Untitled

11 0 0
                                        

Paano ko ba aaminin

Paano ko ba sasabihin

Puso ay nasasaktan

Dahil sa iyong biglang paglisan


Nalilito, nagtatanong

Sa Isang iglap dito humantong

Lahat ng masasayang alaala

Tila sa'yong isip ay naglaho na


Anong pagkakamali aking nagawa

Para ikaw sa aki'y magbagong bigla

Anong lamig bawat tingin

Anong sakit ng mawala ang lambing


Hanggang dito na lang ba talaga?

Tuluyan na bang naglaho na

Puso ngayo'y nagdurusa

Umaasang sana ay pwede pa


Puso ko'y nais muling madama

Kaligayahan na dati'y iyong dala

Sana nga may pagkakataon pa

Nang masabi ko sa'yo, "oo nga minahal na kita!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UntitledWhere stories live. Discover now