May mga taong hindi dapat pag katiwalaan.
Secreto ay dapat sayo lang.
Mga bagay na hindi dapat sinasabi sa iba.
***************************
"Minsan kailangan mong isarili ang mga sekreto mo anak, kasi hindi lahat ng tao ay mapag kakatiwalaan, hindi lahat ng nakapaligid sayo ay kaibigan ang turing sayo.
Kaya anak kailangan mong itago ang lahat ng tungkol sayo para sa kaligtasan mo."
Yan ang huling mga salita ang narinig nya mula sa kanyang ina bago ito mawala sa mundong ibabaw.
Ang mga iyan ang nag pamulat sakanya na hindi talaga lahat ng tao ay mapag kakatiwalaan.
Namatay ang mga magulang nya dahil sa isang taong tinuring nilang kaibigan pero tinrydor lang sila.
Dahil don ay kinailangan nyang itago ang lahat sakanya.
Even her true name.
**********************
