One shot Story

1 0 0
                                        

(Let Go)

"Babe magkwento ka nga?" sabi ko kay jayson habang nakaupo kami sa sofa at kumakain ng popcorn.

"Tungkol saan?" sagot nya habang nakatingin saakin.

"Kasi may favorite akong kanta diba yung Someone you loved and sa tagal konang naririnig yun naiintindihan kona ung meaning ng song it means reflects on a past relationship while longging for someone new. Na baka nangungulila ka nasaakin dahil di na kita nabibigyan masyado ng oras Mas namimiss mo na Ung Ex mo. Ikuwento mo saakin yung nakarelasayon mo bago ako. Gusto malaman kung ano ka or sino, bago ako?" sabi ko habang nakatingin sa kanya, napansin ko yung pagbabago ng mata nya ng mood nya parang naging malungkot ung mga mata nya.

"Alam mo Jayzzell matagal na yun wag na natin balikan binaon ko na sa limot yun" sabi nya sa boses hinde ko mawari ang tono may panghihinayang, lungkot at galit halo-halong emosyon ang nakikita ko sa taong kaharap ko.

"Gusto ko malaman ikwento muna pangako kung ano man ang malaman ko hinde magagalit iintindihin ko Please! May tiwala ako na mahal moko At nakaraan na to" sabi ko sa malumay na boses

"Sige kung mapilit ka iku-kwento ko pangako mo na hinde ka magseselos" sabi nya at umayos ng pag kakaupo "I was 17 that time 2nd year college na ako and tumagal kami ng 2 years. She's my first in everything first love,first date, first kiss and first sex basta, first ko sa larangan ng pag ibig sya yung nagpuno ng kulang saakin tanggap sya ng magulang ko at tanggap nya ako. masaya ung pagsasama namin. Naalala ko pa na sya yung nagpatatag saakin nung dapat susuko na ako. Mahal na mahal namin ang isat-isa pinaramdam nya saakin ang pagmamahal na hinde ko ini- expect. Everything is fine until one day nawala nalang sya bigla na parang bula nung una nakatangap pa ako ng sulat at sinabi nyang kailangan nya lang daw muna ng space at sana hayaan ko nalang daw muna sya. Sinubukan kong kontakin si Alice na kahit sarili ko napabayaan ko na dahil sa paghahanap sa kanya. kasi araw-araw kong tinatanong sa sarili ko may nagawa ba akong mali? Pilit kong inaalala ung huling araw na magkasama kami umiyak pa sya noon at sobrang nagpapasalamat pa sya dahil dumating daw ako sa buhay nya tapos kinabukasan bigla nakakagulat na bigla nalang syang nawala. Nung maka graduate ako sinubukan ko syang hanapin kasi eto ung pangarap naming dalawa ang maka graduate kami pero ako lang mag-isa tumupad until isang araw nawalan na ako ng pag-asa sa paghahanap sa kanya kasi tinanggal nya lahat ng connection nya saakin Social media Blocked ako Nagpalit na ata sya ng bagong number pati family nya di kona ma Contact sa nagdaang tatlong buwan o mahigit wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Na ultimo mga nakapaligid saakin natataboy ko na ilang buwan ako nalugmok nagpakalunod sa alak. Pagkatapos ng ilang buwan kong pag iyak na realise ko na kung gusto nya talagang magpahanap ay mahahanap ko sya. Tumigil na ako sa pag mukmuk. Nag hanap ng magandang trabaho ginugol ko ung oras ko sa trabaho at kinalimutan na ang magmahal. Until dumating ka nagbago ang lahat ikaw ulit ung taong nagparamdam saakin ng kakaiba At nagparamdam saakin ng pagmamahal" madamdaming kwento nya habang may nag babadyang luha sa malulungkot nyang mga mata. Hinde ko narin namalayan na umaagos na pala umg luha ko ramdam ko ung sakit at hapdi ng bawat katagang ikwekwento nya.

"Na mi-miss mo ba sya?" tanong ko habang hinde parin maampat sa pagtulo ng luha ko.

"Magaglit ka ba pag sinabi kong oo? Na umaasa parin ako na babalik sya at magpapaliwanag kung bakit iniwan nya ako ng ganon ganon lang? Bakit hinayaan nya akong malugmok ng sobra? Kasi kung oo magagalit ka sorry pero na mi-miss ko na sya eh" sabi nya at tuluyan na ngang nahulog ang mga luha nya na kanina pa nagbabadyang mahulog.

"I'm sorry di ko alam na nasasaktan ka parin" sagot ko habang lumuluha parin.

"Uuwi muna ako. Sorry hinde ko kayang makipag-usap sayo ng ganito ako umiiyak baka isipin mo napakahina ng boyfriend mo" sabi nya. Tumayo sya at inayos nya ang sarili nya pero bago sya tumungo palabas. Hinawakan ko ang braso nya. " may isa pa akong tanong. Ano ang buong pangalan ng Ex mo?" tanong ko sa garalgal na boses "Alice Palomar. Bakit?" sagot nya sa marahang boses "Wala magkita nalang tayo bukas kapag Maayos kana" sabi sabay bitaw sa braso nya. Nang makita kong nakaalis na ang sasakyan nya mas lalo lang dumagsa ang luha sa mga mata ko humahagulgol lang ako sa nakalipas na 5 minuto alam ko mahal nya pa rin yung ex nya sa loob ng ilang taon na pagsasama namin hinde ko pa sya nakitang umiiyakngayon lang. Hanggang sa hinde ko alam kung bakit dinala ako ng mga kamay ko sa nakabukas na loptop sa harapan ko hinde ko alam kung bakit nasa search bar ako ng facebook ko at kusa nalang nagtipa ang aking mga kamay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let GoStories to obsess over. Discover now