Diyos Ko

43 3 0
                                    

Madalas sa hindi nababanggit natin sa araw-araw ang mga katagang "Diyos Ko" Lumaki ako na naririnig ito kung tayo ay nagugulat, natatakot, o di kaya hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero mas madalas kong marinig ito sa Nanay ko. 

Diyos ko kang bata ka! Ang tigas ng ulo mo! Diyos ko kang bata ka ang baho mo maligo ka na! O di kaya pag ginugulat ko siya. Ay Diyos ko! ano ka bang bata ka! bakit mo ako ginulat? Kaya namulat ako na ginagamit ang mga katagang Diyos ko. Sa lahat ng pagkakataon.

Dumating ako sa punto na tinatanong ko ang sarili ko bakit nga ba? Minsan pag natatakot ako Diyos ko pa rin ang nasasambit ko. Sa tingin ko at sa nararamdaman ko alam kong may pahiwatig ang lahat. Sa umpisa  parang basta isang pagpapahayag lang ang Diyos Ko, pero sa araw araw ay madalas nating nasasambit.Minsan pa nga may pagtatanong. Diyos ko bakit ako? Diyos ko paano ba ang gagawin ko? Diyos ko asan ka? Sa maraming paraan nagiging bukang bibig natin ito ng hindi natin namamalayan.

Dumaan ang mga araw, taon, dekada ngayon ang mga kabataan mas nasasambit ang Oh My God! Pero okay lang yon, Diyos pa rin ang nababanggit sa lahat ng pagkakataon.

Dumaan ang mga araw, taon, dekada ngayon ang mga kabataan mas nasasambit ang Oh My God! Pero okay lang yon, Diyos pa rin ang nababanggit sa lahat ng pagkakataon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa anumang dahilan at paraan binibigyan tayo ng rason parang banggitin natin ang Diyos. Isipin natin kung bakit nga ba? Marahil ito ay isang pag papa-alala sa atin na lagi siyang nandiyan at hindi natin namamalayan ang  kanyang paraan ng pagpaparamdam. Kung minsan dumadaan ang mga oras  o mga araw na hindi natin nagagawang mag-dasal o mag-pasalamat sa kanya. At ang tanging paraan na lang niya ay gumawa ng dahilan para mabanggit man lang natin siya.

Pero bakit kung tayo ay walang malapitan at mapuntahan at tsaka lang natin lubusang na-aalala ang Diyos? Kailangan bang sa pamamagitan ng Oh My God ay ipaalala niya na lagi siyang andiyan. Masaya ka man o malungkot. Kuntento ka man o problemado ang Diyos ay laging nandiyan. Dumaan man ang maraming bagyo sa buhay mo, mawawala na lahat ang mga tao at bagay sa iyong mundo pero ang Diyos pang habang buhay ipaparamdam niya ang presensya niya sa lahat ng pagkakataon.

Ganito kalawak ang mag-mamahal sa atin ng Diyos sa lahat ng oras andiyan siya hindi siya nawawala. Isang tawag lang natin nakakaramdam agad tayo ng kaginhawaan.Dama agad natin na hindi tayo ng iisa. Ang Diyos na hindi humihingi ng kahit na anong kapalit. Ang Diyos na sadyang mapag-patawad at sobrang mapagmahal.

Masuwerte tayong lahat dahil binigyan tayo ng pagkakataon na maranasan at maramdaman ang pagmamahal ng Diyos. Hindi ko lubos na maipaliwanag ang pagmamahal niya, ang tanging alam ko... Ako ay sapat na para sa kanya. At siguro nga napaka-makasarili ko  dahil sa lahat ng pagkakataon inaangkin ko siya.Hindi ba lahat naman tayo? Diyos ko ang banggit o Oh My God sa english. Sinasarili natin siya. Inaangkin natin ang nag-iisang  Poong Maykapal.

At sigurado ako natutuwa siya kapag binabanggit natin ang Diyos Ko, Oh My God, OMG dahil ibig lang sabihin nito ay hindi natin kayang mabuhay ng kahit isang araw man lang na wala siya. At hindi lilipas ang isang araw na hindi natin ito nababanggit. Maaring hindi natin naaalala na binanggit natin ang mga katagang ito at alam kong hindi binibilang ng Diyos kung ilang beses natin ito nababanggit.

Diyos KoWhere stories live. Discover now