Naglalakad ako ngayon dito sa aming talipapa. Lumingon-lingon ako rito sa paligid upang hanapin ang bubusog sa aking tiyan. Nakakita naman ako ng tindahan ng mansanas sa tabi kaya lumapit ako rito. Inayos ko ang buhok ko pati na rin ang sumbrero ko. Sinigurado kong hindi kita ang mahaba kong buhok.
"Magkano ho itong mansanas?" Medyo matapang na tanong ko rito ngunit hindi ako sinagot ng aleng nagtitinda nito marahil ay mas nakatuon ang pansin nito sa mga bumibili sa kabilang dulo.
Napalingon ako sa paligid upang masigurado kung may makakakita ba sa akin. Napangiti ako sa galak nang makitang abala ang lahat sa ginagawa.
Wala kasi akong ni singkong duleng sa bulsa at halos dalawang araw na rin akong walang kain. Himala na lang talagang buhay pa ako ngayon.
Nang makahanap ako ng tiyempo ay kinuha ko ang dalawang mansanas at itinago iyon sa bulsa ng jacket na tinangay ko pa sa sampayang nadaanan ko lang kanina.
Naglakad agad ako palayo mula roon. Ngunit nang akala ko ay nakalusot na ako ng tuluyan ay bigla akong tinawag ng ale.
"Iha?!" Tawag nito sa akin kaya bigla na lamang ang kabang naramdaman ko. Paano niyang nalaman na babae ako?
Nang tingnan ko ito ay nakatingin lamang ito sa akin na para bang may gusto itong sabihin sa akin. Ilang segundo rin itong nakatingin sa akin kaya tumalikod na lamang ulit ako at nagsimula na ulit maglakad.
Sa wakas ay magkakalaman na ang aking tiyan.
Ninamnam ko ang bawat kagat sa mansanas na iyon. Hindi ko na inalala pang galing iyon sa ilegal na gawain. Ang mahalaga ay hindi ako mamamatay sa gutom. Alam kong hindi iyon sasapat sa kumakalam kong sikmura pero ayos na iyon basta magkalaman lamang ito.
Napatingin naman ako sa mga tao sa paligid at napansin tumitingin ang mga ito sa akin. Nagtaka naman ako pero nakita ko na lamang ang sarili ko na bumibilis ang paglakad.
"Ayon! Ayon ang babaeng kumuha ng pouch ko na naglalaman ng 30,000! Habulin niyo siya!" Rinig kong sigaw ng isang babae sa likod ko at nang mapalingon ako ay nanlaki na lamang ang mata ko nang makitang nakaturo ito sa akin at mas lalo ang aking pagkagulat nang makita ko ang kasama nitong mga pulis na handa na akong dakipin anomang oras.
Mukha pa rin ba akong babae sa lagay na ito?
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at tumakbo na ng mabilis palayo doon.
"Habulin niyo!" Rinig kong saad ng isang lalaking may baritonong boses. Napalingon ako at nakitang papunta na ang mga ito sa direksyon ko kaya naman binato ko ang isa sa kanila ang mansanas na hindi ko pa nauubos at sapul! Sapul siya sa mukha kaya napatigil ang paghabol nito sa akin. Halos mapahagalpak ako ng tawa nang makita ko ang itsura nito.
Tatlo pa sila.
Halos lahat ng madadaanan kong tao at mga nakaharang na tindahan ay itinutulak ko na kaya labis ang pagtataka ng mga tao.
Pasensiya na po.
Nang makakita ako ng isang bahay ay nagtago agad ako sa gilid non. Napahawak na lamang ako sa aking mga tuhod sa sobrang pagod at hingal. Mula rito ay nakakita ako ng poste na mayroong nakapaskil na guhit ng larawan at laking gulat ko nang mapagtanto kong ako iyon.
Wanted.
"Ayon!" Rinig ko sigaw kaya naman dumako na ako sa isang eskinitang malapit rito at tinahak ko iyon.
"Wanted? Bakit ako? Ni hindi ko nga nahawakan ang pera na iyon!" Mabaliw baliw kong saad habang binibilisan ko ang takbo ko.
Nang makita ko mula rito ang kakahuyan ay nagtungo na lamang ako roon at nagtago ulit sa isang puno ng acacia. Mukhang hindi pa naman nila ako naaabutan kaya naman nagpahinga muna ako. Napansin ko namang dumudugo ang tuhod ko. Ngayon ko lang napansin na mayroon na pala iyong hiwa.
YOU ARE READING
EFERHILD
FantasyRunning in the wild escaping from trouble just to get into another danger. Would she be able to handle being in the place where she didn't belong to? As well as the mysteries and secrets. Will she try to escape again?
