The EX Factor

8 1 0
                                        

Ano ba ang nararamdaman mo kapag nandiyan si Ex?

Yung parang 'pag nagsosoundtrip ka at hindi mo gusto yung kanta, gusto mo nang i-Next?

Buhat nang malaman mong ang relasyon nyo pala noon ay complex

Parang gadget na madaling masira dahil mababa ang specs.


Minsan naglalakad ka at bigla na lang kayong nagkasalubong

Kumabog nang pagkalakas ang dibdib mo na parang sa loob ay may nagsasabong

Nagbalik ang lahat ng memorya mo sa kanya noong umuulan at magkasukob kayo sa payong

Biglaa'y nagmadali kang maglakad na parang sinisilaban ang iyong mga paa kahit wala namang gatong.


At isang araw nakita mo sya sa madalas n'yong kinakainang restaurant

Ngunit iba na ang kasama nya dahil hindi na ikaw yung taong sa kanya ay important

Sa labis na sama ng loob ay nakaisip ka ng isang ideyang sobrang brilliant

Nilapitan mo sila at nagsisigaw kang dapat ka niyang panagutan sapagkat ikaw ay 2 months nang pregnant.


Erase! Erase! Erase! Nagising ka sa iyong mga guni-guni at sunod-sunod kang napailing

Dahil hindi mo na malaman kung saan ang sakit na iyong nadarama'y dapat na ibaling

Pakiramdam mo'y nakatitig ka sa isang blurred na larawan - nakakaduling

Ikaw kasi, inakala mong habambuhay na kayong magkapiling - 'wag kang feeling.


Minsan, isang linggo ay naisipan mong lumapit sa Diyos at magsimba

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ang nakatabi mo ay siya - malas diba?

Pinagpawisan kang malala at parang nais mong mabuhusan ng malamig na tubig - isang timba

Hindi ka makatayo para umalis sapagkat baka ikaw ay mawalan ng malay at matumba.


Lumipas ang isang buwan, masaya mong sinalubong ang umagang kayganda

Naka-move on ka na at ngayon ay sisimulan mo na ulit ang magpaganda

Ganoon naman sa mga teleserye kapag nasasaktan ay naghihiganti ang mga bida

Ramdam mong ano mang oras na magsalubong ang mga landas n'yo, ikaw ay handa.


Kapag nagkita ulit kayo ay handa mo na s'yang batuhin ng mga katagang "Who are you?"

O di kaya naman ay yung nauuso ngayon na "Hi, ako nga pala yung sinayang mo."

O kaya yung mas pamatay na linyang "Have we met before?" sabay "Do I know you?"

O "I remember the boy but I don't remember the feeling anymore" para mas tagos sa puso.


Ilang buwan mong pinaghandaan kung sakaling pagtagpuin kayong muli ng pagkakataon

At nangyari na nga, pero ang mga bibig mo'y ayaw bumukas at nanatiling nakatikom

Hiniling mo na lang sa isip mo na sana'y bumuka ang lupa at ikaw ay mabaon

Akala mo naka-get over ka na pero biglang bumalik ang lahat - hindi ka pa pala nakaka-move on.


Bumalik ka sa unang step sa pagmo-move on sapagkat ang nauna ay naging epic

Kinalap mo ang lahat ng impormasyon, mga payo at pinakamahuhusay na technic

Muntik ka na noong mawala sa katinuan, lumala ang saltik at naging lunatic

'Wag mong hayaang mabuhay ka sa nakaraan na umaasa sa wala, uso din maging realistic.


Kung iniisip mo na madaya ang pagkakataon dahil hindi kayo ang nagpalitan ng vows at wedding ring

Tandaan mo na lang na "There's always a purpose and reason for everything."

Maaaring may darating pa na much better, someone up there is preparing to give you something

Don't worry, hindi lang sa fairytale kundi pati sa rin sa real life ay nag-e-exist ang happy ending.

The EX FactorStories to obsess over. Discover now