"Kahapon, Bukas at Ngayon "
Kahapon sa dapit hapon,
sabay na kumakain sa paborito nating kainan,
mga paborito nating sangkap,
sa dami ng nakahilerang putaheng masarap,
sa titig mong napaka sarap,
humihiling na sana wag ng kumurap,
at bukas ay ikaw na talaga ang matagal ko nang pinapangarap.
kahapon sa paborito nating lunan,
mag kahawak ang ating mga kamay
sabay na nilalakbay ang daan,
masayang nag kwekwentuhan kung paanong nabuo ang ating pag mamahalan,
ay mulit ulit akong humiling na sana,
sana ay wag ng kumurap at bukas ay manatiling totoo ang lahat,
at hindi nalang maging isang gunita ang kahapong minsan ko nading hiniling na sana ay wag ng matapos ang lahat.
Bukas sa panibagong araw,
wala ng dahilan upang iwan ka pa,
binigyan mo ng kahulugan ang salitang mahal kita,
binigyan mo ng kahulugan ang salitang mamahalin kita,
naging saksi ang araw at buwan,
sa kung paano moko sinumpaan ng pangakong ikaw lang at ako hanggang sa walang hanggan.
bukas sa panibagong araw,
muli akong titingala hihiling kay bathala,
na sana ikaw na ang siyang nakatadhana,
para sa pusong niyakap ng lungkot mula sa nakaraan,
na sana ikaw na ang siyang nakatadhana para sa pusong pinakilig lang ng panahon,
at muli ng iniwan sa ere ng taong minsan nading niyakap ang nag hihinagpis kong nakaraan,
na sana ay ikaw na ang itadhana ni bathala upang mag karoon na ng kulay ang mundo kong ginuhitan lang ng pula,
tanda na ito na ang tuldok at tapos na tayong dalawa.
Ngayon,
ang kasalukuyan ng ating pagmamahalan,
tunay mong pinanindigan ang iyong sinumpaan,
madami man tayong pinag daanan,
ngunit tunay na ikaw ay lalaking my paninindigan.
ngayon ang kasalukuyan,
minahal mo ako ng tunay na walang pag aalinlangan,
niyakap mo ako ng my buong pagmamahal,
kayat mahal,
isa lang iyong pakatatandaan na ikaw lang ang dahilan kung bakit mahal kita.
kayat mahal,
lagi mong pakatatandaan na ikaw ang aking kahapon, bukas at ngayon.
