo, baka may mga baging na dyan," sigaw ni Ecka mula sa sala.
Gago talaga.
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa kisame.
Ano bang pwede kong gawin?
Pagkatapos kong makipagtitigan sa kisame nang mahigit 20 minutes, napagdesisyunan ko na tumayo na mula sa kama ko na malapit na akong kainin sa kakahiga ko.
Pero parang mali ata na lumabas ako ng kwarto.
"dANA!" malakas nilang sigaw sabay yakap sakin dahilan para mapahiga kaming tatlo at madaganan nila ako.
Mali nga talaga.
"Ang bigat niyo," bulong ko sa kanila at buong lakas na tinulak pagilid ang dalawa.
Tatawa tawa namang umupo si Ecka habang si Gia naman ay biglang nilibot ang mata niya sa kwarto ko.
"Wow, ngayon nalang ulit namin narinig boses mo. Buti naman lumabas kana dito sa lungga mo," sabi ni Ecka
"Wala namang baging eh."
Napatingin ako kay Gia pero bago pa man ako makapagsalita ay binatukan na siya ng katabi niya.
"Ito naman, naniwala ka naman agad."
"Sabi mo kasi may baging eh."
"Eme lang yon."
Hinintay ko muna silang matapos magtalo bago ako nagsalita, nakakahiya naman. Gusto ko manalo muna si Gia sa barahan nila.
Ngayon ko lang napagtanto na ilang araw na pala simula 'nong huling rinig ko ng pagbabarahan nila.
Ilang araw na ba akong nagkukulong sa kwarto ko?
Tumayo ako at kinuha ang phone ko, "Nag dinner na kayo?"
Tumingala sila sakin na parang bata at umiling, nagkatinginan sabay ngisi.
"Oo na, dinner tayo. Libre ko."
Dumating naman agad ang order namin kaya tuwang tuwa yung dalawa.
Panay tawanan at kwentuhan lang kami habang kumakain, kinikwento nila sa'kin mga nangyari sa kanila this past few days.
"Kahapon pala 'di ko nakwento sa inyo, nag e-mail sakin yung company na ni-refer sakin ni Alice," sabi ni Ecka.
Napatingin naman sa kanya si Gia "Oh, ano sabi? 'Kumain kana ba by?'"
