Isa

140 10 4
                                        

Muli kong inikot ang aking tingin sa paligid habang hinihigit ang strap ng aking laptop bag, tila pinapakiramdaman kung ano kayang bagong pakikipagsapalaran ang aking tatahakin dito sa Marikina University.

Napailing nalang ako at napahinga ng malalim.

To be honest, it wasn't in my plans to teach here. Kung tutuusin, mas malapit pa nga yung university na pinagturuan ko noon sa bahay ko kaysa rito.

But then a few weeks ago, I got a call from Mrs. Marasigan. Siya ay isa sa mga naging ka-close ko na professor nung college student pa ako. And as usual, we talked for hours. I don't even know how it's possible for her to never run out of things to say. Dun niya nakwento sa 'kin kung paano siya pinetisyon ng kanyang mga anak para tumira kasama nila sa US pati na rin ang mga pinagdaanan nila para lang ma-approve ang kanyang visa.

Tumawag rin daw siya sa 'kin dahil naghahanap na siya ng papalit sa kanya sa paparating na semester. She even said that if she wouldn't be able to find a replacement soon, baka hindi siya umabot sa oras na binigay ng embassy para makaalis ng bansa.

"Sige na, Nate!" alala ko pa sa mapanghikayat na mga salita na tinuran ni Mrs. Marasigan. "Magaling kang acting teacher! Lagi ding successful ang mga plays mo kaya I know you'll make a perfect Acting for Theater professor for Marikina University!"

Of course, I wasn't able to reject her offer.

Alam ko kung gaano na katagal nawalay si Mrs. Marasigan sa kanyang mga anak kaya sino ba naman ako para pigilan ang muling pagsasama nila ng kanyang pamilya. Eh ako nga...bigla akong natigilan sa naramdaman na panandaliang kirot sa aking dibdib sa biglaang pagdaloy ng mga masasakit na alaala sa aking isipan.

Agad kong pinilit ang sarili na magsimulang maglakad ulit para hanapin ang assigned na faculty room ng Theater department.

Forget about it, Nathan. You're here to start over again.

Napangiti nalang ako nang matipid sa naisip.

That's actually one of the reasons why I immediately agreed to take the job offer. I just knew that I had to leave some things from my past behind. Yun lang ang paraan para tuluyan na akong makapagpatuloy sa buhay.

Para tuluyan ko nang makalimutan ang mga bangungot na dala ng nakaraan.

Mamaya, nang maibaba ko ang iba kong gamit sa faculty room at makapagpakilala na rin sa mga bago kong katrabaho, naisipan ko munang lumabas sandali para libutin ang iba pang parte nitong campus.

Napatingin ako sandali sa aking suot na relo bago tuluyang sinarado ang pinto sa likuran ko. Halos isang oras pa pala ang kailangan kong palipasin bago permanenteng hawakan ang iniwang klase sa akin ni Mrs. Marasigan.

Paniguradong marami akong mapupuntahan nito.

I quickly looked around for the theater hall and was pleased to find that it was much bigger than the one from my previous university.

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon eh manghang-mangha pa rin ako sa mahika na dala ng entablado. Pag nakatayo ka kasi dun, para bang kaya mong maging kahit sino at gawin ang kahit ano nang walang huhusga sa'yo kahit ano pa ang kwento ng buhay mo.

Marahil iyon din ang dahilan kung bakit sobrang minahal ko ang teatro.

Dahil dun, nakakalimutan ko kahit kaunti ang sakit na dinala ng nasirang relasyon ng aking mga magulang.

Dahil dun, nakakalimutan ko kahit papano ang hinagpis na dinala ng kataksilan.

Dahil dun, sumasaya ako kahit panandalian, lumalaya ako mula sa tunay kong kamunduhan.

I think that's why I'm really passionate to teach about it. Nakikita ko kasi ito bilang mabisa na therapy para sa mga taong kailangang pakawalan ang mga naipon na damdamin.

Mamaya'y lumabas na rin ako ng teatro at nagtungo sa tila isang park sa loob ng campus. Marahan kong inikot ang aking tingin sa napakagandang tanawin na nakita. Kahit kasi di hamak na mas maliit ang Marikina University kumpara sa dati kong pinagturuan, ibang klase pa rin ang mapayapang pakiramdam na hatid ng kapaligiran dito.

I couldn't help but smile.

Mukhang tama nga ang desisyon kong pumarito.

"Sige nga!" sabi ko sabay hablot sa aking bagong cellphone mula sa aking bulsa. "Masubukan nga kung totoong maganda yung camera nitong kamahal-mahal na iPhone XS Max!"

I looked around for an empty bench and when I spotted one, I gently dropped my bag and sat down so I can take pictures without difficulty.

A few minutes later, while I was in the middle of taking pictures of some trees, may narinig akong mga mabibilis na yapak na papalapit sa akin ngunit hindi ko ito inintindi. Naisip ko, baka naman kasi may estudyante lang na nagmamadali.

"Excuse me?"

A sweet voice filled my ears.

Natigilan ako sandali ngunit hindi ko ibinaba ang aking kamay mula sa pagkuha ng mga litrato. Paniguradong hindi naman kasi ako ang kinakausap nun. Wala pa din namang nakakakikala sa akin dito.

"Excuse me!"

Hindi ko na napigilang iangat ng tuluyan ang aking tingin sa gulat na mapagtaasan ng boses ng isang babae.

Isang napakagandang babae.

Against All OddsWhere stories live. Discover now