Tot 1.1

11 0 0
                                        


Hanna weep, "Why? Am I not enough? Do you still love me?" 

Jerome, still facing the door, replied coldly, "I don't love you. You don't satisfy my needs." 

"B-but we're happy, right? Please don't leave me alone!" She hugged him from the back, not knowing that Jerome is crying too.

"No, we need to end this." He suddenly felt that Hanna let go of him that's why he wiped his tears and faced her. His eyes grew wider when he saw that Hanna's holding a knife.

"If you don't want to stay with me until you die, then I have no other choice..." she walked closer to Jerome who is now walking backwards. 

"N-no Hanna. Y-you can't do this." 

"Oh yes, I can." She suddenly stabbed Jerome. "I love you, Rome." 

Binasa ko ulit ang sinulat ko. Pakshet. Binura ko na lang ulit ang t-in-ype ko at pinagkrus ang braso ko't sumandal sa kinauupuan ko. 

Pangatlong kuwento ko na 'to, pangatlong kuwento ko na rin itong aabandunahin. Puro simula lang ang nagagawa ko, ni isa wala pang natatapos. Gusto ko na lang pigain ang utak ko para kahit isang kuwento lang ay makatapos ako. Pakshet talaga.

Hindi naman sa gusto kong magsulat ng kuwento, kaso pakshet kasi! Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin noon at ang kinuha kong track sa Senior High School ay Humanities and Social Science. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa teacher ko't pinagawa kami ng kuwentong love story ang genre. Oo, HUMSS kami at hindi na kataka-taka kung gagawa nga kami ng kuwento pero pakshet, bakit kailangan romance?! 

Marami namang ibang genre dyan, romance pa talaga? Nakng tinapa naman, oo!

"Hey!" Napalingon ako sa likod ko nang tapikin ako ng kung sino man sa balikat. 

Surprise, it's Alex "Hambog" Perez. 

"You done?" Ang laki pa ng ngiti sa akin, akala mo naman ikaguguwapo nya. Pangit pa rin sya sa paningin ko. Sumisilip-silip pa sya sa ginagawa ko, iniurong ko naman ang ulo nya sabay batok.

"Pakshet ka, lumayas ka sa harap ko!" Pagtataboy ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at pinilit pa talagang basahin ang tina-type ko. 

"Language, lady." Pagpapansin nya sa pagmumura ko. "Ano ba naman 'tong sinusulat mo? Para kang batang walang alam sa pagsusulat! Mas maganda pa nga yata ang gawa ng mga bata e! Atsaka romance ang gagawin, ah? Hindi patayan."

"Paki mo ba!" Patalak ko sa kanya. "Hindi lahat, natutuwa sa love story!" Tinawanan nya lang ako habang ako ay todo simangot na dito. Sana lahat kasi diba, may experience sa mga ganyan? Sana lahat kasi diba, babaero?

"Tara na kasi, partner na lang kasi tayo!" Pagpupumilit ng kumag sa akin. Hindi ko sya pinansin at ni-log out na lang ang account ko. 

Hindi naman kasi individual activity 'tong story na 'to. Bahala raw kami kung gusto naming mag-solo o may kasama, basta bawal tatlo o mahigit. Lahat ng mga kaklase ko, kung hindi may ka-partner ay gustong mag-solo. 'Etong si Alejandro lang talaga ang nangungulit sa akin. Mas pipiliin ko pang mag-solo na lang kaysa maging ka-partner 'yang hambog na 'yan. Wala pa nga, nilalait na kaagad ang gawa ko!

Palabas na ako ng comlab nang bigla nyang hablutin ang kamay ko. 

"Sige na kasi Jane~ Partner na tayo~" at nagpa-cute pa talaga sa akin. Huh! Hindi mo ako madadala dyan sa pagpapa-cute mo! 

"Tigilan mo nga ako, Alejandro." Napanganga sya at binitiwan nya ang kamay ko. Ayaw nyang tinatawag syang 'Rolando', tunog tatay raw kasi. 

"Alex nga lang kasi. A-L-E-X, Alex! Puwede ring 'Baby' kung gusto mo." At kumindat pa ang kumag! Nakng tinapa talaga, oo!

"Hoy kayong dalawa." Napalingon kami kay Kuya Asher, ang humahawak sa comlab, na mukhang naiinis na sa ingay naming dalawa. "Doon na kayo sa labas mag-LQ!" Pagalit na sabi nya, pero nakikita ko namang natutuwa sya.

"Kuya naman e!" Tinawanan lang ako ni Kuya Asher. Dali-dali na lang akong lumabas, baka may masabi pa akong masama. 

"Akala ni Kuya, tayo oh! Tayo na lang kasi ang mag-partner!" Aba, nakasunod pa pala 'tong kumag na 'to? 

"Kaya kong gumawa ng kuwento mag-isa." Naglakad ako papunta sa canteen at ako'y nagugutom na. At sumunod naman sya sa akin. Sige, sundan mo lang ang reyna.

"Kaya mo ba? E mas maganda pa kuwento ng Kinder kong kapatid kaysa sa ginawa mo e! If you will be my partner, I guarantee a perfect score for the two of us!" Bigla akong humarap sa kanya at pinandilatan sya ng mata na syang ikinaatras nya. 

"You!" At dinuro ko ang mukha nya habang nakakunot ang mga noo ko, "don't tell me what to do. And you! don't care if I pass or fail in this subject. Understand?!" At tinulak ko ang dibdib nya gamit ang hintuturo bago ako tumalikod at muling naglakad. 

"I don't tell you what you should do, but I know that you can juice out something from that idea. And who said that I don't care about your grades?" Napahinto ako sa sinabi nya at hinarap sya. Unti-unti na ring umaayos ang gusot sa mukha ko. 

"What do you..." ngumisi sya, kaya napatalikod na naman ako. Pakshet sya. Mas lalo pa akong bumusangot at naglakad nang mabilis.

"Oy oy oy oy! Hindi ka ba magtatanong kung anong ibig sabihin ng sinabi ko?" Sigaw nya sa akin. Tinaas ko lang ang kaliwa kong kamay at iniling na nagsasabing "I don't care. Fuck off." Tinawanan nya lang ako at wala na akong narinig mula sa kanya. 

Buti naman at tinigilan na nya ako. 

Just random things.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang