Last period, History. It is extremely difficult to concentrate on class lectures because I was mesmerised by the sound of the light rain. The sky became dark and low with ominous black clouds.
And suddenly..
Naubusan na ako ng english words. Hahaha. Natawa nalang ako sa sarili ko.
Nakita kong nakatingin si Sarah na parang naweweirduhan sakin. Ayan nanaman, nababasa ko isip mo gurl, sinasabi mong "Si Ellie parambaliw, tumatawa mag-isa." O kaya.. "Ang cute talaga ni Ellie. Crush ko na siya, ugh!" Hahaha.
*yawns* Panglimang hikab ko na 'to.
Inaantok na talaga ako, gusto ko nang umuwi at matulog. Idlip lang ako saglit, nasa dulo naman ako, di ako mapapansin ni ma'am. Recite ng recite yung mga kaklase ko sa harap, sige pakidistract si ma'am, thanks.
Kumalumbaba ako sa armchair ko at pumikit, and then my mind dragged me into a free fall.
Few minutes passed..
Nandito ako nagmamadaling pababa ng building namin. Nanggigigil ako. Bakit di nila ako ginising?! Iniwan na talaga nila ako, wala akong kasabay umuwi. Awwww poor me.
Palabas na ako sa school nang biglang umambon. Tumigil ako para kunin yung payong ko sa bag. Habang hinahanap ko yung payong ko, may lalaking tumigil sa tabi ko, hinahalungkat niya rin yung backpack niya and...sa wakas!- I've got my beautiful umbrella na may design na starry night. Binuksan ko na at nagsimula na akong maglakad papunta sa paradahan papunta sa bahay. Dahil medyo late na rin, kaunti nalang naglalakad pauwi ngayon. Siguro lima nalang kami, oo tama lima nalang. The thunder crunched and soon, the rain fell. "Here comes the rain, little darlin'." I whispered. Medyo basa na yung converse ko na high cut kaya binagalan kong maglakad nang biglang may nag-overtake sakin. Yung lalaki kanina, wala pala siyang payong, nakahoodie siya pero nauulanan pa rin. My other self says na kawawa naman siya, i-offer ko kaya na makipayong sakin? and the other says ang b*bo naman niya alam niyang tag-ulan tapos 'di nagdala ng payong, di ko na problema yan. Nagdebate muna sila bago ako makapagdesisyon kung tutulungan ko ba o hindi.
'You need to do what is right.'
'Paano? Anong sasabihin ko? Papayungan ko siya tapos wala nang imikan, napaka-awkward. Nahihiya ako, di ko na gagawin.'
'Alisin mo muna yang hiya mo, lalamunin ka ng konsensya mo kung 'di mo tinulungan 'to. Mamaya mamatay 'to sa sakit eh. Mapanood mo nalang sa balita, 'Lalaki, patay dahil naulanan.' tapos sasabihin mo 'Sana tinulungan ko nalang siya' and you're HAUNTED.'
Kaya in the end, hinabol ko si boy hoodie. Tumakbo na rin ako, punyeta nabasa na yung high cut ko. Naabutan ko siya and I held the umbrella in a central position kung saan natatakpan kaming dalawa, mas matangkad siya sakin kaya itinaas ko ng kaunti. Napalingon siya sakin saglit pero bumalik yung tingin niya sa dinadaanan namin. Medyo bumagal rin naman yung lakad niya. "Excuse me, would you like to share my umbrella?" Natatawa ako habang nagsasalita. Bakit pala ako nag-english? Hahaha, ano ba yan! Ang epic naman.
Shit dapat pala ginoogle ko muna sana 'How to offer someone to share with your umbrella'. Mamamatay na ako sa hiya dito, pero atleast nakaligtas ako ng isang buhay ngayon diba? Achievement.
"Ahh.. Thank you. Pero doon lang naman ako." Turo niya sa bahay na kulay orange na hindi naman ganoon kalayuan.
"Ahh.." Tumango naman ako, shocks nakakahiya talaga. Malapit lang pala yung uuwian niya!
Hindi ko pa rin masyadong makita yung mukha niya dahil sa hoodie. Ngayon ko lang napansin yung I.D lace niya, color red so it means he's a grade 9 student. Mas lumakas pa ang ulan, patuloy pa rin kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tinuro niyang bahay.
