"Sino sa inyo si lim?" malambing na sabi ko sa mga manonood. May nakita naman akong grupo ng mga kalalakihan na may itinutulak na lalaki.



"H-Hoy a-ano b-ba nakakahiya." sambit ng lalaki. Lumapit ako rito.



"Ikaw ba si lim na nagbigay nito?" mahinahong tanong ko.



"O-Oo binibini." namula naman ang dalawang tenga niya. Niyakap ko namn ito at naramdaman kong natigilan ito.



"Maraming salamat! Paborito ko ito e! wieeeee!" pasasalamat ko rito. Mas lalo naman itong namula. Bumalik naman ako sa mga letter na nagkalat.



pwede na akong magswimming nito



Napanguso ako ng tatlong malalaking plastic ang nagkasya sa lahat ng letter at pagkain na ibinigay sa akin habang ang mga kasamahan ko ay tig iisa lang. Pinahatid naman ni prinsepe rafael ang mga ito sa dorm namin.



"Ang ganda kasi e." panunukso ni dio. Sinimangutan ko naman ito. Pumasok naman na kami sa room namin at nagklase. Nakatuon lang ang mukha ko sa bintana. Naiintindihan ko parin naman ang sinasabi ng guro namin.



"Sunny!" tawag sa akin ni prinsepe francis. Ngumiti naman ako rito. Sabay sabay kaming pumunta sa susunod na klase. Ang sunod naman na itinuro sa amin ay ang paggamit ng xylophone. Nakita kong nakatingin sa akin si alia, yung may pagkanerd at shy type. Nginitian ko naman ito. Namulang umiwas ito ng tingin. Pangit ba ang ngiti ko?



"Diba ngayon ang una nating pag eensayo?" tanong ni andres kay prinsepe rafael. Tumango naman ito bilang sagot. Kinalaunan ay natapos din ang pangalawang subject at physical combat na ang susunod. Napahiwalay na sina prinsepe sa amin.



"Sunny!" napalingon ako sa pinaggagalingan ng boses na iyon nakita kong tumatakbo papalapit sa amin si kyle. Nakangiting kinawayan naman namin ito.



"Eto na pala ang balabal mo. Nilabhan ko na rin iyan." sambit nito sa akin. Inilaga ko naman sa bag ko ang balabal. Pinabilog na pinaupo na kami ni prinsepe rafael.



"Una muna nating isipin kung anong kayang gawin ng mga kakalabanin natin. Pangalawa, kung sino ang malakas sa kanila. Pangatlo, ibigay ang lahat ng makakaya." seryosong boses ni prinsepe rafael.



"Ang grupo nila alia, si alia ang isa sa mga matatalino sa buong academia kaya malalaman niya agad kung paano ka kumilos o sumugod. Ang pinakamalakas naman sa kanila ay si pip, maliksi ito at mabilis. " turo niya sa pip sa kabilang grupo na nakaupo.



"Ang grupo nila cindy, si cindy ang malakas sa mga ito ngunit kapag nagsama sila ng dalawa pang kaibigan niya ay may lalakas pa ang pagsugod nito, nila." mukhang alam na niya talaga ang bawat taktika rito ah?



"Ang grupo ni prinsepe rim, syempre siya ang malakas na sinamahan pa ni prinsepe francis. Kapag lumaban ng seryoso yang si rim, hindi mo na maiintindihan kung bakit ang bilis ng kamao niya. "



"Habang ang grupo naman ni prinsepe gim, yung ibang mga kagrupo niya nakikitaan ko ng maliksi sa galaw lalo na puro lalaki yung kagrupo niya." tango tango naman ang sinagot namin.



"Halina kayo, pupunta na tayo sa lugar kung saan ako nagsasanay." sumunod nalamang kami rito. Tinahak namin ang landas sa mapupunong lugar hanggang sa huminto kami sa may maliit na kubo. Hindi naman kalayuan ito sa academia.



"Paano mo nalaman ang lugar na ito, prinsepe?" magalang na tanong ni kyle.



"Noong bata pa ako, naligaw ako rito. Hanggang ngayon nga hindi ko alam kung sino ang dating nakatira sa kubong iyan." tukoy niya sa maliit na kubo.



Sunny Adelson: The journeyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant